Share this

Friday, November 1, 2019

Jess' thoughts on love, relationship and boys

Naks!


November 01 ngayon tsyong pero ito ang topic natin. Hahaha


Kanina habang nasa harap ng puntod, nagkwento ang pinsan kong thirteen years old. Nawindang ako sa chicka niya. Ngayon, nagrereflect ako sa tungkol sa love, relationship and boys.

Love


Big word! Parang si God ang concept na ito para sa akin. Masyadong malawak. Madaming angulo. Pareho si God at ang concept ng Love in a way na naniniwala ako kahit hindi ko naiintindaihan ng buo. After all: God is love.

Relationship


Minsan may nakakwentuhan ako ng heart to heart talk, about religion. Si Ms. Flowery. Nakilala ko siya sa Seminar sa Mabalacat. Habang breaktime doon, naka-usap ko siya ng matagal. Madami siyang naikwento. Ang pinaka tumatak sa akin ay ang concept ng relationship with God. Sabi niya: 

It is not about the religion, it is about your relationship with God.

Boys


Ang cute ng topic na ito. (Love) x (Relationships) x (Boys) Ang last encounter ko sa mga gwapong lalaki ay sa Natcon. Hahahahaha Ang daming pogi doon! I wonder why... Kasi mas madami pogi sa Natcon kumpara sa Oath taking.


Bobong tanong lang:


Bakit kami nagtutulos ng kandila tuwing araw ng mga patay?

Bakit kami pumupunta sa sementeryo?

Bakit kami kumakain ng tsitsirya at umiinom ng sofdrinks doon?

Bakit?

Dahil hindi ko masagot ang mga tanong na iyan kanina. Minabuti kong makinig sa rants ng broken hearted kong pinsan. Ang malupit doon, trese anyos pa lang siya.

Rewind time: Nalala ko noong trese anyos ako, nakakalaban ko ng chess ang crush ko. Ang problema ko noon, ay baka may hidden resenment siya sa akin dahil hindi ko siya pinagbibigyan. Oo, crush ko siya, pero pagdating sa chess.. Hindi ako magmamali ng tira para manalo siya. Tapos, iyon na 'yon. Wala ng drama.

Kumpara sa pagka-broken hearted ng pinsan ko dahil iniwan siya ng jowa niya. Ang masakit doon na-two-time siya. [***iyong tipo na "sila pa" pero si boy ay may other girl na] Brad, binabasa ko lang sa wattpad ang mga ganitong kwento dati. Sa kanila reality na. ๐Ÿ˜ฎ

Hindi ako makapaniwala na umiiyak siya dahil sa lalaki. Ako kasi ang huli kong iniyakan ay board exam. Bago ang board exam, thesis ang iniiyakan ko. Never pa akong umiyak para sa lalaki.

Love x Boys

Love x Boys


The model of reality that I adopted towards love with respect to boys: 

I have been loving two men in my twenty two years of exsistence. 

First is my father and the other is my grandfather. 

I have many boyfriends. By my definition of boy-friend. If you are a boy and you are my friend therefore you are my boyfriend. To mention a few nandyan si Jp, Jin, Gian, Dior, Jem, Quel, Micko, Dex, CJKP and so on..  But I am not in a romantic relationship with them. Sila ang closest boys back on college days.

Relationships x Boys

 Relationship x Boys


The model of reality I adopted towards relationships with respect to boys:

Boys are boys and I set a huge wall between friendship and partnership.
Gusto kong gamitin ang term na partnership.

Let me define partnership first.

Partnership: sa tuwing gagamitin ko ang salitang ito sa article na ito. Ibigsabihin nito ay ang committed loving intimate relationship between a man and a woman. Okay? Ok.

So ayun nga: Gasgas na kasi ang boyfriend/girlfriend term, jowa, bata, etc.. Kaya nag-imbento ako ng term. Hahahaha

Anyway. Balikan natin ang relationship ko with boys. Sa akin, malinaw na friendship ang intensyon ko para sa lahat. Hahaha [***kaya hindi nakakapagtaka kung bakit NBSB ako until today] Sa mga pagkakataon na may barrier breach, agad ko iyong nirerepair. Dinadagdagan ko ang resistance ng wall. Wala pa akong pinapalusot sa barrier. [***getz ba.. Or am I talking too much in riddles]

Simply say, I haven't chose to enter a partnership. Kasi ayaw ko pa. Hindi pa ako well informed. At natatakot ako.



Love x Relationship

Love x Relationship


The model of reality that I adopted towards love with respect to relationships:

Is the example set by my parents

Nangyayari ito by default in most of us. Modelo natin ang ating mga magulang. Nirerespeto ko ang mga magulang ko. Taas noo ako sa disiplina na ipinatupad nila sa amin noong bata pa kami ni ate. Nagpapasalamat ako sa aking ina at ama. But they did not set a good married life example. Maswerte ako dahil buo ang pamilya namin. Nagpapasalamat ako sapagkat magkakasama kami.

But there is a part of self that have developed a great fear with regards to love and relationships.

Kaya hindi ako makarelate sa kwento ni pinsan. My heart is too safe within the walls which is keeping it away from the perils of romantic relationship.

Ano kaya sasabihin ni lola sa akin kung sakaling nabubuhay pa siya?

Ano kaya ang advice ang ibibigay niya?

Hmmm.. I wonder.. Ito ang mga naiisip ko habang nagsisindi ako ng namamatay na kandila dahil sa sobrang lakas ng hangin. Iniisip ko kung ipagdarasal ko ba si lola at lolo. 

Kung sakali, anong sasabihin ko?

Nasaan na ba si lola at lolo?

Anong nangyayari pagnamatay ang tao?

Love,

J. G. Villanueva

The currious mind is on fire๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ”ฅ

Someone please enlighten me๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™