Share this

Saturday, August 31, 2019

***03:55 am thoughts








Paano ko ba ito sisimulan?


Nagugutom na ako. Kaninang tanghali pa kasi ako huling kumain. Tanghalian with RJ, Andryx and his parents. Lunch treat before umalis ng MMG dorm si Andryx.

Pero busog ang puso ko. Lumabas na iyong result ng ME board exam. I am pretty much speech less. Mabuti na lang nagsusulat ako. Madadal ang utak ko by nature. Hindi lang nasasabi ng bibig ko lahat pero naisusulat ko mostly.

I passed!💕

Salamat kay "G"



Sobrang gandang closing para sa Month of August. Maraming Salamat po sa Biyaya!!! Sa'yo lahat ng papuri Panginoon. I am nothing without you.

Solid ang Team MMG, pasado kaming lahat sa group review. Pasado ang room mate ko na si Janella. (***I love you Ja, I miss you) Pasado ang paborito kong tropa na si Jp. (***pongs, this iz it!). Top 8 si Andryx! Yeah!! (***mah friend made it to the top, I'm so happy)

Dear Jonie,

I love you Jonie! Gusto kita i-hug ngayon. You will make it next time. May better plan si Lord para sa ating lahat. Keep your cheerful and caring attitude. Salamat sa masarap nating kwentuhan sa 404. Salamat sa minsan kong pag-sleep over sa dorm ninyo. Salamat sa mga snack na pinagsaluhan natin habang nakikinig sa lecture. Salamat sa mga notes na sinend mo sa akin. Salamat sa trip natin to SM Manila na muntik muntikan pa tayong hindi  makarating. Relax lang ako noon kasi alam ko, magkamali man tayo ng daan na pupuntahan, may google maps naman. Salamat sa totoro pen na binigay mo sa akin. Salamat sa white hair clip. Salamat sa face scrub. (***hahaha jonie, gaano ba kataas ang pangangailangan ko ng facial scrub. Sobrang halata ba na di ako naghihilamos. HAHAHAHA) Tatandaan mo palagi na isa kang importanteng part ng journey ko. Maraming maraming salamat para doon. You added great value in my life and you inspired me in many ways.


I have a small circle of influence. Sa ating mga pinagpala na makapasa. Magpasalamat tayo kay Lord. Sa mga susubok muli sa susunod, I pray for the best. 

  • Salamat po Lord Jesus!!! Salamat po sa SBCC family. Pastor Pio, Thanks po!

  • Salamat po sa aking pamilya. (Eg. Ama, Ina, Ate, Pinsan, Tito at Tita) (***where would I be if I am without them) Salamat po sa moral and financial support.

  • Salamat po sa Prime Review Center! Salamat po kina Sir Capote, Sir Caraig, Sir Damirez, Sir Dionisio, Sir Enganyo, Sir Mendoza at Sir Tiangco. Kay Mam Che at  sa buong staff ng Prime. 

  • Salamat po Team MMG! (Maine, RJ, Andryx, Viann, Mark, Emillson, Usana, Pres Ashley) Nabawasan ang pressure ng final review days dahil kasama ko kayo. Salamat sa mga kung ano-anong kwentong nagawa natin para matandaan ang concepts, terms at formula. Specially kay Maine, salamat for keeping me company sa in-house flashing. Kahit feeling ko na-wiwirduhan na sa atin si Sir Adrian dahil tumatawa tayong dalawa most of the time.

  • Salamat po sa aking mga kaibigan. (From Villa de Pugay with love. Saan yung Villa de Pugay? Secret, kami lang nakaka-alam. Salamat sa pagtanggap sa akin sa kabila ng aking wierd countenance. Salamat sa pag cheer up sa akin. Thank you guys. I Love you.)

  • Salamat kay Andeng! and to your fambam (*** o diba may may special mention)



  • Salamat sa First family ( Dex /Papa P and friends) Noong iniisip ko ang mga papasalamatan ko. Naisip ko kayo guys. Kalahati ng buhay college ko ay kasama kayo. I miss you friends.



    • Salamat sa aking OJT buddies. Henry and Jevin.

    • Salamat sa aking Thesis Mates!

    • Salamat po sa Bataan Peninsula State University! (Yeah, thanks po sa lahat ng aking naging instructors sa magandang experience at sa makulay na college life)

    • Salamat po sa BPSU chess team (Sabi ko sa susunod na chess tournament na sasalihan natin dapat pasado na ako sa board. I knew I can be deafeated, but, me, give up? NEVER! Sa team ko natutunan 'yon. Salamat po!)

    • Salamat to self.

    Sometimes I like to believe I am no one. Without reference to time, place, people and emotion I am nothing. Right now, I am someone pouring my hearts delight in a medium called blog.

    Thank you😘

    Love,
    J. G Villanueva

    (***time check: 05:20 am. Ang tagal ko pala magtype hahaha)