Siguro.. may nakapagsabi ng phrase na yan sa akin ng phrase na iyan....
[Diary ng sales lady entry no. 5]
Depende kasi 'yon sa standard ng kagandahan.
Anyway..
Mula sa post ko last year. [***kala mo naman ang tagal nang lumipas ng last year, hahahaha] Dear Future Partner.
I have reasons. Syempre. Kunwari, isa akong rational being. Lahat ng act ko ay may solid logical reasoning.
I mentioned five events.
[***ayan tayo.. Napapa-english na, kunyari makisig magsalita]
[***yaw q nah! Ang hirap pala ikwento nito]
[***whooo!]
"Sige na, Eto na, sasabihin ko na, para hindi na kayong lahat nabinitin pa. Mahal kita pero di mo lang alam... 🎶🎵🎶"
Linya yan sa kanta ng Rocksteady na Deadma. Okay sana kung meron akong pagsasabihan ng linya na 'yan. [***Hahaha] kaya lang bihira akong nade-deadma. Hindi dahil sa isa akong dyosa; kundi dahil kamag-anak ko ang mga Big foot. Iyong mga nakatira sa itaas ng bundok na malamig. Yetti yata ang tawag sa kanila. [***o diba halatang kulang sa research] Ang trait na namana ko mula sa kanila ay ang dami ng balahibo sa katawan. Kapag nakakita ka ng nilalang na kalahating babae kalahating unggoy. Tawagin mong "Jess", try mo, baka ako 'yon. Take note may breed din siya "bumbay". Iyong tipo ng itsura na kapag nakita mo minsan, hindi mo na malilimutan.
[***for some unkown reasons, tuwang-tuwa ako kapag binubully ko ang sarili ko]
Bakit nga kasi?
Bakit meron naman chance na magka-jowa ka pero di mo ginrab ang opportunity?
[***ginrab? pinilit talaga ang rule ng tagalog panlapi sa English word na grab.. Pwede namang "kinuha"]
So ayun po ano.. Tinatanong ko ang sarili ko ng tanong na yan.. Sa kaiisip ko, nakabuo ng kwento. Gawa-gawa ko lang. Siguro product lang ng subconscious ko.
Meron akong tatlong crush. Isa noong elementary, isa noong highschool at isa noong college.
Elementary Crush..
Grade one pa lang may crush na ako! Maharot ang ate gurl. Hahahaha Truth be told. I'm specially fond of that person. Maaga akong hinahatid ng magulang ko sa skul. Masyado kasing matigas ang ulo ko para manatili ng matagal sa bahay. Kahit five years old pa lang ako, nasa grade one na ako. Pareho kami ni crush, maaga din sya sa dumadating. Kapag nandun na siya, iniiwan na ako ng nanay ko. Tapos naglalaro kami hanggang sa dumating ang ibang kaklase at si titser. Sa tingin ko, ayun ang dahilan kung bakit ko siya naging crush. Isang taon 'yon prend. Ang galing ko diba!? Naitago ko 'yon sa loob ng isang taon.
Pumasok kami ng grade two. Classmates pa din kami ni crush. Hanggang isang araw, napagalitan kami ni titser. Isa akong maliit na bata. Mula noon hangang ngayon. Nakaupo ako sa front row. Hindi ako pumapayag na sa likod maupo, wala akong nakikita at naiintindihan doon. Si crush, naka-upo sa likod ko. Napagtripan nyang paglaruan ang buhok ko. Syempre dahil si crush yon, hinayaan ko lang. Kaso nakita siya ni Mam, nagalit si Mam. Nagtawanan ang mga classmates. Sa hindi ko malamang dahilan, napunta ang mga kaklase ko sa conclusion na si Jess ay may crush kay *******. Kahit wala naman akong nabanggit. Nagsimula ang asaran/tuksuhan. Hanggang sa iniwasan ko na si crush. Deny, deny, deny to the point na kakadeny nawala na siya crush zone.
Ang history kung bakit ilag ako sa idea ng "crush" at sa mga asaran/tuksuhan, bow...
Love,
J. G. Villanueva
P. S:
..naisipan kong gawin tong series.. Next week ko na ikukwento sina highschool crush at college crush.
P. S. isa pa: ano 'to wattpad? MMK? Hahahahaha😂
Sorry na..
Sorry na..