Share this

Why choose Mechanical Engineering?



Bakit nga ba?


Engr. from Jessica Villanueva on Vimeo.


Minsan tinangka kong gumawa ng board exam testimony, video pa nga. Sinend ko kay Pastor Pio kasi sobrang thankful ako sa kanya. Noong review days, every Thursday nagpupunta  siya sa room  404. Madalas nauulit yung mga kinukwento. Minsan gusto ko itanong kay Pastor kung meron siyang baon na bagong kwento kasi medyo kabisado ko na ‘yung mga sinasabi niya. Una, iyong accountancy na cumlaude, pero hindi nakapasa ng first take, ng second take ay nasama pa din sa top ten. Si David and Goliath pati iyong foot prints in the sand na kwento. Pinaka tumatak sa akin iyong statement na “Ang board exam daw ay battle ng Lord”. Kinukwestyon ko ang statement na ‘yan. Hindi ko maimagine kung paano naging battle ni Lord ang board exam. Kako magkakatawang tao ba si Lord at siya ang mag-eexam? Meron bang divine magic na sasapi sa amin sa board exam at siya na ang bahala sa lahat? Kung ganoon, bakit may mga bumabagsak? [***teka ang dami ko nanamang tanong dito. Preno muna, baka hindi masagot lahat. Hindi ko pa talaga na-iintindihan si God in a deeper way.]

Balikan natin ang testimony


Sabi ni Pastor sa facebook, two minutes lang daw. Ayun compressed ang pagkakagawa sa video kaya nung pinanuod ko sobrang kulang. Sa katunayan almost five minutes na ang video na iyon pero kulang pa din sa thoughts. Bitin na bitin. To  make-up for that, ikukwento na lang natin dito.

Simula


Sinimulan ko sa simula. [***syempre] Ang rason kung bakit ko napili ang Mechanical Engineering. Kung babalikan ang post na overview, hindi mo mababasa doon kung anong dahilan. [***hahahaha gusto ko lang balikan mo, related naman ito ng slight] Tyaka nabangit ko din sa post na lugar iyong mga bahay na napuntahan ko. Minsan gusto kong ikumpara ang sarili ko kay Rapunzel ng Tangled.

  


Hindi dahil sa may mahaba akong buhok na umiilaw kapag kumanta ako at nakakagaling ng anumang karamdaman. Pareho kami sa sitwasyon. Minsan nakatira din siya sa gitna ng kawalan. [***may gitna ba ang kawalan?] Iyong isolated place. Magsasaka ang mga magulang ko. Nasa gitna ng bukid ang bahay namin. Kaya chess ang laro ko at hindi ako interesado sa ibang mga tao. Classic ang set-up doon. Sasabayan mo ang araw. Kapag lubog na ang araw, tulog ka na din. Sa pagbukang liwayway babangon na agad.

Lampara days



Na-experience ko ang lampara days. Nakita ko ‘yong kwento ni Dr. Rizal tungkol sa lampara at gamu-gamo. [***hindi sila natututo dahil nakikipaglaro pa din sila sa apoy at nasusunog] Natapos ang lampara days noong swertehin kami na mabigyan ng solar panel and battery set-up. Bilang bata, amazed na amazed ako noon. Sabi ko, gusto ko din maging Engineer. Napakahusay, akalain mo nga naman. Nasa gitna ng bukid ang bahay namin. Hindi pa naabot ng mga linya ng kuryente pero dahil sa naka-imbento ng solar technology at sa nagkabit nito, naka-roon kami ng ilaw. Engineer ang gumawa nito.

