Share this

To looksfam or not to looksfam

Looksfam?





Once upon a time [***August this year] , naisip kong itanong kina Sir kung paano pipiliin ang problems na solvable at memorable. [***memorable = looksfamable]

Siguro dahil sa self-esteem issues ko, kaya sa messenger ko tinanong. Connected ako via messenger sa kanila kaya, nagmessage ako. Tatlo pa lang sila na friend ko that time.

Pa-bida pa yung tanong ko. 


"Hi Sir Goodmorning po.

Need help po. May wirdong tanong lang po ako.

Napanuod ko na po ng ilang beses iyong videos about looksfam. And I salute to their effort to help. Nirerespeto ko ang method nila. Ang problema ko po ay hindi siya effective sa akin.

Isa po akong hamak na retaker. 3rd take ko na po. Last year August, ang  CNS set 5 and 6 halos lahat ang lumabas. Naiyak ako noon, kasi pagkabasa ko sa stage pressure, brayton aircraft etc... para akong pinatapon sa Mars. Alien yung concept. Tapos last February nasurvive ko na ang PIPE. Kinapos nga lang po sa preparation ng Machine Design Terms.

Teka, wala pa pala yung wirdong tanong.

Ano po exactly ang mga tanong na solvable at ano po yung memorable?

Or paano ko po i-maximize yung balance ng pagsosolve at pagsasaulo ng sagot?

Hindi po ako makabuo ng equation para iderive ang formula eh. I seriously need help.

Side note, optimist retaker po ako: help me po"

Iyan ang saktong chat na binitawan ko kina Sir. Ang dami ko sinabi na insignificant. Mabuti at hindi ako napunta sa dimensyon na kung tawagin ay seen-zoned. Kasi nakatanggap ako ng tatlong reply.

Si Sir B, Sir C, at Sir E ay nag-reply. 


"To tell you the truth, wala akong idea sa cns 5 and 6, hindi ko pa na-try i-solve 'yon. Kaya hindi kita masagot kung alin ang solvable at memorable. Iba-iba din tayo ng capability. May mga problems na para sa akin solvable pero para sa iba hindi (vice versa) so bottom line is you try to solve it first. If hindi kaya, that is the time you familiarize the answers and lastly you pray for the best. Na ang mga na-solve mo, ang lumabas. Keep up the spirit. Be positive always", reply ni Sir B.

"If ginawa mo na lahat sa item para ma-solve siya at hindi mo napalabas ang answer without looking or reffering sa actual solution saka pa lang pwede mo siyang gawing looksfam", reply ni Sir C

"Yung kayang i-solve, total may review naman kayo... i-solve. Pero iyong mahaba talaga ang solution looksfam na 'yon... total kulang din talaga sa oras", reply ni Sir E.

Nasa peak pa ang curiosity ko. Nagulat ako sa sarili ko. Noong minsang mag-dismiss ay hindi ako dumercho sa pinto para um-exit. Bumaba sa hagdan at pumunta sa kwarto  sa dorm na isang floor lang ang layo. Naghintay ako, dahil may nagtatanong pa kay Sir A. After magtanong ng isang kuya, turn ko na. Gusto ko sana umatras. Hindi ko na itatanong. Ang bobo ng tanong kaya nakakahiya. Encouragement ni Jp at Jonie ang nagpush sa akin para ituloy. [***thanks friends] Tapos face to face pa yon, at may nakakadinig din na iba pa.  Gusto ko na lang mag-evaporate. [***my vulnerability at its finest. Di kasi talaga ako nakikipag-usap, unless sobrang curious (curious x10^100)] So, tinanong ko: kung paano pipili ng i-lo-looksfam. Wala akong documentation nag eksaktong words, pero ang tema ng sagot ni Sir A ay same-same din kina Sir, B, Sir C at Sir E.

Sina Sir D at Sir F ay madalang magturo sa Room 404 sa schedule na 4 to 7 pm, kaya hindi ko sila natanong. Syempre hindi din ako pupunta sa Room 405. Baka matunaw ako doon kapag haharapin ko silang lahat para sa aking wirdong tanong. Si Sir C at Sir A ang madalas sa schedule ko. [***kung gusto mong malaman kung sino ang Sir sa kabila ng mga variable. Basahin mo ang post na Dear Sir]

My conclusion : Mayroong iba-ibang looksfam mode


Looksfam = Looks familiar. Hindi ko alam kung sino ang nag-imbento at kung kailan nauso ang salitang looksfam. 

