Share this

Tuesday, November 26, 2019

A Cute History of Rubber


The History of Rubber

Research by Jess


Rubber – one that rubs

Timeline

The shady origin of rubber involves sacrifice.

Who
What
When
Where
Native Americans
Ollama/Tlachtli/ Pok ta Pok
3500 yrs ago
South America
Christopher Colmbus
Voyage
1496
America
Charles de la Condamine
“caoutchouc”
weeping tree
1745
Europe
Joseph Priestly
“rubber”
can rub pencil marks
1770
Europe
Samuel Peal
Water proof clothing and footwear
1791
England
Thomas Hancock
Masticator
1843
England
Charles Goodyear
Vulcanization
1844
America
Henry Wickham
Seed transfer
1876
South East Asia
Gustave Buchardat
Synthetic Rubber
1879
France



World war two happened. The rubber industry went booming to the point of human slavery and maltreatment.

In the twentieth century there are all sorts of rubber everywhere. 
[***ang hirap mag-English]

Note: Ang kwentong ito ay punong-puno ng kuro-kuro at opinion mula sa manunulat[***hahaha]

Nagsimula sa isang laro

Naintriga ako tungkol sa rubber kaya napatambay ako sa World Wide Web para halughugin ang kasaysayan ng goma. Sa unang official business meeting na napuntahan ko, nabanggit ang rubber at ang amazing properties nito. Nakiliti ang curiosity sa utak ko kaya napa-research ako kahit wala naman nag-utos sa akin.

Pok-ta-pok

pok ta pok


Rubber - iyong bola sa picture na pinaglalaruan ng Kuya na may astig na tatoo. Pok-ta-pok/Ollama/Tlachtli ang tawag sa laro nila. Parang Volleyball pero super weird version. Iba ang rules. May mga nagsasabi na part ng Ancient Mesoamerican culture ang human sacrifice (1200CE). Literal na nakataya ang buhay ng mga sumsali sa laro na ito noon. Doon unang ginamit ang rubber. At hindi pa rubber ang tawag sa kanya. Ang term na rubber ay nagsimula noong 1770, pinauso ni Sir Joseph Priestly. Napansin nila na kapag ang dagta ng Hevea tree ay kinaskas(rub) sa sulat ng lapis; nabubura ang marka ng lapis. "rub..rub". [***bakit kaya "rub" ang napili niyang term? bakit hindi erase?hahahaha]

hevea tree

Natural Rubber or Synthetic Rubber?


Direct descendant ng (hevea tree) rubber tree ang natural rubber. Malamang galing kasi sa nature. Samantalang si synthetic ay produkto ng chemical synthesis mula sa petroleum. Kung ako si synthetic rubber magtatampo ako sa nagpangalan sa akin. Saan ba galling ang petroleum? Sa ilalim ng lupa. Kay mother earth pa din siya galing. Pasalamat tayo at si synthetic rubber ay hindi emotional katulad ko.

Rubber is a cool thing


Hininto ko ang aking rubber research sa 19th century. Hindi pa ako umaabot sa rubber application in engineering industry. Baka maging rubber expert ako kung hihimayin ko ang material structure at properties. Marami ng data tungkol sa magical rubber. Ang mabuti ngayon ay nagkaroon ako ng kaunting background tungkol sa rubber. Rubber is a cool thing.


Rubber or Leather

Biyaya ng divine ignorance na ilihim sa akin ang pinagkaiba ng rubber at leather. Rubber ay ang lahat ng mga sabi-sabi ko diyan sa taas. Samantalang ang leather ay mula sa balat ng mga hayop. Tuwang-tuwa pa naman ako sa leather shoes, leather bag at leather jacket. Hindi ko alam na may isang inosenteng hayop na binalatan para sa produkto na ito.  [***naisegway ko pa un kahit wala naming konek, hmmm baka ang susunod kong research ay tungkol sa leather]

Examples of Rubber:

Molded rubber products

Rubber tires
Rubber sheets
Rubber balls

References:






www.rubberstudy.com/natural.aspx

Saturday, November 23, 2019

Bye Bye Board Exam Chronicles

Board Exam chronicles ---- signing off..



bye

Dahil ang atensyon ko ay nalipat na sa ibang mga bagay.

I shall say bye and thanks to board exam thoughts.

Naging isang makulay, masaya at hindi malilimutang experience.

Moving on.. career naman.

