Share this

Friday, August 9, 2019

Sabi ko di muna ako mag-post this month, pero di ko pala kaya...








Balak ko na i-concentrate lahat ng enerhiya ko sa pagrereview para sa buwan na ito. Pero natutunan ko na mahirap pala. [***Somehow, I breathe to tell stories]


From Bataan with love


Lalo na kung kagagaling ko nitong weekend sa Bataan, mahirap para sa akin ang hindi magsulat. Nakita ko ang friends at family ko. Wheee! I'm so happy. Nag-celebrate kami ng Birthday ni Gian. Happy birthday friend!! Super belated. Hahaha. Konting inom, konting kain, madaming kwento at madaming tawa. Si Ako, Deng, Alpha, Gian, Jin, JP at Dior. [***Hi friends. Thank you!! 😚] 

Balik review


Tapos nagsimula na ang Coaching sa RC. Araw-araw may mala blockbuster na pila ng reviewies sa harap ng pinto ng mga lecture room. Nakasama ko sa pila ang mga Schoolmates ko. [***Shout out kay Mharlene, sabi niya kasi palagi siyang nagbabasa ng post ko. Salamat sa iyo 🎢🎢🎢]

Dorm-mates and friends


Meron din akong new circle of friends na nakilala ko dito sa dorm. [***Hi po sa aking mga review-mates.] Sobrang dami kong natututunan sa kanila. Lumilipad ang oras ng mabilis kapag na-enjoy namin ang brainstorming. Sa katunayan hindi ko ugali ang sumama sa mga grupo-grupo. Ok lang ako ng solo. Or sa maliit na circle of friends. Sinubukan ko ngayon. At nalaman ko na masaya din naman pala talaga na makihalubilo sa madami.

Simula ng magsulat ako ng blog. Nagkaroon ako ng encouragement na subukan ang ibang bagay. Iyong mga hindi ko ginagawa dati ay sinusubukan ko. Potential na blog entry din kasi. Na-push ako na palawakin ang aking karanasan. Kasi wala akong ikukwento sa'yo kung magmumukmok lang ako sa kwarto. 

First time kong kumain ng balot


Nilibre kami ni Kuya Sunny, isa siya sa mga staff ng Prime. Lumabas ako para kumain ng hapunan. Pagdaan ko sa gate, nakapwesto si Manong na nagtitinda ng balot at namimili si Kuya Sunny. Sweldo yata nila ng araw na yon kaya galante siya. Napadaan din si Ruyet kaya nadamay siya sa libre. Kasama din namin si Kuya Noel staff din siya sa prime. So ayun po ano. Kumain nga ako ng balot. First time ko yon! Masarap pala. At may korning dahilan kung bakit hindi ako kumakain ng balot. Kung nakita mo na ako, may chance na isa ka sa nagtanong kung pinaglihi ako sa balot. Common na tanong yata iyon sa mga balbon. Hindi ako sigurado. Hayaan mo at pag may time ako ay makapag-survey. Anyway, tinanong ko ang Nanay ko kung ipinaglihi ako sa balot. Na-shock ako ng malaman kong hindi siya kumakain ng balot. Nakapag generate ang utak ko ng cute na reasoning para iwasan ang pagkain ng balot. 

Baka kako, kapag kumain ako ng balot ay lalong dumami ang mga balahibo ko sa braso at binti. Kasi diba mabalahibo din yung sisiw sa balot. [***hahaha]

Ang korni diba!? Nakakainis.

Btw. Walang pasok today. Sobrang lakas ng ulan. Todo review ang mga dorm-mates and friends ko doon sa labas. I salute to them. Ako, heto pasulat-sulat lang ng blog. Nagpapasalamat ako ng bongga sa kanila. Para sa pagtanggap sa akin. Para sa pagsali sa akin, sa kanilang amazing na grupo. Panalo iyong group study. Binibigyan nila ako ng inspirasyon. πŸ’•

Mula sa inspirasyong nahugot ko sa kanila. Nagsulat ako sa cartolina ng mga kulu-kulubot na linya ng kung ano-anong mga keme bilang recall ng mga pinag-aralan ko nitong dalawang buwan na nakalipas.

Ganito ang pagkakadikit ng mga cartolina sa pader, at may cute na whiteboard doon sa 2nd quadrant


Power and Industrial Plant Engineering


Math


Machine Design



Love,

J. G. Villanueva

[***P. S: Feeling ko segment to sa FM radio, sa part kung saan nagbabasa ng text greeting ang DJ, noong hindi pa uso ang spotify. Hahahaha]