Hello!
Kwentuhan kita ngayon tungkol sa mga recent na pinagkaka-abalahan ko.
Kapag nagwiwindow shopping ako, iniiwasan ko ang mga sales lady. Ito ang tipo ng shopping na wala naman talaga balak bilhin. Ikot-ikot lang sa mall dahil malamig o nagpapalipas oras. Kumakausap ako ng sales person kapag desisdo ako sa gusto kong bilhin.
Oh so what?
Wala sa plano na maging sales person ako.
- Isa akong tahimik na tao
- Awkward ako kausap, most of the times
- Ayoko sa mga bagong tao[***noon ito, pero ngayon ay excited na akong makakilala ng mga bagong tao]
- Wala akong alam sa sales
Napunta ako sa line of work na ito by decision. I decided to expand my horizon. Kung kauubos lang ng "teen" sa dulo ng edad mo? May tatlong posibilities:
- Graduating
- Naghahanap ng hanapbuhay
- Nagsimula nang maghanapbuhay
Sa kaso ko, nagsimula na akong maghanapbuhay.
Oo, hanapbuhay talaga. May issue ako sa salitang "trabaho".
trabaho = work = force x displacement
force = tension
work = tension x displacement
hanapbuhay = job = happy = exciting
Iyong tanong na pang nescafe "para kanino ka bumabangon?"
Madami sa mga batang nineties ang nasa working age na. [***bakit walang job-ing age? Hahahaha] At ang mga batang nineties ay hindi na bata. (2019 - 1999) Bente anyos na ang pinakabatang "batang nineties". Pero syempre, hindi na natin babaguhin 'yon. So what is the point? At ano ang kinalaman ng lahat ng ito sa Diary ng Sales lady?
Well.... Isa akong Sales Lady. Yeah... By definiton ng job title ko sa business card na gawa ni Manager. Nakasulat sa ilalim ng pangalan ko doon ay Account Specialist. Samantalang sa mga e-mail signature minsan ako ay Sales Coordinator, minsan Technical Sales Engineer. Nagkaroon pa ako ng slight identity crisis noong nag-edit ako ng linked in account. Anong job title ang pipiliin ko?
Anyway. Sabi sa isang podcast na napakinggan ko, wala naman sa job title ang batayan. Nasa iyo bilang tao kung ano ang tingin mo sa sarili mo; iyon ka.
Dahil diyan.. Naisipan kong tingnan ang aking sarili. Gusto mo bang malaman kung anong nakita ko?
A few months ago, isa akong estudyate na pumapasok sa review centre. At naisip kong panghawakan ang title na estudyante. [***crazy trivia about me: hindi ako pumunta sa highschool at college graduation ceremony] Sa ibang araw natin i-reveal kung bakit hindi ako pumunta sa graduation. So ayon nga, pinipili kong manatiling estudyante. Sapagkat, bilang mag-aaral lahat ng tao na nakakasalubong ko ay isang guro.
Sabi nga ni Ralph Waldo Emerson,
"Everyone that I meet is superior to me in someways therefore, I may learn from them."
Tumawag para mag-set ng appointment
Sinulat ko sa papel ang gusto kong sabihin. Binasa ko ng unang beses. Tapos binasa ko ulit, tapos isa pa, tapos isa pa ulit. Sinapuso ko ang goal ko bago ako tumawag. Nag recite ako sa harap ng salamin. Kinakanta ko sa utak ko ang gusto kong sabihin habang tumatae, naliligo, nagtotooth brush o kahit ano pa man ang gawin ko. Noong feeling ko ready na ako makipag-usap, kinuha ko ang cellphone, nagsaksak ng earphones, dinial ang number at naghintay ng connection.
Ringing, ringing, ringing,.... Toot, toot, toot, toot, sorry the number you have dialed is either unattended or out coverage area.. Heart break number one.
Ganun pala ang feeling ng randam mo ready ka na as in pero ang kakausapin mo ay hindi pa handa.
Sa aking unang "solo" presentation
Sabi ni Manager, informal presentation lang. Dalhin ko ang brochure i-present ang products chicka ng konti. Dapat maging kumportable sa isat-isa. Kumbaga build rapport with the end user muna ang task ko. Akala ko madali gawin. Nagawa ko naman actualy. Medyo proud pa nga ako sa sarili ko.
Buti napigilan ko ang sarili ko na hindi umuwi
Noong nakabihis na ako at palabas na ako ng bahay, excited ako. Kako first appointment 'to na ako ang nagset at ako lang ang pupunta. Gagalingan ko. Habang nasa byahe naisip kong magbasa ng e-book.
May natutunan ako doon na bongga. "POGO"
Sa book ni Zig Ziglar na Selling 101.
P-personal
O-organization
G-goal
O-objective
Ganito daw ang magandang conversation pattern.
Pagbaba ko ng bus ay kalmado pa ako, kahit pa tumakbo ako pagtawid sa highway. Pakiramdam ko ay nagliliparan ang mga sasakyan doon. Since di pa ako marunong lumipad nakuntento muna ako sa pagtakbo. Saglit na adrenaline rush lang. Pagpasok ko sa gate ay alasdose kwarenta y singko. Lunch break pa. Nakipagkwentuhan muna ako sa guard. Sa kwentuhan namin natutunan ko na makikipag-usap pala ako sa isang hari. "King" ang pangalan ng kakausapin ko at siya ay isang Manager. At ako ay isang nilalang na walang kaalam-alam at ang goal matuto sa pamamagitan ng experience. Muntik na akong umuwi kasi natatakot na ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Kinakabahan ako.
Pero tumuloy ako, napigilan ko ang sarili ko na umuwi.
Naka survive naman ako sa first ever meeting
About thirty minutes din akong nagstay sa loob ng area. Habang nasa bus ako pauwi, nagreport ako kay Manager syempre. Natawa na lang ako sa sarili ko. Na-achive ko ang goal na maging kumportable si Mr. End User. To the point na tinatawanan nya ako dahil sa sobra kong kaba at halatang-halata yon. Naiwan ko pa ang gate pass. Mabuti mabait ang guard. Madami akong natutunan sa experience na iyon.
Dati: hindi ganoon kataas ang respeto ko sa mga sales person
Syempre matic na taas ang respeto dahil isa na ako sa kanila. Isa pang dahilan ay ang audiobook na "To sell is human" ni Daniel H. Pink. Ang ganda ng content.
At ito ngayon ang simula ng Diary ng sales lady...
Thank you!
Love,
J. G. Villanueva
At ito ngayon ang simula ng Diary ng sales lady...
Thank you!
Love,
J. G. Villanueva