My good vives list while waiting for the result
- Thank you sa iyo: kasi binabasa mo ito ngayon, kung sino ka man, I love you! (***sobrang saya ko kasi tuwing may nagababasa ng mga sinusulat ko)
- Thank you sa Rm. 301 ng Old Alfredo Building ng Perpetual Help Manila: kahit nangangatog ako doon kahapon. Hindi ako sigurado kung dahil ba sa kaba o dahil sa nakatapat ako sa aircon. Mas gusto kong isipin na ngangatog ako dahil malamig.
- Thank you sa Room Watchers: Matiyaga silang nagbantay at gumabay sa amin. The stupid part of me made a mistake in shading my surname. Mabuti na lamang at napansin ni Madam. Naitama ko naman ang aking pagkakamali.
- Thank you sa PRC: para sa exam na hanggang ngayon ay isang pamisteryosong konsepto pa din sa akin.
- Thank you sa pabaon ng Manila Grand: takot akong magutom. Maraming salamat po sa masarap na foods.
- Thank you sa Manila Grand Staffs: sobrang polite nila at ang daming pogi doon. (***hahaha)
- Thank you sa Prime Staffs: saludo po ako sa sakripisyo ninyo para sa amin. You all made a great contribution in this journey of mine.
- Thank you po kay Sir Capote: sobrang na amaze ako sa dedication ninyo na matulungan kami. Sabi ni tropa sa City State lagi daw po kayo nandoon. Pero lagi din kayo nasa Manila Grand. (***malapit na akong maniwala na marunong kayong gumawa ng bunshin parang si Naruto)
- Thank you po sa mga Instructors: Maraming salamat po sa pagsagot sa mga tanong ko na feeling ko ay walang kwenta. Salamat po sa pag-share ng mga kaalaman. Salamat po sa pagiging inspirasyon. Salamat po sa pagpapatawa sa amin. Salamat po sa encouragement
- Thank you po sa Team MMG: I love you guys. Sobrang mamimiss ko kayo. I'm hoping for the best result for all of us.
- Thank you kay Jonie at Jp: Sila ang constant seatmates ko sa Rm. 404 noong regular review schedule kapag 4 to 7 pm.
- Thank you kay Janella: ang room mate ko na sobrang sipag. Salamat sa pagsagot sa mga makukulit kong tanong. Salamat sa pagpapahiram ng notes. Salamat sa masayang kwentuhan every dinner. Salamat sa pagshare ng iyong blessings sa akin.
- Thank you kay Mam Che: Maraming salamat po sa pag-introduce mo sa akin sa aking favorite coffee cereal.
- Thank you sa aking pamilya: you did not give up on me when i failed last time.
- Thank you kay LORD: for giving me chances and for all of the blessings. Kina Pastor Pio, maraming salamat po!
Sorry:
- Sorry po, sa mga ka-sched ko sa 404. Everytime na nagbibigay ako ng maling sagot kina Sir habang nagsusulat kayo. Nakapag-iwan ako ng mangilan-ngilang erasures sa notebook ninyo.
- Sorry po, dahil snob ako by nature. Marami pa akong dapat matutunan about ethics and human nature.
- Sorry po, sa mga take home na nanatiling take home dahil hindi ko nasagutan
- Sorry po, sa kung ano pa mang dahilan na maiisip mo. Na kung sa opiniyon ay may nagawa akong di kaaya-aya. Sana ay mapatawad mo ako.
Naghihintay ako na katulad mo.
Ngayon kukwentuhan na lang muna kita ng kahit ano na maisip ko.
Sa SBCC, last August 20. Exactly 2pm kami dumating. Madami ng tao. Puno ang mga upuan sa loob ng hall. Napwesto kami sa gitna kung saan may mga upuan, electricfan at speaker. Walang projector. Kaya nagtititigan kami doon habang nakikinig. Dumating kami sa "Ice breaker part". Kumuha daw ng barya sa wallet at hanapin ang date na nakasulat dito. Pagkakita sa date isipin daw kung anong meron sa taon na iyon. Paano kumilos si God sa buhay mo ng taon na iyon. Then i-share mo iyon sa katabi mo. Si Andryx ang nagshare sa akin. Nalimutan ko kung ano na nga ang year ng barya na nakuha niya sa wallet. Basta noong year daw na iyon, nadumog siya. Tumilapon siya ng malayo. But oddly enough walang masamang nangyari sa kanya. Ni isang galos ay wala. Love talaga ni Lord si Andryx. Turn ko na para mag share. Kumuha ako ng barya sa wallet. Nakabunot ako ng silver na makintab na barya. Struggle pa nung una para ma-identify kung piso, lima o sampu ba iyon. Kasi ito ay bagong barya. Struggle din na hanapin kung saang parte ng barya ba nakasulat ang date. Nakita ko naman. Hindi ko na nga dapat hinanap. Bago nga pala ang barya na iyon therefore 2019. Napaisip ako. Paano na ba kumilos ng bongga si Lord sa buhay ko? Gusto ko iyong bongga para matapatan ko yung kwento ni Andryx. Kaso wala. Kaya bumunot ako ulit ng isa pang barya. Pagkabunot ko, bagong ten pesos nanaman. Aigooo. Isa pa... Pagbunot ko, bagong barya pa din. 2019 pa din. Sabi ko kay Andryx since hindi pa naman tapos ang 2019, maybe God's greatest blessing for this year is yet to come.
Nahirapan ako ng bongga sa exam. Nawindang ako sa mga kakaibang terminology at unit sa pipe. Napadrawing ako ng malupit sa geometry, kaso nung may sagot na ako wala sa choices. At muntik na akong maiyak nung nabuklat ko ang questionaire sa design. But still I'll hold on to the belief that the Lord will bless me this year. May baon naman akong isang powerful na equation kahapon. I choose to trust and hope for the best.
๐๐๐
Love,
J. G. Villanueva๐