Blog entry before my third attempt to pass the board exam.
I am a spiritual being. It is a fact I am sure of, but religious? I think not.
I recognize that there is a higher being more than anyone. I believe there is a power that governs all being. I honor the beautiful creation HE did. Some calls to GOD, LORD, YAWEH, ALAH, NATURE, or UNIVERSE... etc. Muntik na nanaman akong mapunta sa confusion strip ng kung ano ba talaga ang dapat paniwalaan. Pero bago ang lahat, parang bet kong i-adopt ang God with many faces ni Arya sa Game of Thrones.
Nagsimba kasi ako sa UST ngayon. Two hours ago lang. Mamaya sa Sampaloc may worship service pa din akong pupuntahan. Nag-aalala ako kanina. Kako, kung nagpunta na ako sa Catholic church why bother to go another one? Hmmmm. Kaya naggagawa ako ngayon ng kwento para makumbinsi ang sarili ko na ok lang yon. Para maiwasan ko ang pagkalito kailangan kong ipaliwanag sa sarili ko kung bakit dapat pumunta ako mamaya.
- Sabi sa birth certificate ko, isa daw akong Jehova's Witness
- Pero sa pagkakatanda ko, elementary pa ako noong huling beses akong nakapasok sa Kingdom Hall.
[***teka wag na mag-number, hahaha pang gulo lang yata, bullet na lang 😂]
- Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyari. Pero noong bata pa ako tuwing Sabado nagbabasa kami ng bible sa bahay. Ako, si Ate, si Ina at si Ama. Medyo may pagka sabadista pala kami, kaso kaming apat lang.
- Tapos hanggang sa naaya na ako ng ibang mga kamag-anak na pumasok sa Catholic church. Lalo, tuwing may binyag, kasal o misa para sa yumao. Ganon lang tapos direcho sa reception 'yon. Buong kakapalan ng mukha ko sa'yong aaminin na pagkain ang ipinupunta ko sa mga handaan. Hindi ako maaasahan sa pakikipag-ututang dila. Mas trip ko magsulat. Kung sasabihin ko sa'yo na love kita. Asahan mo 'yon thru a love letter. [***iyon ay kung mahal kita hahaha]
- Noong unang review ko, umaatend ako sa Victory doon sa St. Thomas Square. Proud ako, kasi its on my initiative. Minasan solo ako, minsan kasama ko si Andeng. Kaya lang noon, hindi ko pinagpray na makapasa ako sa board exam. Sabi ko sa prayer ko last year. "Lord, ibigay mo po sa akin kung ano ang best para sa akin."
- Hindi ako naka-pasa. Iyon ang best para sa akin. Ilang buwan ko ding hinanap sa pages ng diary ko ang dahilan kung bakit. Sa mga events noong review. Sa mga thoughts ko noon. May nabuo din naman akong rason. Nakumbinsi ko ang sarili ko sa inimbento kong dahilan. Ano yung dahilan? Subscribe to learn more.
- Second take: sa ibang araw ko na lang ikukwento. Tyaka pabitin talaga ang peg dito para next time babalik ka pa sa blog ko. Hahahaha
Bakit nga dalawang beses akong magsisimba ngayong araw?
- Teka... Mahirap yata pangatwiranan.
- Kasi ok lang naman daw umaattend both.
- You pray to the one you believe, just on a different place. With a very similar crowd.
- At iba din ang group ecstasis. Masarap sa feeling. Iyong flow ng thoughts when having a common aim.
Kanina nga pala, noong nakaluhod ako sa simbahan. Una sabi ko, "G, sana po makapasa kaming lahat na nandito sa simbahan sa UST". (Tapos napaisip ako. Possible ba yon? Ok ba yon? Tama ba yung dasal ko? Para saan pa yung exam kung papasa pala lahat?) Take two: "G sana makapasa ako sa board exam. (Ang selfish naman. Hindi, mali pa din.)
Take three: G, sana po makapasa Ako, si Jp at si Alpha. (Parang selfish pa din.) Pero may pahabol ako. Pinagdasal ko ang best para sa bawat isa.
Dahil sa bawat segundo, may alam ako na sigurado. Nagbabago tayo. At ang mga pagbabago na iyon dapat ma-anticipate natin. Para hindi ma-caught off guard. Maiisip mo ba yon?! Dapat!
Ang buhay ay series of differentials.
P. S.
Meron akong isang baliw na idea
Look around. Hanap ka ng bumbilya. Iyong nakabukas para may ilaw. Alam mo ba!? May liwang ka diyan ngayon ng dahil sa tubig. Iyong tubig na dumaan sa phase change from saturated water to superheated vapor. Kasi sabi sa power plant engineering. Steam ang nagpapaikot sa shaft ng turbina. Tapos may generator kaya may kuryente. Pero nag-stop over saglit sa power grid ang mga kuryente para sa regulation purposes. Then, dindala sa mga linya ng kuryente sa bahay natin. Take note: dahil sa pinakuluang tubig yan.
Wait, may pangalawa pala
Pangalawa: Isda din tayo. Dahil ang hangin ay may tubig din. Di nga lang visible. Kasi in vapor form. Pero tubig pa din iyon. Kaya parang isda din tayo dahil nakatira sa tubig. Hahaha [***nadinig ko yan kay Sir Mendoza.]
Hahahahaha
Ayan na lang muna. Fly away na muna ako. Pagbalik ko, makakakuha na ako ng lisensya bilang Engineer dito sa Pilipinas.
Love,
J. G. Villanueva
After exam na ulit ako magpopost.
Auguat 25 and 26 💕