Share this

Thursday, August 29, 2019

Looking at ME Board Exam through the lense of Jess






Basic Requirements:


  1. Graduate ng BSME
  2. No criminal record
  3. NOA (Notice of admission)
  4. Faith and Vision

Scope:

  • Industrial and Power Plant Engineering
  • Math
  • Machine Design
Dahil sinusubukan kong aliwin ang sarili ko habang naghihintay ng result. Nagdrawing ako ng diagram.

N vs. L diagram

Tatawagin ko siyang N vs. L diagram. Number of reviewees versus Level of Intelect. Nagdrawing ako ng bell curve doon for no reason at all. Siguro kasi hindi pa ako naka-move on sa T-S diagram ng Rankine Cycle.

Naglagay ako ng isang tuldok para i-represent si Andryx. Ang coordinates ng point ni Andryx ay:

(1, wizard)

Dahil isang Andryx lang ang kilala ko and I classify him as a Wizard. I'm rooting for this friend of mine. I pray na siya ang maging first placer. Meron akong secret desire na mag-top din, pero willing akong magpa-ubaya. (***hahaha kainis, sobrang taas mangarap)

May point sa gitna. Pinangalanan ko itong Majority. Ang coordinates ng points ni Majority ay:

(Max, Liz-Wiz)

Oopppsss, take note: Hindi yan palaman sa tinapay. Cheesewhiz yon. (***hahahahaha)
Marami kasing half-breed sa mga reviewees. Kalahating lizard, kalahating wizard. Minsan tamad mag-aral, minsan masipag mag-aral. 50/50

May Struggling point din. Ang coordinates ni Struggling ay:

(Few, Lizard)

Kaunti lang naman iyon. Pero alam mo ba kung ano ang mabuti sa pagiging lizard? Nasa iyo ang lahat ng karapatan para manghingi ng tulong at gabay.

Syempre, meron din akong sariling point. Ang coordinates ng points ni Jess ay:

(1, less than wizard)

Pagtingin ko sa graph, nalungkot ako ng slight. Kasi less than lizard pala ako. As for a fact I can possibly be. I struggled a lot. Retake ako. I must really be stupid. Pero syempre hindi ako papayag ng ganon. Buti na lang at ako ang nagsusulat ng kwento na ito. Kaya pwede kong i-modify.

Modified N vs. L diagram

Ang coordinates ng points ni Jess ay:

(1, witch)


From the beginning, I asked how. "How to pass the Mechanical Engineering Board Exam?" Naghahanap ako ng alogrithm. (***hahaha na-inlove ako sa salitang alogrithm noong nakita ko siya sa powerpoint) Kumbaga, scientific method on how to pass the board exam.

Narealize kong naghahanap ako ng sagot sa isang komplikadong tanong. For a while, I missed to ask an important question.

Why?

Malahaga daw kasi na malinaw sa iyo kung para saan/bakit mo ginagawa ang ginagawa mo. Nabasa ko iyon sa libro ni Simon Sinek, "Start with Why".

Wala pang result. Whoooo. Pero umaasa ako at nagdadasal na pasado ako with flying colors.

P. S. 

I choose to identify myself as a witch because I belive in magic. I may not cast the spell but the Lord is capable of doing so.

Love,

J. G. Villanuevađź’•