Diary ng sales lady entry no. 6
Highschool and College Crush
[***alam mo ba!? Ayoko na sana ikwento ang part na ito dahil hindi naman super interesting pero dahil nabangit ko sa last post..sige na, ikwento na din]
Highschool Crush
Hindi ko school mate si "Kuya Crush", ahead siya sa akin ng isang taon. Nakilala ko siya sa chess tournament noong grade six ako. Tapos noong highschool madalas ko siyang nakikita. Although, hindi kami nag-uusap. Hahaha. Tuwing tanghali habang nag-aabang ako ng tricycle pauwi ng bahay para mag-lunch, nakikita ko siya. Nahilig pa ako sa wattpad noong mga panahon na 'yon. Mala eksenang wattpad. Naniniwala ako noon na parang destined kami sa isa't -isa. Kasi naman sa dinami-dami ng mga tanghali at hapon lagi ko siyang nakikita. Hahaha [***ang korni diba!? Paano ako napunta sa ganoong conclusion??] Sa mga kabatch at school mates ko, wala akong pinili para pagpantasyahan. Iyong tipo na kapag nakita si crush ay all smiles at kinikilig. Iyong sinisipag daw pumasok kasi chance na makasilay. Ngayong naalala ko ang highschool peers ko, marami sa batch namin ang magagandang lalaki. Nangyari lang, na iba ang takbo ng utak ko.
College Crush
[***sa katunayan.. After College Crush] Bago ako magsimula bilang sales person, nagdesisyon ako na buksan ulit ang sarili sa idea ng crush. Kaya may napagtripan akong isa. Hayaan mong i-describe ko siya ngayon.
Si Mr. Crush ay isang tao na nirerepesto at hinahangaan ko ng bongga. Ang criteria kung saan siya nag top ay sa taas ng level ng self-confidence at taas ng level of intelect. Kung matagal ka nang nagbabasa ng mga post ko, dapat alam mo na na isa akong Mechanical Engineer. [***check mo ang unang singkwentang post para makarelate ka naman.] Sa iskul noong college, napapaligiran ako ng mga magagandang lalaki. [***sa mga prend kong pogi, shout-out sa inyo hahaha miss ko na kayo huhuhu] Ang sikreto kung bakit wala akong crush noon ay dahil nagtayo ako ng invisible barrier. Sa pagitan ko at nang mga cute/pogi/crush material na nilalang. Hahahaha kasi kako, unsafe.. Mag-aaral lang akong mabuti. Lakompake sa crush noon.
Dahil wala akong picture ng mga crush ko, eto na lang.. Crush Gear na lang muna |
Love,
J. G. Villanueva