Bakit nga ba?
Kasunod ito ng crazy trivia na nabanggit ko sa nakaraang post.
[***Diary ng sales lady entry no.4]
Maraming normal na tao ang naghihintay sa pinaka-aasam na araw. Nagkataon lang na hindi ako normal.
Hindi ako pumunta sa highschool at college graduation ceremony
Sa highschool Graduation
Natapat ang highschool graduation sa CLRAA. May option ako na umuwi noon, pero pinili ko ang magstay sa event.
Listahan ng naisip kong dahilan kung bakit:
- Epic ang elementary graduation
- Hindi ako sinamahan ng magulang ko sa graduation ceremony noong grade six (***siguro may hidden resentment ako sa kanila dahil doon.)
- Nagkataon, na sa program; ako ang tatanggap ng kahuli-hulihang medal. May award ako noon na halos pa-closing ceremony na binigay.
- Ilang piraso na lang ang tao. (***hahaha so may bitterness pa pala ako dahil umalis ang mga tao bago isabit ang huli kong medal noong elementary)
- Ang overall experience ko ay matamlay
- Naisip ko na kung ganoon ulit ang mangyayari sa highschool graduation ay "no thanks"
- Nailigtas ko ang magulang ko sa gastos para sa graduation event.
Sa College Graduation
Since nakapagtapos ako noong highschool kahit absent ako sa ceremony; why not do it again?
- Nagsimula na ang review for board exam
- Hindi interesado ang mga magulang ko sa graduation ceremony
- Trivia: Ang Tatay at kapatid ko ay hindi din nagpunta sa college graduation nila.
Ayoko kasi gumradweyt. Gusto ko ang buhay estudyante. Hanggang ngayon estudyante pa din ako. Elementary graduation lang ang napuntahan ko.
I am a student of life.
Love,
J. G. Villanuevađź’•
P. S.
Naikwento ko ito ngayon bilang follow up sa Diary ng sales lady introduction. Kung hindi mo pa nababasa ang entry na iyon, irecomend na basahin mo muna sa pamamagitan ng pagclick sa sentence na ito. Hahaha.