Jess, Welcome to the stage of adults!

Love,
J. G. Villanueva

Tuesday, November 19, 2019

My fork road to PRC license



Nakikita ko sa tinidor ang board exam journey. Specific na tinidor. Gayan dapat ang itsura. Tatlo ang pantusok for a definite reason. [***parang trident ni poseidon na drawing ng grade one version ni jess๐Ÿ˜…] 


  • Nawawala na ang enthusiam ko para magkwento pa tungkol sa board exam journey, simula ng magkatrabaho. Nakita ko sa gallery ang drawing na ito kaya nabuhay ulit ang passion.


Palaala:
Gusto kong linawin na kinukwento ko ang three-peat experience ko into passing the board exam dahil interesting ito para sa akin. Pero..pinagbabawal kong gayahin.

In my attempt to answer the question 

"How to pass a Board Exam"


First attempt: Fail
Second attempt: Fail
Third attempt: Success

..ngunit, subalit, dapatwat 

"There are no failures just feedbacks." 
-Jim Kwik

Madalas kong madinig kay Mr. Kwik ang statement na iyan sa tuwing nakikinig ako sa podcast niya.

Let me rewrite.

First attempt: Feedback
I learned to be  more sensitive with other people's emotion.

Second attempt: Feedback
I discoved something about self. I bounced forward.

Third attempt: Success

I found two ways which did'nt work. Luckily the third led me to the desire.

Walang isang sagot sa tanong..kung paano.. sapagkat magkakaiba ang sagot para sa lahat.


Gusto kong isipin na ang board exam ay tulad ng isang puzzle. Depende sa tao kung paano niya sasagutan. Kung ano ang alam niya at kung ano ang una niyang makikita. Makakakuha tayo ng advice mula sa mga taong nakatapos nito. Saan may dead end. Advice kung anong best path. But at the end of the day you have decide for your self on how act. 

Will you stop at the deadend?
Will you restart the puzzle?
Will you find a different puzzle to solve?

I salute to the people who did try once and made it right away.

Ngayong nasisilip ko na ang mundo ng propesyunal...

Gusto kong maki-usap. Sana kilalanin at igalang natin ang kapwa. Bilang pamantayan ang kanyang buong pagkatao. 

Ilang beses na akong natanong:


Anong tinapos mo?/ Anong kurso ang kinuha mo noong college?

Jess: Mechanical Engineering po

Matic.. Kasunod ng tanong na ito ay:

Board passer?

Swerte ako, dahil pwede kong isagot na,
"Opo"

Kung itinanong sa akin iyon last year.. Naku sinasabi ko sa'yo. Lukot ang pride ko. Matutupi ako na parang papel na nilamukos. Kasi nagtake na ako, pero hindi ako nakapasa. Last year. Swerte pa din kasi ngayong taon ako binabato ng ganitong mga tanong.

Nasusulat ba sa diploma ang halaga ng isang tao?

Batayan ba ang isang parihabang plastic[***id] para masukat ang kakayanan?

Nalulungkot akong isipin na sinusukat ako sa ganoong pamamaraan. Inaalala ko na lang na halaga ko ay batay sa pagpapahalaga ko sa aking sarili. Self worth.

Cultural Contempt


Merong cultural contempt akong napapansin. Iyong tipo na ang parang sobrang laki ng gap sa pagitan ng mga kabataang Pilipino na kumuha ng Engineering. Sa pagitan ng mga board passer, sa hindi nagtake at sa nagtake pero hindi pinalad. 

Anong meron?

Well, true. Malaking achievement ang makapasa ng board. Sa kabilang banda kung hindi tayo pinalad mapasama sa upper echelon ng rating ay nangangahulagan ito na mababawasan ang value natin bilang tao? Anak ng tinola. Syempre hindi diba!? 

So, saan nagmula ang teorya na dapat makapasa muna sa board exam bago makipagsapalaran sa paghahanap buhay? Meron ba talagang ganon o naimbento ko lang a few seconds ago?

Noong third review ko may nakilala akong kapwa reviewee na retaker katulad ko. Itago natin siya sa pangalang Kuya Job. Si Kuya Job ay employed. Nagreview siya  ulit for a short period of time. Sa refresher and coaching. Noong minsang naghihintay kami ng schedule sa hallway naisipan ko siyang interbyuhin. 

