Focus
Out of Focus na piktyur ng notes |
Mula sa post na Paano nga kaya? Nabangit ko na isa sa mga dahilan, kung bakit ako naging retaker ng Board Exam, ay dahil wala ako sa focus.
Blessings iyon para sa akin. Dahil nagkaroon ako ng tapang to look within. Naisip kong bisitahin ang kalooban ko. Natutunan kong alamin kung ano ang mga kailangan ko. Oo, totoo bumagsak ako ng dalawang beses dahil wala ako sa focus pero malaki ang naiambag ng experience na iyon sa mga thoughts at ideas ko ngayon.
Love,
[***sinabi ko bang magbibigay ako ng sagot dito ngayon? joke lang yun dahil mas mahusay akong magtanong kumpara sumagot]
You get more of what you focus your on.
Noong mga panahon na iyon. Maihahalintulad ko ang sarili sa isang mangingisda. Sa kadiliman ng gabi namamangka siya sa gitna ng dagat. Namatay ang ilaw sa parola. Namatay din ang ilaw ng bangka. Saan siya pupunta? Anong direksyon ang tatahakin?
Tanong at sagot
Madami akong tanong sa buhay. Sa post na ito susubukan kong bumuo ng sagot.
On my second attempt to pass M.E board exam nag-self review ako. Mayabang ako. Sabi ko sa sarili ko, "matalino ako, kayang-kaya ko na 'yon". Self-discipline lang at solid na routine.
Okay naman ako sa simula. Ang problema nalilimutan ko ang mga pinag-aaralan ko. Sanay ako sa mode ng review preparation tuwing malapit na ang exam. One week before the exam kapag sinisipag mag-aral. One day before exam minsan kapag sobrang daming ginagawa. May mga pag-kakataon pa nga na few minutes before the exam saka pa lang mag rereview.
Paano na ung board exam?
Ilang buwan bago mag-exam nagrereview na tayo. More on short term memory ang preparation back on the undergrad days. Paano kapag for long term memory na ang pag-uusapan? Paano ka magrereview nang hindi mo malilimutan for a few months? Or meron bang way para di mo malilimutan forever?
Tinanong ko si Google
"How to improve your memory?"Nakilala ko doon si Mr. Jim Kwik. Isa siyang memory coach. At sobrang juicy ng content na ginagawa niya. Nasalubong ko din ang libro na "Moon Walking with Einstein" by Joshua Foer. In my quest to pass the board exam. Napunta nanaman ako sa ibang dimensyon. On my first attempt I became hooked with the idea of self development. On my second attempt I am snared by the thought of memory improvement. Napunta ang focus ko sa ibang bagay. Nakilala ko din si Dr. Anthony Metivier ng Magnetic Memory Method. I learned so much from these mentors.
And I am glad that happened
Love,
J. G. Villanueva
[***sinabi ko bang magbibigay ako ng sagot dito ngayon? joke lang yun dahil mas mahusay akong magtanong kumpara sumagot]