Para sa akin, ito yong kapag may nabasa akong ilang key words sa problem... Na-ti-trigger ang mga numbers sa aking utak. 

A ships boiler...
A Pldt tower...
Ana is as old as...
A marine geared turbine...
500 knots
400 knots
Split shaft...Use air table
A room ...
An ideal refrigeration using R-12...
number of poles...
The sum of consecutive...


Triggered ka din ba? [***apir tayo kung ganon hahahaha]

Ang mga natatandaan o kusang tinandaan na mga sagot sa mga tanong. Nag-uunahan sila na parang pumipila sa dulo ng monggol para maisulat sa papel. Looksfam!

Looksfam modes:


A. Unconscious Looksfaming


  1. Looksfam by solving
Sa sobrang sipag mong masagot ng take-home problems, sa 1001 at sa FE ay maalala mo ang mga tanong na na-uulit. Alam mo na ang sagot pagkakita mo pa lang sa tanong. To the point na sawa ka na dahil ilang beses mo nang nakita at nasagutan.
  1. Looksfam by not being able to solve
Ito ang mga tanong na "boss level". Hindi mo nasagutan, o ng tropa mo at hindi ka din nagtanong sa iba pang nakaka-alam. Sa kaiisip mo kung paano palalabasin iyong sagot na 'yon. Natandaan mo na siyang kusa.

B. Conscious Looksfaming


  1. Looksfam (Solved)
Isa kang wizard. Nasolve mo ang converging-diverging nozzle. Pagkatapos nito, tiningnan mo ang orasan. Malaking oras ang ginugol mo kaya pinili mong tandaan ang sagot.

  1. Looksfam (Math Error)
May mga tanong na magical ang solution. Iyong tipong simple. Alam mong sinunod mo ang lahat ng basic principles at kahit anong baliktad pa sa solusyon ay hindi mo makita sa choices ang sagot na lumalabas sa calculator. May ilang nakakainis na dahilan ang ganitong senario. (a) Maaring mali ang given. (b) Mali ang choices. (c) May mahiwagang empirical formula. (d) May magical constant na hindi binigay. Pipiliin mong tandaan ang sagot at problem dahil masakit sa ulo ang ganitong sitwasyon. Mabaliw-baliw ka sa kaiisip. Mapapatanong ka ng "saan ako nagkamali?". 

"It's not you, its me!", sabi ng problem.

  1. Looksfam ( Can't solve)
Ito ang tipo ng problem na sinolve ni Sir sa lecture. Ok yung process, naiintidhan mo. Napapatango ka pa.. tapos sa isip-isip mo, "ah, ganon pala 'yon, ang husay naman." Pagdating sa bahay, habang sinisipag ka pang mag-resolve ay biglang nag-evaporate lahat ng naintindihan mo. Paghawak mo sa lapis at pagharap mo sa papel bigla silang nag-poof. [***anak ng palaka, anyare???] Iyong pagkakataon na ayaw makisama ng genius version mo. Dahil magbabasa ka pa ng terms, magsasa-ulo ng formula, constant at diagram. Sasauluhin mo na din ang sagot ng bwisit na problem dahil time is precious.

Halimbawa, nabiyayaan ka ng pambihirang talento na magsaulo ng numbers at may utak ka na nakaka-absorb ng kahit ano.

Anong aaralin mo?

"Trade your cleverness for bewilderment"

Napanuod ko ang video ng Mind Valley with Jim Kwik as the speaker. Nabanggit niya ang quote na iyan. Baka makita mo na interesting, watch the video. Approximately around the 36th minute ng video na ito ay ang demonstration ng isang ultimate looksfamer. Mas okay panuodin ng buo, sulit ang oras dahil sa mga wisdom bombs na iniwan ng speaker.



Love,
J. G. Villanueva💕

P. S.
May natutunan akong bago! Pwede din pala mamalimos sa blog. [***yeah! May donate button na akooo]

"Donate" cute term kapalit ng "kyah, kyah, pembarya"

[***hahahahaha😂]



Para maging updated sa iba pang mga sulat at kung ano-ano pa na katulad nito: sali na sa Blog ni Jess email list.

Bilang suporta, mangyari po lamang na bisitahin natin ang facebook page at kapag nandun ka na, paki like po, para masaya. 😊

Tapos, idamay na din natin iyong survey. Limang tanong na magsisilibing feedback mechanism para mapaganda ang content.

Ang iyong suporta ay taos puso kong pinasasalamatan!

Maraming Salamat po!!!

No comments:

Post a Comment