Jess: Kuya Job, meron ka nang magandang trabaho at maganda ang sweldo. Bakit po kayo mag-take ng exam, ulit?

Madami pa kaming napagkwentuhan doon. Madami akong tinanong. Pero ang natandaan ko sa sagot niya sa tanong na iyan ay dahil sa hindi maiwasang tanong na "Board passer?". Tapos kapag sinabi niyang "Hindi". Kahit walang sabihin ang nagtanong makikita sa reaksyon ang disappointment. Hays..

Ganun ba talaga?

Let us be humans exisiting harmoniously regardless of diploma, degree or license. Please.

Oi ha, pero hindi ko sinasabi na sukuan ang board exam. Ang sa akin lang ay evaluate natin ang value system. [***hahaha anudaw!?] Nirerespeto ko ang effort at achievement ng board passers and I refuse to put them in a higher plane. Kung homo sapien ka din na katulad ko naniniwala ako na may equal potential tayong lahat for greatness. It is up to us to harness that potential.


Love,

Jess๐Ÿ’•




Tuesday, November 12, 2019

A Gratitude post

Thank you post!



Salamat para sa araw na ito dahil nagkaroon ako ng pagkakataon.

Salamat sa Entecs para sa AutoCad lessons

Salamat kay Sir Aga para sa matiyagang pagtuturo

Salamat sa October 13 batch[***sa mga kasabay kong nag-aaral ng Autocad]

Salamat kay Mam Jen para sa pagtanggap sa amin ni Ate Jem bilang estudyante

Salamat kay Mr. Henrik Fexus para sa pagsulat ng librong "The art of reading minds"

Salamat sa aking mga magulang

Salamat sa aking kapatid

Salamat sa A-mech Engineering dahil marami akong natutunang bago sa Engineering at Sales industry.

Salamat kay Sir Brian Tracy para sa mga books about sales at sa mga inspirational thoughts

Salamat kina Ate Mariet at Kuya Andrew para sa pagbigay ng pagkakataon

Salamat sa mga bagong experience at mga bagong kakilala

Salamat sa iyo na bumabasa. 

I love you!

Madaming mga pagkakataon na nauubusan ako ng isusulat. Isa ito sa mga pagkakataon na iyon. Naiisip ko bigla, na magpasalamat.

Salamat!

Love,
J. G. Villanueva ๐Ÿ’•

Thursday, November 7, 2019

Be All You Can Be

The unexpected sequel...


Minsan makakabasa ka ng isang libro tapos babaguhin nito ang buhay mo.

Title: "Be all you Can Be" 
Author: John C. Maxwell

The unexpected sequel kasi di ko inaakala na makikita ko sa libro na ito ang sagot sa ilan sa mga tanong ko.

Kung nabasa mo na ang post na Why choose Mechanical Engineering, nag-iwan ako doon ng mga tanong. [***kung hindi mo pa nabasa 'yon. How dare you!? Basahin mo muna. Hahahaha joke!]

[“Ang board exam daw ay battle ng Lord”. Kinukwestyon ko ang statement na ‘yan. Hindi ko maimagine kung paano naging battle ni Lord ang board exam. Kako magkakatawang tao ba si Lord at siya ang mag-eexam? Meron bang divine magic na sasapi sa amin sa board exam at siya na ang bahala sa lahat? Kung ganoon, bakit may mga bumabagsak?]


Ayan!

Exerpt mula sa mismong post. [***kasi baka di mo naman i-click ung link. Hindi ka makakarelate. Kaya kinopya ko na hahaha]

October 12, Saturday, past 7:00 pm


Hindi ko alam kung bakit mahaba ang pila sa terminal ng Genesis sa Avenida ng gabing iyon. Bilang pampalipas ng oras, kinuha ko sa bag ang libro na fresh from Tita Arlyn's bookshelf. My take away from Indang. Ang oras ay pasado alasyete. Nakapagsend na ako ng ceremonial text kina Robert, Maine at Andryx. Iyong tipo ng text na isesend mo sa tropa kapag naghiwahiwalay na kayo pagkatapos tumambay.

Ganitong linyahan: 

"Huys, ingat sa pag-uwi. Salamat sa time kanina. Enjoy!! Sa uulitin"


Hahaha, syempre iba-ibang version 'yan. Personalized kunyari pero ang suma tutal ay ganyan ang laman. 