Engineer


Highschool pa lang ako, decided na ako na gusto kong maging Engineer. Kaya ginagalingan ko noon. Bida-bida ako sa school, love na love ko ang math kahit hindi niya ko love. Dapat daw kasi magaling sa math kaya pinagsikapan ko ‘yon. Ang problema hindi nagtagal ang set-up. Nasira siya at bumalik kami sa lampara era. Mahirap mag-aral sa ganoong sitwaston. Dahil doon, nag-evacuate ako sa bahay ni lola. Nasa baryo kasi sila. Doon may kuryente. Kung saan pwede akong makapag-aral sa gabi. [*** kasi diba kapag highschool madami ng assignment] Lalong naging solid ang ambisyon ko na maging Engineer. Minsan kong sinubukang basahin ang manual ng solar set up noong highschool ako. English iyon, nakakaunawa na ako ng English pero dahil technical terms iyon, wala akong napala. Kako kapag Engineer na ako, iyon ang una kong project. 
“Oplan gawin ang Solar set-up.” 
Nice! may crystal clear na dahilan ako kung bakit ko gustong maging Engineer. Kumbaga driven ako noon, meron akong gustong puntahan. Nag-college ako,
“Goal: Be an Engineer”
Ang perception ko sa Engineer ay gumagawa ng solusyon sa mga puzzles ng mundo. Katulad nang lampara era namin noon na pamsamantalang nabago ng solar set-up.

Inuna kasi ng mga magulang namin na mapag-aral kami ni Ate. Saka na lang ipagawa ang solar set-up. Si Ama at Ina ay kontento sa classic bukid set. Dahil din sa decline ng agriculture, mahirap para sa mga magsasaka ang mag-generate ng pera. Sinabi ko din sa kanila na ako na ang bahalang gumawa nito. Mag-aaral akong mabuti para ma-intindihan ko ang manual ng set-up.

Mechanical Engineer


Electrical Engineer ang nagkabit ng solar set-up na iyon sa bahay namin. Bakit Mechanical Engineering ang pinili ko? Dahil graduate din ng Mechanical Engineering si Ama, ginaya ko siya. Nga lang hindi siya nag-board exam. Pinili niyang magtrabaho bilang magsasaka. Tatay ko ang pinaka-matalinong magsasaka sa amin. [***puzzling thought para sa akin kung bakit hindi nag board exam ang tatay ko, hindi niya kasi maipaliwanag ng mabuti sa akin ang dahilan. Something about the system na hindi niya nagustuhan noon. ]
Na-isurvive ko ang first year, second year at third year bilang varsity student. Tapos sinilang ang dilemma. Motivated pa din ako kahit ganoon. Fifth year ako nung na-alala kong balikan ang solar set-up manual. Sa tulong ni google at ni Ama. [***sa katunayan, assistant lang ako. Si Ama  talaga ang gumawa.] Naayos namin ang solar set up. Mahusay!

Akala ko hindi kailangan


Hindi ko pala kailangan maging Engineer para gawin yon. Tapos nasira din ang makina ng water pump namin sa bukid. Si Ama at ako, bilang assistant niya ang nag-ayos. Fifth year ako niyan. Naka-develop din ako ng kaunting obsession sa project study namin tungkol sa monggo.[***katulad ng obsession ko ngayon sa mga inquiries about board exam] Take note: Hindi pa ako graduate niya ah.  Ang husay ng research methodology. Kung paano makukuha ang solusyon sa ano mang challenge. Nabuo ang perception ko na hindi kailangan ng board exam para maging engineer. Kailangan natin gumawa at mag-contribute.

So ano pala ang depinisyon ng Engineer?


Sabi sa Wikipedia, Engineer is from the latin words “ingeniare” meaning to create and “ingenium” meaning cleverness. Gusto ko i-define ang Engineer bilang “clever inventor”. Ganon pala ‘yon. Si Tesla, nag-board exam ba siya? Makisig 'yon madami siyang naimbento. That is one of the definitions of an Engineer, but that is the tip of the iceberg. Kasi iba na ngayon, may commercial space ship na papunta sa Mars. Iba na din ang level ng development pagdating sa Artificial Intelligence, Augmented Reality, flow hacks at pati mga brain hacks meron na din. Meta learning, andradogy etc... Iba na ang panahon kaya kailangan ng regulation with regards to professionals.

