Diary ng Sales Lady entry no. 7
Hello,
Good Day!
I’m pretty torn thinking about a dilemma.
Habang ang history ng
career ko ay iilang buwan pa lamang, October 2019 to January 2020 para sakto.
Meron akong interesting puzzle na ikukwento sa iyo.
October 2019
Almost two months after kong makapasa ng board exam at ilang
linggo na din na pagala-gala sa Manila para maghanap ng trabaho. Nagdesisiyon
akong tumanggap ng isang crazy job offer.
Tinawag ko iyon na crazy
job offer kasi alam ko na may nakasabit na medyo challenging circumstance.
Tinanggap ko, kahit
may posibilidad na ma-outcast ako sa big circle of family.
“Iyong Engineer na hindi nagpaka-Engineer…pinili niyang maging tindera”
Kung paano napunta ang interes ko sa sales?
Please read this post for more information about: Why Choose Mechanical Engineering
Nag-inquire ako sa aking dream company: Solar.ph
PSME
Natcon 2018, Nagspeech ang president ng kumpanya sa student conference.
Tuwang-tuwa ako kasi naka-relate ako ng bongga. Bukod sa isa sa mga pangarap ko
ang maging expert key note speaker kaya attentive ako pakikinig ng mga speech,
sadyang maganda ang content na binabato niya. Humanity plus ang
non-conventional energy. Na-maximize ng solar panels ang energy ng araw. Mula
sa internet natutunan kong ang hinhanap nilang employee ay on sales o marunong
sa Autocad.
Nagpunta
ako sa ilang random interview na tumawag sa akin mula sa random selection ko ng
pagpapasahan ng resume. Nagpunta ako out of curiosity: Kung paano makarating sa
lugar nila? At mayroon akong valid reason para makalabas ng bahay. Nakatanggpa
ako ng ilang remark na “sige, tatawagan ka na lang namin”. Polite way to say, “Hindi
ka tanggap dito”, kasi masyadong masakit kapag ganyan ang linya na bibitawan
nila. Nandoon na ako sa point na tinitingnan ko na sa Google Maps kung paano
pumunta sa office ng Solar Philippines para sa walk-in application.
Bago
ko simulan ang pagsunod ko sa panggarap kong maging bahagi ng Solar Phillippines.
Nalala ko ang isang job offer. “Technical Sales Engineer” sa Bataan para sa
isang starting company. Kaya nag-reconsider ako ng options. Offer is basic pay,
on provincial rate, home office, transportation, communication and food
allowance provided by the company. Isa pa open for enrollment ang isang AutoCad
Class sa Balanga. Malapit na siyang magsimula. Ang challenge; bitin ang budget
to enroll; ayoko nang manghingi sa mga magulang ko o sa iba pang mga
kamag-anak. Gusto ko na magsimula magtrabaho para pag-aralin ang sarili ng
AutoCad. Sa katunayan, sa first downpayment, si kaptid ko pa din ang nagbayad
dahil wala pa akong sweldo. Another curious thing is how does a company start?
Nakaka-intriga na malaman kung paano ba nagsisimula, nabubuo at lumalaki ang
isang kumpanya. Isang itong bold act ng proprietors mula sa perspective ko. Sa
Pilipinas, kung saan mga hapon, koraeno at intsik ang may ari ng kumpanya,
palagay ko kailangan ng bonggang tapang at lakas ng loob para sumabay at
lampasan sila. Afterall, Pilipinas ‘to, bayan natin to, kaya meron din namang
advantage. Sa part ko, it’s like hitting three birds with one stone.
Una: Makakapag-aral ako ng AutoCad
Pangalawa: Magkakaroon ako ng training sa Sales na related sa Engineering
Pangatlo: Masasaksihan ko ang build-up na isang company
And all is interesting at marami akong bagong natututunan.
Ano nang nangyari sa dilemma na binanggit ko sa simula?
Nag-karoon ako ng job opportunity sa Olongapo para magturo,
part time bilang senior higschool math teacher.
Wait…now that I think about it. Wala palang malaking problema.
Sa Lunes pa ang interview. Wala pang desisyon, sasabihin ba nila sa akin na “Sige,
hintay ka na lang tawag”. Kung sakali na ang sabihin sa akin ay “Congratulations!
You are hired. J” I
hope to have negotiated the best deal. Sa outcome na magagampanan ko nang tama
ang mga roles ko. Habang napapanatili ang well being.
Last thought: Nag-aalala ako sa sudden shift of interest..
from a sales person to a teacher. Ngunit, subalit, dapatapwat, ang teacher ay
sales person din. Araw-araw, binebenta nya sa mga estudyante na essential and
interesting ang topic na tinuturo niya.
Love,
J. G. Villanueva
P.S. After interview sa Monday, babalitaan kita.