Diary ng Sales Lady, entry no. 3
Hello!
Happy Holidays!!
Hmmmm...
May utang pa ako na dalawang kwento.
- About graduation
- "No" hypothesis
Pero... Dahil out of season ang topic. Kwentong pasko muna tayo. Sa katunayan, birthday ni Lolo ang Pasko. Happy Birthday Lolo Roger! I miss you po!!
Masayang pasko sana ito dahil unang pasko bilang lisensyadong engineer, except hindi recognized ng mga kamag-anak ko na ang isang sales person ay isa ding engineer. Kaya may malungkot na shade ang holiday season. Nandoon din ang pagpupush nila sa akin na maghanap ng ibang trabaho. Whew. Ilang awkward social interactions na ang na-isurvive ko. May mga susunod pa bago lumipat ang taon.
Isa sa mga dahilan kung bakit ko ginusto ang pagiging sales person ay upang ma-break ang aking social awkwardness.
2019 Audit of Important events:
- February - I made 2nd attempt to pass the board exam and yet I failed
- August - I made 3rd attempt to pass the board exam and I am blessed
- October - decided to start as a sales person in a new company
Hindi kaya?.... Hmmm
May pagkasadista yata ako.. Mukhang natutuwa akong gawin ang mga bagay-bagay na ayaw nilang ipagawa sa akin. Tulad ng paglalaro ng chess dati. Ngayon naman ay tungkol sa trabaho. When I say nila, sila ang mga tito, tita at pinsan ko. Pwede natin sabihin na i-disregard ko ang thoughts nila, para madali ang buhay. Papasok ang idea ng student loan. Sino ba ang nagpauso ng utang na loob? [***hay naku kukutusan ko, kung sino man un]
Dahil sa anak ng tipaklong na utang na loob, pakiramdam ko ay kailangan kong sumunod sa lahat ng suggestion ng mga taong pinagkakautangan ko. Kahit na hindi ko gusto, ang path na suggested nila para puntahan ko. Kailan pa ba nauso na ang monetary debt ay nakokonvert into moral obligation? Ganoon ung pakiramdam ko. Which is, pakiramdam ko din ay mali. Kaya gusto ko nang ipatapon sa Mars ang idea ng utang na loob at magsimula galing sa fresh perspective.
Oi oi oi,
Teka, baka naman produkto lang nang malikot kong imaganition ang mga ikinalilungkot ko. Sa katunayan, wala naman silang gaanong nabanggit sa trabaho. Malamang tanggap na nila na matigas ang ulo and once I decided that is almost always final. At mabigat na consequence lamang ang makakapag-pabago. Hmmm.. After all wala pala akong logical reason to be sad.
In order for this holidays to be happy,
I must make a conscious effort to be happy.
Love,
J. G. Villanuevađź’•