Share this

Wednesday, December 18, 2019

AutoCad

Diary ng Sales Lady Entry no. 2


Partialy, AutoCad ang may kasalanan kung bakit ako napush para bigyan ng chance ang pagiging sales person.

Gusto kong matuto nang AutoCad. Nasa desires list ko iyon. Ang problema walang AutoCad sa laptop. Pangalawa medyo mahina ang drive ko para matututo. Noong nakita ko ang facebook ad ni Entecs. Nagdesisyon akong magtrabaho para may pangbayad ako sa enrollment fee. Bigyan ng chance ang nakitang opportunity at mag-explore ng ibang zone. Out of comfort zone.

Interesting ang AutoCad


Bumalik ang mga ala-ala ng first year college. Ang pagkapuyat ko sa Engineering drawing. Ang drawing na dahilan ng mga pimple marks sa mukha ko. Napupuyat, nakukuba at namamalipit ang kamay ko sa paggamit ng special techpen. Proud pa ako noong una ko siyang nahawakan. Steadler tapos sasalinan ng ink. Pero hindi ako agad nainform na parusa pala iyon. May tamang pressure ng pagsulat. Single stroke lang. Dapat sigurado ka na sa iguguhit mo bago magsimula. At may angulo ng paghawak kung saan perfect ang linyang magagawa. [***those days.. Nasubok ang pasensya ko] Pati iyong t-square at ung tube na nilalagyan ng A3 na papel. Bitbit namin iyon sa jeep. Noong una nakakatuwa kasi status symbol 'yon, Architecture o Engineering student lang ang nagdadala ng ganun. Hanggang sa sinusumpa mo na ang mga anak ng tinapang gamit na 'yon. Lalo na kung si Sir Cadiz ang naging teacher. REDRAW! [***kaya love ko si Sir Cadiz, sa apat na semester ko nang drawing sa kanya, ay talaga naman, namaster ko ang Engineering Drawing. To the point na ang ibang kaklase ko ay willing to pay sa scratch ko. Iyong mga drawing na pinagpraktisan ko.] {****yabang kainis!}

Nakakatuwang malaman na ngayon ang mga drawing ay "one only a click away" na lang. Hindi mo na kailangan magtasa ng lapis na may standard na haba ng tip. Magtape ng papel sa drawing table bago ilatag ang t-square at triangle para makaguhit. Syempre sisimulan sa border. Guguhit pa ng guidelines at kung ano-ano pa. May point 6, 4 at 2 pa na pagpipilian sa techpen. Depende kung solid line, dimension line etc.. Hays those days.

10 sundays, 8 hours/day para sa AutoCad. Seventy hours na ang nakalipas. Nine Sundays down, one more to go. May mga bagong kakilala. Naging kaklase ko ang kapatid ko. At nakapagrender na kami ng interior design. Ang lufet tsyong. Feeling ko ang husay ko na kahit in reality wala pa ang skill ko sa kalinkingan ng alam ni Sir Aga. Idol 'to si Sir, minsan parang away ko nang magtanong sa kanya. Iyong mga tanong ko kasi kapag binibigyan niya ng sagot ay nagmumukhang basic. Iyong tipo na isang "enter" lang pala ang solusyon sa problema. O kaya naman isang click lang sa surface/edge tapos okay na. [***Hahahahaha] Pero dahil sobrang suportive naman ni Sir ay, nakasanayan ko nang magtanong. Encouraging siya sumagot. Biniyayaan din ako ng isang mahusay na katabi. Na-enjoy ko ng bongga at AutoCad tutorial. Level 1 pa lang 'yon sa palagay ko. May iba pang mga drawing platform. Catia, solidworks etc.. In the rise of 3d printing, syempre sasabay doon ang 3d drawing. Exciting times ahead.

Nagagamit din sa line of work ko ngayon ang drawing. Sobrang thankful ako sa mga magagandang circumstances ng buhay.  Para akong nasa isang conspiracy at ang objective ng universe ay ang mabuhay ako to the fullest while enjoying every moment no matter how hard.


Isa pang dahilan ng interes ko sa AutoCad ay ang Magnetic Memory Method. Isang mind hack na ginagamitan ng floor plan. If you want to know more about it visit this link. Magnetic Memory Method


Salamat!

Oppss..
Nalala ko may utang ako na dalawang kwento. 

  1. Why did I skip graduation ceremony? 
  2. The theory behind the "NO".

Help me decide, kung anong uunahin kong isulat.

Leave your choice in the comment box.
Thank you!

Love 
J. G. Villanuevađź’•