Hmmmm.
Hindi pa ako nagtext sa mga magulang, kapatid at iba kong kamag-anak. Nandoon na ako sa point na malapit ko nang i-entertain ang idea ng pagtatampo. Pero noong binisita ko ang cellphone ko, wala siyang signal. No wonder wala akong balita sa aking pamilya.
And yet here I am, typing a blog entry. Natatakot kasi ako na lumipad sa kalawakan lahat ng naiisip ko ngayon. Ang emosyon. Ang excitement. Etc...
Una sa lahat. Hayaan nyo po akong magpasalamat
- Salamat to myself, for showing up.
- Salamat sa kakaibang experience.
- Salamat sa pamilya na sumusuporta at nagmamahal sa akin
- Salamat sa mga kaibigan na nagtitiwala sa kakayanan ko
- Salamat sa mga bagong kaibigan
- Salamat sa MMG dorm
- Salamat sa Prime Review Centre
- Salamat kina Sir Enganyo, Sir Tiangco, Sir Damirez, Sir Caraig, Sir Mendoza, Sir Dionisio at Sir Capote
- Salamat kay Mam Che at sa lahat ng staff ng Prime
- Salamat sa Manila Grand Opera Hotel
- Salamat kay Janella, Christal at Valerie
- Salamat kay Jai, Judel at Carmela
- Salamat kina Pastor Pio para sa encouragement
- Salamat sa masarap na luto ni Nanay Rosing
- Salamat sa looksfam methodology (nag-iba ang tingin ko sa numbers)
- Salamat sa sobrang daming bagong natutunan ko sa loob ng apat na buwan kong stay sa Manila
- Salamat sa memories
- Salamat sa learnings
(***sobs naiiyak akooo)
August last year:
After ng exam sa pipe humahagulgol na ako. Lumabas ang Brayton Aircraft turbine, Steam Nozzle, Turbo Jet, Split shaft at kung ano-ano pang special topics keme. Umiiyak ako noon. Tulo ang luha at sipon ko. Kasi hindi naman namin inaral yon. Para akong nag-apply ng English exam pero Spanish ang ibinigay.
Last February:
Hindi ako umiyak. Ramdam ko lang na tagilid. Aminado ako, I disregaded terms. As in, hindi ako nagbasa ng terms sa Machine Design. Para akong archer na sharp shooter, nga walang proper aim. Naniniwala ako na posible ang kahit ano basta gugustuhin ko. Iyon ang stage ng life ko kung saan sinusubukan kong i-define kung sino ba si Jessica G. Villanueva? Nagbabato lang ako ng energy out of the void. Kahit saan lang makarating. Kumbaga isa akong scalar, lately ko lang naturuan ang sarili ko kung paano ba maging vector.
It is absurd but also true
I am glad I did not the pass the Board exam on my First and Second attempt. Because today is perfect. Totoo mahirap ang exam, super, but I am choosing to hope for the best. The past is no longer a bitter memory, rather it is a beautiful remembrance. Naalala ko na kapag ang daan na tinatahak ko lumisya sa dapat patunguhan. May Lumikha na maglalagay sa akin sa tamang daan.
This time the heavenly father knows my heart's desire
If he grants it, then all the glory and praise is for HIM. If he gives me something else I know it is always better than what I can imagine and will continue to glorify and praise.
Today:
At this moment I am crying. Hindi pa ako tapos magpasalamat. Hindi pa ako tapos maglista ng mga mabubuting pangyayari. Pero umiiyak ako ngayon kasi napagtanto ko kung gaano ako ka-swerte. Kung gaano kabuti si Lord, kung paano ko nakikita iyong kabutihan NIYA in my life.
Wala pang result. I should sleep. I must sleep. Pero gusto ko munang magpasalamat. My universe is experiencing an expansion. If I look back at Jess exactly one year ago. Sobrang nahihiya na yung past na ako sa growth na nangyari in a span of a year. Feeling ko isa akong pokemon na nag-evolve.
(***wait, wait, wait, Am I preaching now?)
Ang lakas naman ng impluwensya ng latest favorite equation ko:
"God + Nothing = Everything"
Source: Eng. M. A. Dionisio
(***thanks po sir!)
There is something else
Nagpapicture ako kay Sir Mark. Kahit hindi pa nagsusuklay or nag-apply ng tint sa labi, go nag papicture ako.
Pasado aladose na. Nakasuot ako ng violet na medyas. Nakapajama at nagbabalot-balot sa kumot nang matanaw ko si Jai na naka-upo sa kama. May luha na dumadaloy sa kanyang mga mata.
Pasado aladose na. Nakasuot ako ng violet na medyas. Nakapajama at nagbabalot-balot sa kumot nang matanaw ko si Jai na naka-upo sa kama. May luha na dumadaloy sa kanyang mga mata.
Jess 1.0 : Hala, umiiyak ang aking room mate
Jess 1.1: O, anong gagawin natin ngayon?
Jess 1.0: Patahanin? Don't tell me matutulog ka na lang. Kunyari di mo nakita?
Jess 1.1: Bakit ko papatahanin? Paano kung matagal tumahan iyan. Alas dose na oh, babangon ka pa ng alas tres medya kasi magrerecall ka ng formula sa umaga.
Jess 1.0: Palagay mo, makakatulog ka ng alam mo na may umiiyak sa loob ng kwarto?
Jess 1.1: Okay I surrender. Bibilisan lang natin. Kailangan mapatahan siya ng mabilis. At makatulog na, mag-eexam pa bukas.
(***may saltik lang, ganyan ang convo ko with self)
So ayun na nga. Syempre kung bakit umiiyak si Jai ay pribadong kwento niya na iyon. Sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko para mapagaan ang loob niya. Hanggang sa nabanggit niya na gusto niya sana magpatasa ng lapis kay Sir Mark. Kayalang maga ang mata niya sa kakaiyak. Huwag na lang daw. 'clink' (***may umilaw na bumbilya sa sentido ko)
Jess 1.0 : Ang absolute way para mapasaya si Jai ay ang magpatasa ng lapis kay Sir Mark. So nag-insist ako. I know she will try her best self kung pupunta kami kay Sir. Kasama din namin ang isa pang magandang Ate Gurl. Si Sharina. Nagpunta kami sa lobby.
After namin magpatasa ng lapis. Nag request si Jai, if pwede mag selfie kasama si Sir. And that is that. Sad kasi umiiyak si Jai sa simula ng kwento na ito but at the end of the day. Swerte pa din. Actually not the end. That was the begining of my Board Exam day 01.
From Right: Jai; Sir Mark; Sharina; Me |
Thank you po! |
Ayan lang po muna.
Hibernate mode activate.
Love,
J. G. Villanuevađź’•
[kung napatawa, nainis, nakarelate o kung ano pa man ang epekto sa iyo ng mga sinasabi ko, mangyari lamang na i-share, i-like o magcomment ka, dahil surevolpre, ako ay mapapasaya mo, maraming salamat!]
para sa update ng mga susunod na kwento: Subscribe na!