Mali ako 


Akala ko noong fifth year ako, mahusay na ako dahil may nagawa na akong maliliit na bagay. Fired up ako bilang estudyante noong meron akong vision. “Oplan gawin ang Solar set-up” Nag-drop ang level ng optimism ko after ma-acomplish iyon. Nawalan ako ng drive. Sobrang simple kasi ng pangarap ko noon. Nakalimutan ko kung bakit ko ginustong maging Engineer. Sa unang evaluation mula sa past, akala ko iyon na. Pinili kong mag-aral ng engineering dahil gusto kong gawin ang solar set-up. Sa sumunod na evaluation ng facts at emotions, nakita ko ang highschool version ni Jess. Namamangha siya sa possibilities na kayang gawin ng engineer. Mas gusto kong maniwala na "engineers are creators". 

“To create solutions to the puzzles of the world” 
I lost sight of that before graduation. Mabuti na lang natagpuan ko ulit ang dahilan kung bakit. I took two hard hits to realize my mistake. I thank God for that and everything.

Ikaw, kung isa ka nang Engineer o kung nasa path ka patungo rito, Ano ang dahilan mo?

Let me know. I’d love to hear from you.


Mediocre ang naging latest review routine ko. Hindi ko pa maipaliwanag kung paano talaga nangyari. Grace ni God 'yon kaya naipasa ko ang board exam. Kaunti lang alam ko tungkol kay God. Madalas akong maligaw sa confusion strip about faith/belief/religion. Nagpapasalamat ako para sa natatanggap kong mga blessings sa kabila ng kaguluhan sa utak ko tungkol sa maraming bagay at kung ano-ano pa.

Love,

J. G. Villanueva

 P. S.

Humahanga ako sa mga salita. Kung paano na ang ilang phrase na paulit-ulit kong nadinig sa isang tao ay nakaka-apekto sa akin ng malaki. Kung paanong ang isang simpleng equation ay tumatak sa akin ng sobra.  Kung paanong napa-isip ako ng mainam dahil sa isang anonymous comment. [***kung paano sumulat ng cv, hahaha]

We can make an impact to someone through our words and it can create ripples in their life. So let us create a positive impact.









2 comments:

  1. Generic interview question kasi eh no? Tinanong ka din ba Jess sa mga interview mo nito?

    To be honest, mas may vision ka pa sa akin na maging engineer - dahil ako magaling lang sa math kaya naisipan mag engineering. Sabi ko sa aking sarili, gusto kong magamit ang aking "gift" sa constructive na paraan. Yung bang magpinatutunguhan na tangible ang aking talento, hindi lamang naisusulat sa libro at nailalagay sa kwaderno. Noong nasa highschool ako magaling din ako sa chemistry at physics [wag nyo na itanong ang mga nakukuha ko sa Araling Panlipunan, MAPEH, English etc. ...nakakashock as in...] kaya naisipan ko na mag Mechanical/Chemical Engineer - parang descendant mismo nung mga subject na iyon.

    Hindi pa nga Mechanical Engineering amg first choice ko! Chemical Engineering ang first choice ko. So ang sagot sa tanong na "Why choose Mechanical Engineering?" ay simple lang. Para sa akin noon, sasabihin kong chance lang. Pero looking back, sa tingin ko ay si Lord ang pumili nito para sa akin

    Kung napakagaling ko noong nag-entrance exam malamang napunta ako sa Chemical Engineering. Pero somehow, sa Mechanical Engineering ako napunta. At nagkataong minahal ko siya agad agad nung una kong nakita kung paano gumagana ang windshield wiper ng mga sasakyan. Nagspark! Parang bata na binigyan mo ng isang laruan. At kada may bago akong natututunan ay lalo pa akong nahuhulog para dito.

    Mapalad ako; mapalad tayo na nahanap agad ang kurso na para sa atin.

    P.S.

    Proud ako sa iyo Jess, dahil hindi ka sumuko. Proud ako dahil mahirap ang iyong pinanggalingan pero kinaya mo yon. Proud ako sayo kasi baka hindi ko kinaya ang mga pinagdaanan mo.

    [Dami ko nang natututunan sa backstory mo hahahaha]

    Lots of Love <3 <3 <3

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo, hahaha tinanong ako niyan sa interview pero hindi ko nasagot ng ayos. Kung ano-ano lang nasabi ko sa actual interview. Napag-isipan ko lang 'to nung tapos na

      Sana all magaling sa math katulad mo.
      Thanks you!!!

      Delete