[***Hahahahaha, sobrang unusual ng topic natin today sequel ito ng Jess' thoughts on love, relationship and boys]
Diary ng Sales lady Entry no. 1
Sa ilang buwan ko sa trabaho, may ilang mga nilalang ang
nakapagsabi na “maganda” daw ako. [oh my gulay, syempre, first reaction:
kinikilig ako and all *smiles.. hahahaha] Malapit na akong maniwala. Ang bilin
ni Manager, “Huwag marupok!”. Hmmmm..
hindi ko sigurado kung ano ang ibigsabihin nun.
Back in the days. [***kala mo naman ang tanda na] College
days. Hindi ko gusto ang sarili ko. Lakompake sa selfcare o sa kung ano man ang
opinion ng ibang tao sa akin. I am a college student. Iyon na, tapos. No more,
no less. Kaya hindi ko naintidihan ang ilang
mga lalaki na nag-express ng appreciation towards me. Paano ko iyon maiintidihan
kung ako mismo ay hindi ko iyon pinapahalagahan dati. Self-appreciation. I even cringe to the idea of someone liking me. Natatandaan ko na marami akong
nabitawan na rude remarks para sa mga lalaking nagbibigay sa akin ng special
attention. Do you want to know the story behind me as a rude individual?
Dear Future Partner,
Pasensya ka na in advance, dahil alam kong hindi madali ang maging partner si Jess.
May limang version ng “rudeness overload” na pinaka tumatak sa akin.
[***itsitsismis ko sa’yo, oi ha!
Secret lang natin ‘to]
Gagamit ako ng code name para hindi halata. Mr. 1……. And so
on to Mr. 5. Sobrang creative ng code name, pwedeng bigyan ng award. Taon-taon
may isa akong rude display of attitude noong college.
Mr. 1
Mr. 1 – is a classmate.
Highschool and college friend. Sabay kami nag-enroll noong
first year. Magkasunod kami sa pila. Matic classmates kami. Sa klase, siya lang
ang kakilala ko noong first day. Nakakilala kami ng iba pang kaibigan pero
magkasama pa din kami madalas. Napapagkamalan kaming lovers. [hahahahaha]
Madaming beses naming itinangi. Dahil hindi naman kami pumupunta sa ganong
conclusion. Until one day, habang nasa E-draw room naisip itanong ng isang
tropa. Si Micko to be precise. [hahahahaha]
Micko: Jess, love mo ba si Mr. 1
Jess: Hindi.
Micko: Ano kaya yon!? Magkakaibigan tayo dito tapos hindi mo
siya mahal?? [***may tono ng pagtatampo at disagreement]
Whoah, whoah whoah, para akong nasampal nun! Pero hindi ko
binawi. Mr. 1 and me continue being friends.
Madali mag-init ang ulo ko sa mga kantyawan. I hate that,
the most. Sabihin mo nang pangit ako, wala akong pake. Pero kapag sinimulan
niyo akong tuksuhin sa kung sino pa man. Maghahalo ang balat sa tinalupan. Alam
mo yon? Common na asaran ng mga kabataan.
“Ayieeee, crush siya ni kwan!”
“Oi, may gusto daw sa kanya si ano..”
“Bagay sila ni ***”
Mababa ang tolerance ko sa ganyan. I walk out most of the
time. Wala akong proper briefing tungkol sa love. Hindi ko iniisip ang romantic
relationship with boyz, sa wattpad lang sila nag-e-exist dati.
When I think back to that day, the answer is yes. I do love
Mr. 1. Iyong tipo ng love na nasa level ng….hmmm teka wala pa pala akong love
level matrix. Mag-iimbeto muna ako, wait lang.
Description
|
Level
|
Self
|
5
|
People
|
4
|
Humanity
|
3
|
Pets
|
2
|
Things
|
1
|
[***Ayan! ang selfish ko pala, ayon sa matrix na kagagawa lang, self ang may pinakamataas na value.]
Si Mr. 1 ay nasa level 4 ng matrix. Dahil nasa close peer ko
siya and I do care about him.
Mr. 2
Mr. 2 is a team mate.
Isang hapon, habang nagliligpit ng training materials. Sa
kalagitnaan ng pangbubuyo ng mga team mate namin. Minsan nasabihan ko siya ng “Ewwww”.
Nabangit ko ‘yon. I dunno kung natatandaan nya pa yon. Dunno kung ano ang
naging impact ng remark na iyon sa kanya. Malayo naman siya sa “kadiri” level.
Magandang lalaki si Mr. 2. Hindi ko mabigyan ng mabuting katwiran kung bakit ko
nasabi yon. [***Hahahahahah ] Parang wala namang epekto sa kanya o baka mahina
lang ako pagdating sa emotional assessment. Naging tropa din kami makalipas ang
ilang game season.
Mr. 3
Mr. 3 is also a team mate.
