The unexpected sequel...
Minsan makakabasa ka ng isang libro tapos babaguhin nito ang buhay mo.
Title: "Be all you Can Be"
Author: John C. Maxwell
The unexpected sequel kasi di ko inaakala na makikita ko sa libro na ito ang sagot sa ilan sa mga tanong ko.
Kung nabasa mo na ang post na Why choose Mechanical Engineering, nag-iwan ako doon ng mga tanong. [***kung hindi mo pa nabasa 'yon. How dare you!? Basahin mo muna. Hahahaha joke!]
[“Ang board exam daw ay battle ng Lord”. Kinukwestyon ko ang statement na ‘yan. Hindi ko maimagine kung paano naging battle ni Lord ang board exam. Kako magkakatawang tao ba si Lord at siya ang mag-eexam? Meron bang divine magic na sasapi sa amin sa board exam at siya na ang bahala sa lahat? Kung ganoon, bakit may mga bumabagsak?]
Ayan!
Exerpt mula sa mismong post. [***kasi baka di mo naman i-click ung link. Hindi ka makakarelate. Kaya kinopya ko na hahaha]
October 12, Saturday, past 7:00 pm
Hindi ko alam kung bakit mahaba ang pila sa terminal ng Genesis sa Avenida ng gabing iyon. Bilang pampalipas ng oras, kinuha ko sa bag ang libro na fresh from Tita Arlyn's bookshelf. My take away from Indang. Ang oras ay pasado alasyete. Nakapagsend na ako ng ceremonial text kina Robert, Maine at Andryx. Iyong tipo ng text na isesend mo sa tropa kapag naghiwahiwalay na kayo pagkatapos tumambay.
Ganitong linyahan:
"Huys, ingat sa pag-uwi. Salamat sa time kanina. Enjoy!! Sa uulitin"
Hahaha, syempre iba-ibang version 'yan. Personalized kunyari pero ang suma tutal ay ganyan ang laman.
Iritable na ang Ate gurl na nakapila sa harap ko. Past nine pm na ako nakaupo sa Bus. Dalawang oras ako pumila. Madami na din akong nabasa.
Umabot ako sa part na naikwento si David and Goliath.
"Chapter five: The Bigger they are the harder they fall"
Pagbasa ko pa lang ng Chapter introduction. Huminto ang oras. Slow motion na rewind. Sakto pa dahil malapit ako Manila Grand. Board exam feels talaga. Pati iyong hindi magandang amoy ng atmospere sa Manila ay nag-evaporate. Tapos bumalik iyong mga ala-ala ko ng review days. Iyong thursdays na binabanggit ni Pastor Pio si David and Goliath.
"Its the lord's battle"
Napaisip tuloy ako.. Nabasa kaya ni Tita Arlyn ang blog post na iyon? Alam nya kaya na nasa libro na ito ang malawak na ekspanasyon ng kwento ni David and Goliath? Random lang kaya ang pagkaka-abot sa akin ng book na ito? Baka naman divine will ng universe na mapasakamay ko ang libro na ito. [***thanks po :)]
Sabi ni Mr. John C. Maxwell,
Una:
What is your biggest problem?
What giant is standing in your path?
Tapos tinuro niya kung paano maging "victorious"
Victory becomes ours when we think right about our problems, feel right about our problems and then act right about our problems.
Bantil (Slingshot) at bato ang gamit ni David para mapabagsak si Goliath. Si Mr. Maxwell ay nagbigay ng five stones on how to conquer our Goliath.
Stone number one: Check your Cause
Stone number two: Count the Cost
Stone number three: Chart Your Course
Stone number four: Consider Your Christ
Stone number five: Charge your Challenge
Ang ganda ng content ng libro na iyon. Naka-schedule ang book na ibalik ko kay Tita noong oath taking. (October 25) Pero hindi ko ibinalik, intensyonal.. Hahaha kasi sabi ko gagawa ako ng blog post about the book and how it is entangled with the strands of my life. In the near future maibabalik ko din ang book, since posted na ang entry na ito.
Thank you sa kay Tita Arlyn sa pagpahiram ng book.
Thank you kay Mr. John C. Maxwell sa pagsulat ng isang life changing na libro.
Bilang sagot sa mga tanong ko.
Tanong: Magkakatawang tao ba si Lord at siya ang mage-exam?
Sagot: Hindi. [***anong klaseng tanong ba 'yan Jess. Philospher ka ba? o Pilosopo lang talaga]
Tanong: Meron bang divine magic na sasapi sa amin at siya na ang bahala sa lahat?
Sagot: Hindi din.. Anuba!? [***very creative ang mga tanong..smh]
Tanong: Bakit may bumabagsak?
Sagot: Hindi ko alam Sir/Mam. Dahil diyan, ibahin natin ang tanong. Bakit may pumapasa?
Bakit may pumapasa?
Love,
J. G. Villanueva 💕