Nakikita ko sa tinidor ang board exam journey. Specific na tinidor. Gayan dapat ang itsura. Tatlo ang pantusok for a definite reason. [***parang trident ni poseidon na drawing ng grade one version ni jess😅]
- Nawawala na ang enthusiam ko para magkwento pa tungkol sa board exam journey, simula ng magkatrabaho. Nakita ko sa gallery ang drawing na ito kaya nabuhay ulit ang passion.
Palaala:
Gusto kong linawin na kinukwento ko ang three-peat experience ko into passing the board exam dahil interesting ito para sa akin. Pero..pinagbabawal kong gayahin.
In my attempt to answer the question
"How to pass a Board Exam"
First attempt: Fail
Second attempt: Fail
Third attempt: Success
..ngunit, subalit, dapatwat
"There are no failures just feedbacks."
-Jim Kwik
Madalas kong madinig kay Mr. Kwik ang statement na iyan sa tuwing nakikinig ako sa podcast niya.
Let me rewrite.
First attempt: Feedback
I learned to be more sensitive with other people's emotion.
Second attempt: Feedback
I discoved something about self. I bounced forward.
Third attempt: Success
I found two ways which did'nt work. Luckily the third led me to the desire.
Walang isang sagot sa tanong..kung paano.. sapagkat magkakaiba ang sagot para sa lahat.
Gusto kong isipin na ang board exam ay tulad ng isang puzzle. Depende sa tao kung paano niya sasagutan. Kung ano ang alam niya at kung ano ang una niyang makikita. Makakakuha tayo ng advice mula sa mga taong nakatapos nito. Saan may dead end. Advice kung anong best path. But at the end of the day you have decide for your self on how act.
Will you stop at the deadend?
Will you restart the puzzle?
Will you find a different puzzle to solve?
I salute to the people who did try once and made it right away.
Ngayong nasisilip ko na ang mundo ng propesyunal...
Gusto kong maki-usap. Sana kilalanin at igalang natin ang kapwa. Bilang pamantayan ang kanyang buong pagkatao.
Ilang beses na akong natanong:
Anong tinapos mo?/ Anong kurso ang kinuha mo noong college?
Jess: Mechanical Engineering po
Jess: Mechanical Engineering po
Matic.. Kasunod ng tanong na ito ay:
Board passer?
Swerte ako, dahil pwede kong isagot na,
"Opo"
Kung itinanong sa akin iyon last year.. Naku sinasabi ko sa'yo. Lukot ang pride ko. Matutupi ako na parang papel na nilamukos. Kasi nagtake na ako, pero hindi ako nakapasa. Last year. Swerte pa din kasi ngayong taon ako binabato ng ganitong mga tanong.
Nasusulat ba sa diploma ang halaga ng isang tao?
Batayan ba ang isang parihabang plastic[***id] para masukat ang kakayanan?
Nalulungkot akong isipin na sinusukat ako sa ganoong pamamaraan. Inaalala ko na lang na halaga ko ay batay sa pagpapahalaga ko sa aking sarili. Self worth.
Cultural Contempt
Merong cultural contempt akong napapansin. Iyong tipo na ang parang sobrang laki ng gap sa pagitan ng mga kabataang Pilipino na kumuha ng Engineering. Sa pagitan ng mga board passer, sa hindi nagtake at sa nagtake pero hindi pinalad.
Anong meron?
Well, true. Malaking achievement ang makapasa ng board. Sa kabilang banda kung hindi tayo pinalad mapasama sa upper echelon ng rating ay nangangahulagan ito na mababawasan ang value natin bilang tao? Anak ng tinola. Syempre hindi diba!?
So, saan nagmula ang teorya na dapat makapasa muna sa board exam bago makipagsapalaran sa paghahanap buhay? Meron ba talagang ganon o naimbento ko lang a few seconds ago?
Noong third review ko may nakilala akong kapwa reviewee na retaker katulad ko. Itago natin siya sa pangalang Kuya Job. Si Kuya Job ay employed. Nagreview siya ulit for a short period of time. Sa refresher and coaching. Noong minsang naghihintay kami ng schedule sa hallway naisipan ko siyang interbyuhin.
Jess: Kuya Job, meron ka nang magandang trabaho at maganda ang sweldo. Bakit po kayo mag-take ng exam, ulit?
Madami pa kaming napagkwentuhan doon. Madami akong tinanong. Pero ang natandaan ko sa sagot niya sa tanong na iyan ay dahil sa hindi maiwasang tanong na "Board passer?". Tapos kapag sinabi niyang "Hindi". Kahit walang sabihin ang nagtanong makikita sa reaksyon ang disappointment. Hays..
Ganun ba talaga?
Let us be humans exisiting harmoniously regardless of diploma, degree or license. Please.
Oi ha, pero hindi ko sinasabi na sukuan ang board exam. Ang sa akin lang ay evaluate natin ang value system. [***hahaha anudaw!?] Nirerespeto ko ang effort at achievement ng board passers and I refuse to put them in a higher plane. Kung homo sapien ka din na katulad ko naniniwala ako na may equal potential tayong lahat for greatness. It is up to us to harness that potential.
Love,
Jess💕