Iritable na ang Ate gurl na nakapila sa harap ko. Past nine pm na ako nakaupo sa Bus. Dalawang oras ako pumila. Madami na din akong nabasa.

Umabot ako sa part na naikwento si David and Goliath. 

"Chapter five: The Bigger they are the harder they fall"


Pagbasa ko pa lang ng Chapter introduction. Huminto ang oras. Slow motion na rewind. Sakto pa dahil malapit ako Manila Grand. Board exam feels talaga. Pati iyong hindi magandang amoy ng atmospere sa Manila ay nag-evaporate. Tapos bumalik iyong mga ala-ala ko ng review days. Iyong thursdays na binabanggit ni Pastor Pio si David and Goliath. 

"Its the lord's battle"

Napaisip tuloy ako.. Nabasa kaya ni Tita Arlyn ang blog post na iyon? Alam nya kaya na nasa libro na ito ang malawak na ekspanasyon ng kwento ni David and Goliath? Random lang kaya ang pagkaka-abot sa akin ng book na ito? Baka naman divine will ng universe na mapasakamay ko ang libro na ito. [***thanks po :)]

Sabi ni Mr. John C. Maxwell, 

Una: 
What is your biggest problem? 
What giant is standing in your path?

Tapos tinuro niya kung paano maging "victorious"

Victory becomes ours when we think right about our problems, feel right about our problems and then act right about our problems.

Bantil (Slingshot) at bato ang gamit ni David para mapabagsak si Goliath. Si Mr. Maxwell ay nagbigay ng five stones on how to conquer our Goliath.

Stone number one: Check your Cause


Stone number two: Count the Cost


Stone number three: Chart Your Course


Stone number four: Consider Your Christ


Stone number five:  Charge your Challenge


Ang ganda ng content ng libro na iyon. Naka-schedule ang book na ibalik ko kay Tita noong oath taking. (October 25) Pero hindi ko ibinalik, intensyonal.. Hahaha kasi sabi ko gagawa ako ng blog post about the book and how it is entangled with the strands of my life. In the near future maibabalik ko din ang book, since posted na ang entry na ito.

Thank you sa kay Tita Arlyn sa pagpahiram ng book.

Thank you kay Mr. John C. Maxwell sa pagsulat ng isang life changing na libro.


Bilang sagot sa mga tanong ko. 


Tanong: Magkakatawang tao ba si Lord at siya ang mage-exam?

Sagot: Hindi. [***anong klaseng tanong ba 'yan Jess. Philospher ka ba? o Pilosopo lang talaga]

Tanong: Meron bang divine magic na sasapi sa amin at siya na ang bahala sa lahat?

Sagot: Hindi din.. Anuba!? [***very creative ang mga tanong..smh]


Tanong: Bakit may bumabagsak?

Sagot: Hindi ko alam Sir/Mam. Dahil diyan, ibahin natin ang tanong. Bakit may pumapasa? 


Bakit may pumapasa?


Love,
J. G. Villanueva ๐Ÿ’•



Friday, November 1, 2019

Jess' thoughts on love, relationship and boys

Naks!


November 01 ngayon tsyong pero ito ang topic natin. Hahaha


Kanina habang nasa harap ng puntod, nagkwento ang pinsan kong thirteen years old. Nawindang ako sa chicka niya. Ngayon, nagrereflect ako sa tungkol sa love, relationship and boys.

Love


Big word! Parang si God ang concept na ito para sa akin. Masyadong malawak. Madaming angulo. Pareho si God at ang concept ng Love in a way na naniniwala ako kahit hindi ko naiintindaihan ng buo. After all: God is love.

Relationship


Minsan may nakakwentuhan ako ng heart to heart talk, about religion. Si Ms. Flowery. Nakilala ko siya sa Seminar sa Mabalacat. Habang breaktime doon, naka-usap ko siya ng matagal. Madami siyang naikwento. Ang pinaka tumatak sa akin ay ang concept ng relationship with God. Sabi niya: 

It is not about the religion, it is about your relationship with God.

Boys


Ang cute ng topic na ito. (Love) x (Relationships) x (Boys) Ang last encounter ko sa mga gwapong lalaki ay sa Natcon. Hahahahaha Ang daming pogi doon! I wonder why... Kasi mas madami pogi sa Natcon kumpara sa Oath taking.


Bobong tanong lang:


Bakit kami nagtutulos ng kandila tuwing araw ng mga patay?