The boldest team mate ever. Siya iyong paulit-ulit kong
nabigyan ng rude attitude to the extent na hindi ko mapili ang ikukukwento ko dahil magmumukha akong evil witch. Bukod sa panunukso ng team mates, sa kanya ay legit
daw. As in gusto niya daw ako. And I do not know what to do with that. I even
wrote him a “Sorry, I do not like you letter”. Gusto ko kasi na mag-move on na
siya sa buhay. Whew! The thing is.. nothing is ever wrong with him. Sa akin
lang talaga ang mali. Hindi ko makumbinsi ang sarili ko na gustuhin siya para umangat sa level five ng matrix. Hindi
ko maintindihan dati kung bakit. Pero ngayon meron na akong teorya kung bakit.
[***hahahaha Abang-abang ka lang, ikukwento ko sa susunod na post ang teorya na
tinutukoy ko.]
Mr.4
Mr. 4 is the most puzzling person ever. Isang OJT-mate
Hindi ko siya kilala personal. Nakita nya ako sa OJT. At ilang
beses siyang nag-express ng admiration via chat. Shookt. To the extent na
inaaya nya pa ako na mag-lunch out at seryoso daw siya. Nakaka-chat ko siya
noon paminsan-minsan. Kinukwentuhan niya pa ako ng about sa family life niya.
Ang sarap sa feeling nung may nagbibigay ng special attention. Pero, ang hindi
ko maintindihan ay kung paano niya ako nagustuhan??? Can you tell me how is
that even possible??? Paano mo magugustuhan ang tao na hindi mo naman kilala?
Pinana ba siya ni kupido pero ako hindi?
O baka naman pinana din ako ni kupido kaso hindi nagpenetrate ang arrow dahil
nakasuot ng mithril ang puso ko, with matching silver armor pa. Samantalang, kung si kupido ay isang fictitious character, nangangahulugan ba ito na pagkaganda-ganda-ganda
ko pala, para ma-love at first sight siya. [***which is not the case because I
am a normal looking being] Nagttrabaho na siya doon sa Petron that time.
Hindi kami nagkausap in person. Hindi ko
din tinanggap ang invitation niya for lunch. Mukhang okay naman siya as an individual.
Wrong timing lang. Hindi pa ako ganoon katapang to jump “into the unknown” [***insert
Elsa singing ‘into the unknown’]. Ilang beses siyang nag-attempt at ilang beses
akong tumanggi hanggang sa sumuko na siya.
Ikaw na mag-jugde kung maganda ba ako sa picture na ito. |
Mr. 5
Mr. 5 is a thesismate.
[***wait, disclaimer: ang susunod na kwento ay mula sa
nag-uumapaw kong biased opinion] Sa pagkakatanda ko nabanggit ko na sa’yo na gumanap ako bilang
leader para sa college thesis. No grand story in this part. Nakakabahala lang ang naging attitude ko. Nagustuhan ko ‘tong tao na ito dahil sa mga
challenges na binabato niya sa akin around that time. Na-enganyo ang creativity
ng utak ko dahil sa mga tanong niya. Well... I feel like a user friendly being. I am sorry. Nagpangap ako na mabait kasi alam ko na asset siya para sa grupo. Hindi ako sigurado sa kung anong opinion niya
tungkol sa akin. Hindi ko siya tinanong kasi natatakot ako sa sagot. Hindi ko
pa kayang makipaglaro sa apoy. Lumayo ako bago pa mapaso.
Silang lima ay nasa level four ng love matrix.
That is Jess’ deep analysis with regards to college peers.
Bakit walang subject sa college na magtuturo sa atin kung
paano magmahal at paano makisama sa kapwa in harmony where everyone is
winning?
Dear Future Partner,
Babala: Baka dumating sa pagkakataon na maging rude din ako sa’yo. Pasensya ka na in advance
By the time I finish writing this entry, hindi pa rin ako well informed pagdating sa love and relationships. Wala pa akong natatagpuan na course kung saan pwede ako mag-enroll at matuto nang kung paano maghanap ng partner. Paano pangalagaan ang mabuting pagsasama habang nabubuhay to the fullest? I want to make a dent in the universe. Dear Future Partner, sana ikaw ay isang tao na may mataas na level ng consciousness. Para together we can bend reality and leave a positive impact on earth.
Dear Future Partner, I must warn you. I am stubborn being. Matigas ang ulo ko. Tried and tested na iyon. Mapapatunayan iyan ng mga magulang ko. I have a weird sense of adventure. Gusto ko ng mga activites na nakakabuhay ng dugo. I hate stagnation.
Well this is unusual, baka hindi mo pa alam kung anong depinisyon ko ng partner. Please read this post for more information.
Dear Future Partner, I wonder when we will see each other.
Love,
J. G. Villanueva
P. S.
Mahal ko silang lima dahil madami akong natutunan sa kanila.
Parang gusto kong palitan ang title ng
"Dear Future King".