Share this

Tuesday, October 22, 2019

Indang

Going or not going?


A good friend sent an invitation to a group chat. Thanks giving sa bahay nila, Saturday lunch. 

Unang reaction: Yey, invited ako.

Pangalawang reaction: hmmm, pupunta ba ako???

Nilista ko ang conflicts:
  1. Too far
  2. Need to check funds to travel
  3. Dunno exactly where to go

Pero 50% of ni Jess ay gustong pumunta 

Counter the conflicts:

(3.) Use maps, madali lang yan.
(2.) Check funds: upon checking nalaman ko na pwede pa. Makakarating at makaka-uwi pa ang budget
(1.) Distance is fixed. Hindi ko 'yon kayang baguhin. Mind set ang pwedeng ibahin.

Ganito ang naging process ng pagkumbinsi ko sa sarili:

[***conversation with self]

Jess 1.0: Meron daw lechon, puto at madaming foods. Punta na.

Jess 2.0: Seryoso ka ba, hindi ka naman first time na kakain ng lechon at puto. Bibiyahe ka ng mahaba para sa pagkain. Tumigil ka nga, may pagkain tayo sa bahay

Jess 1.0: Thanks giving 'yon ni Dei. Imbitado tayo, kakahiya naman tumanggi. Iyong ibang friends kapag nag-imbita present tayo palagi... Tapos ngayon...

Jess 2.0: Ano ka ba, iyong ibang friends mo malapit lang. Konting kembot lang mararating mo sila. Indang ang destinasyon this time. Maiintindihan niya kung hindi ka makakarating.

Jess 1.0: [***shut up muna si Jess 1.0]

One day passed. Pending ang decision if going or not going. Nasa normal na routine ako  ng pagtamabay sa aming bahay. Nakatapos ako ng isang chapter sa libro na hawak ko. Tapos naisip kong buksan ang messenger app. 

May message request.

Hi jess... Punta ka sa amin.

Nag-evaporate si Jess 1.0 at Jess 2.0 nag-decide ako na pumunta. Kasi kapag Nanay ng kaibigan ang nag-imbita, pupunta ka doon.


Pupunta


One hundred eighty six kilometers, four hours and thirty minutes ang Balanga Bataan, to Indang Cavite. Sabi yan ni Google. Tinanong ko si Sakay.ph kung ano ang mga possible route. Unfortunately sa Metro Manila lang pala siya naka-program. Aalamin ko ang ruta sa tulong ni Magtanong.


Ganito ang nangyari sa commute ko.


1. Jeep from Orion to Balanga
2. Bus from Balanga to Avenida
3. Walk from Avenida going to Recto [***to meet Robert and Maine]
4. Walk from Recto going to Espanya blvd
5. Jeep from Espanya to Lawton
6. Bus from Lawton to Pala-pala
7. Jeep from Pala-pala to Indang
8. Walk from jeep stop going to Dei's home

Yeah!

Ten ng umaga ako umalis ng Orion. Nine ng gabi na kami nakarating sa Indang. Na-scam ako ng four hours and thirty minutes ni Google. Hahahaha last time na bumiyahe ako ng ganoon katagal ay nakarating ako sa Tuguegarao para sa SUC Olympics.

Nabuo ang idea na ang pagpunta sa isang lugar ay:
"It is a matter of wanting or not wanting to be there.


Nagsimula ako mag-ipon ng dahilan para pumunta


  1. Wala akong activity this past few weeks
  2. I love to travel
  3. I will see my friends [***miss ko na sila]
  4. I will see a new place
  5. I might see a new perspective
  6. I will meet new people
  7. Bahala na si Lord
Isa pa gusto kong pumunta sa London. Kung susukuan ko ang Indang, paano na ang London?

Kung bakit ang lakas ng resistance kong tumangi sa Starbucks sa Tagaytay


  • Nakapunta na ako ng Starbucks
  • Nakapunta na din ako sa Tagaytay
  • Pero hindi pa ako nakakapunta sa Starbucks ng Tagaytay
  • Tapos gusto ko na matulog dahil hindi ako natulog sa byahe
Pero kahit gaano pa kataas ang level ng resistance ko nirerespeto ko din ang desisyon ng karamihan. Tutal nandoon na ay i-maximize na ang byahe. Ang sarap din naman ng kwentuhan namin. Sulit ang punta.

Cards againts Humanity


Isa itong laro ng humor. Palagay ko ay sumakit ang ulo nila sa akin. Iba ang humor ko. Dark humor. Isa pa kapag alam ko na ang objective ay patawanin ako, matic na tataas ang level ng resistance ko para tumawa. Siguro masaya 'yon kung tatawa ako ng pilit. Ang problema hindi ako praktisado tumawa ng fake. Maganda ang game. Makikilala mo ang mga kalaro. Malalaman mo kung ano ang makakapagpatawa sa kanila. First time ko maglaro ng Cards againts Humanty sana maulit pa.

Late na kami natulog pero maaga ako nagising. May tatlong dahilan kung bakit ako nagising.
  1. Maliwanag na
  2. Nadidinig ko ang mga tricycle sa labas
  3. Tinatawag ako ng kalikasan
Matapos mag-cr, nakatanggap ako ng advice mula kay Tita. Matulog daw ulit dahil maaga pa. [***si Tita na nagluto ng shanghai, ang sarap ng timpla niya] Gising na din si Maine. Nagkwentuhan kami. Madami na kaming na pagkwentuhan tapos nung nag-cr siya, sinunod ko ang advice ni Tita. Natulog ako ulit. Skill ko ang matulog. Kahit nakatayo sa LRT baka makatulog ako. Ang pagtulog para sa akin:
"Its a matter of wanting or not wanting to sleep".

My Take away from the Trip

  • Nabuhay ulit ang passion ko para sa music
May gitara doon sa bahay nila Dei. Noong nakita ko iyon naalala ko iyong gitara ko na ilang taon ko nang hindi nahahawakan.

  • Book
Noong nakita ko ang bookshelf ni Tita Arlyn para akong na-magnet. Na-aatract ako doon ng bongga. Anyway, kahit saan nga pala ako makakita ng libro ay nag-heart-heart 😍 ang mata ko. Hiniram ko ang libro na recomemded ni Tita. "Be all you can be" by John Maxwell.
"Books are portal to another dimension." 

  •  The best take away for me is the idea of being connected
Bakit kamo? Habang nasa byahe, I've been thinking alot. It is up to me to make the most out of that trip. Responsibility ko ang gawin ang best para sa moment na iyon at sa kahit anong moment pa.

Naka buo ako ng dalawang desisyon.
  1. I will take one risky job offer
  2. I will be present
Ikukwento ko sa'yo iyong pangalawa. Iyong una kasi ay isang journey in the making.

I will be present


I listened. I talked. I laughed. I learned. I look into peoples eyes. I related to them. I felt more human. Sinikap kong itabi ang phone ko. Ginawa ko ang best ko to be in the moment. Minsan lang ako pupunta sa Indang. Who knows when can I be back. Iyong phone lagi ko naman kasama. May mga tunay na tao akong kasama. Mas importante sila kumpara sa virtual connections. I felt so welcome at Dei's home. Na-enjoy ko ang experience to the point na willing ako bumalik kung may opportunity. 

Love,

J.G. Villanueva

I am inclined to choose experiences over things.


Special Thanks for:

  • Maine
  • Robert
  • Andryx
  • Tita Arlyn
  • Tito Andrew
  • And to their Family