Bakit kami pumupunta sa sementeryo?

Bakit kami kumakain ng tsitsirya at umiinom ng sofdrinks doon?

Bakit?

Dahil hindi ko masagot ang mga tanong na iyan kanina. Minabuti kong makinig sa rants ng broken hearted kong pinsan. Ang malupit doon, trese anyos pa lang siya.

Rewind time: Nalala ko noong trese anyos ako, nakakalaban ko ng chess ang crush ko. Ang problema ko noon, ay baka may hidden resenment siya sa akin dahil hindi ko siya pinagbibigyan. Oo, crush ko siya, pero pagdating sa chess.. Hindi ako magmamali ng tira para manalo siya. Tapos, iyon na 'yon. Wala ng drama.

Kumpara sa pagka-broken hearted ng pinsan ko dahil iniwan siya ng jowa niya. Ang masakit doon na-two-time siya. [***iyong tipo na "sila pa" pero si boy ay may other girl na] Brad, binabasa ko lang sa wattpad ang mga ganitong kwento dati. Sa kanila reality na. ๐Ÿ˜ฎ

Hindi ako makapaniwala na umiiyak siya dahil sa lalaki. Ako kasi ang huli kong iniyakan ay board exam. Bago ang board exam, thesis ang iniiyakan ko. Never pa akong umiyak para sa lalaki.

Love x Boys

Love x Boys


The model of reality that I adopted towards love with respect to boys: 

I have been loving two men in my twenty two years of exsistence. 

First is my father and the other is my grandfather. 

I have many boyfriends. By my definition of boy-friend. If you are a boy and you are my friend therefore you are my boyfriend. To mention a few nandyan si Jp, Jin, Gian, Dior, Jem, Quel, Micko, Dex, CJKP and so on..  But I am not in a romantic relationship with them. Sila ang closest boys back on college days.

Relationships x Boys

 Relationship x Boys


The model of reality I adopted towards relationships with respect to boys:

Boys are boys and I set a huge wall between friendship and partnership.
Gusto kong gamitin ang term na partnership.

Let me define partnership first.

Partnership: sa tuwing gagamitin ko ang salitang ito sa article na ito. Ibigsabihin nito ay ang committed loving intimate relationship between a man and a woman. Okay? Ok.

So ayun nga: Gasgas na kasi ang boyfriend/girlfriend term, jowa, bata, etc.. Kaya nag-imbento ako ng term. Hahahaha

Anyway. Balikan natin ang relationship ko with boys. Sa akin, malinaw na friendship ang intensyon ko para sa lahat. Hahaha [***kaya hindi nakakapagtaka kung bakit NBSB ako until today] Sa mga pagkakataon na may barrier breach, agad ko iyong nirerepair. Dinadagdagan ko ang resistance ng wall. Wala pa akong pinapalusot sa barrier. [***getz ba.. Or am I talking too much in riddles]

Simply say, I haven't chose to enter a partnership. Kasi ayaw ko pa. Hindi pa ako well informed. At natatakot ako.



Love x Relationship

Love x Relationship


The model of reality that I adopted towards love with respect to relationships:

Is the example set by my parents

Nangyayari ito by default in most of us. Modelo natin ang ating mga magulang. Nirerespeto ko ang mga magulang ko. Taas noo ako sa disiplina na ipinatupad nila sa amin noong bata pa kami ni ate. Nagpapasalamat ako sa aking ina at ama. But they did not set a good married life example. Maswerte ako dahil buo ang pamilya namin. Nagpapasalamat ako sapagkat magkakasama kami.

But there is a part of self that have developed a great fear with regards to love and relationships.

Kaya hindi ako makarelate sa kwento ni pinsan. My heart is too safe within the walls which is keeping it away from the perils of romantic relationship.

Ano kaya sasabihin ni lola sa akin kung sakaling nabubuhay pa siya?

Ano kaya ang advice ang ibibigay niya?

Hmmm.. I wonder.. Ito ang mga naiisip ko habang nagsisindi ako ng namamatay na kandila dahil sa sobrang lakas ng hangin. Iniisip ko kung ipagdarasal ko ba si lola at lolo. 

Kung sakali, anong sasabihin ko?

Nasaan na ba si lola at lolo?

Anong nangyayari pagnamatay ang tao?

Love,

J. G. Villanueva

The currious mind is on fire๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ

Someone please enlighten me๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™