Share this

Wednesday, October 9, 2019

Intangible factors [***sa universe ng isang reviewee]

Sample Universe of a reviewee
  1. Academics
  2. Tangible factors
  3. Intangible factors
Pag-usapan natin ang number three

Intangible factors

Graduation

Una ito. Dapat. Pero kung August ka kukuha ng exam. Malaki ang posibility na hindi ka pa nagmamarcha, nagrereview ka na. Medyo conflict sa schedule. Papasok ka ng make-up class dahil dito. 

Expenses

Pang-gastos is a must. Last time, nai-chicka ko na sa'yo yung nagastos ko. Kung hindi mo pa nabasa, visit the post Board exam preparation expenses. Note: approximate ang calculation doon. Depende pa din sa tao kung ano yung spending rate niya. For the most part, dahil on the road to being Engineer pa lang. Sponsored ka pa ni nanay o ni tatay o kung sino pa man ang nagbibigay ng financial support. Kung wala talaga[***sad😓], pahinga muna habang binubuno pa ang pang-gastos. 

Budget

Iba pa ang budget management. Hindi naman ito big deal. Pero pinag-iisipan din syempre. Gagamit ka ng ilang MB ng utak. Dapat husayan ang budget management para umabot hanggang sa exam.

Schedule

Nagplano ako ng schedule bago magsimula ang review. Natawa ako noong tiningnan ko ang initial draft ng schedule.


Schedule draft
Sinulat ko sa white board ang draft ng schedule. Natutunan kong sigurado ako sa tatlong bagay. 
  • Matulog
  • Kumain
  • Pumasok sa review center
Teka, ipinagbabawal ko na gayahin ang schedule planning na katulad nito. Masamang halimbawa.

Sa isang normal na araw ganito ang routine ko.

Routine

Naging out-put ng routine na iyan ay makikita sa May to August Calendar na matiyaga kong tinantusan araw-araw.

May
Green - Assesment exam [***ang exam na magpapaalala sa'yo kung gaano kadami na ang nakalimutan mo]
Yellow - Math lectures
Red - Weekly exams
No classes - Election

June
Violet - Pipe Lectures
Flesh - Yellow book evaluation

July
Blue - Machine Design Lectures
Violet - Pipe (Special Topics)
Pink - Pre-board
After ng Pre-board binigyan ko ang sarili ko ng bonggang bakasyon. Umuwi ako ng Bataan para sa fresh air.
Violet (yung ibang shade) - start ng Refresher (PIPE)

August
Pink - BOARD EXAM

White - No review days ko. Kapag wala akong sinulat sa calendar. Wala talaga 'yon as in. Hahaha [***ang dami kong white spaces.]Madalas ay Sunday.

No Classes - bumabagyo. Hindi din ako nagrebyu 'non. Nagpagulong-gulong lang ako sa kama. Maulan kasi, malamig, masarap matulog.

Kapag colorful ang box - madaming ginawa ng araw na iyon.

Reasons

May mga post ako about reasons. Read them if you have'nt yet. 
Tatlong post yan. 
Tsaka nauto ako ng libro ni Simon Sinek na "Start with Why". Isama mo na din ang fact na chess player ako kaya fundamental question talaga ang "Why?"

Isa sa mga dahilan kung bakit ko ginustong makapasa ng board exam ay dahil nagsusulat ako dito. Gusto kong isulat na, 
"Yow, tsong, nailusot ko na sa butas ng karayom ang board exam. Yeah! Alright! Thank you!"

Habits


Si Sir E ang unang nag-share nito. Kako ang husay ni Sir. Tapos nung minsang nasa twitter ako nakita ko ulit. Si Lao Tzu pala ang original. Tinandaan ko na kasi dalawang beses nang nagpakita sa akin iyong quote.

Health

Kasama talaga ang health. Tamang pagkain. Uminom ng madaming tubig. [***tubig ha, hindi empi, san mig o red horse. TUBIG] Matulog ng sapat. Eight hours idealy. Mag-exercise. Common theme iyong pagkatapos mag-review ay nagdadagdag ng timbang. [***taas ang kamay nung nagtimbang bago magsimula ang review at pagkatapos ng review, pustahan tayo nadagdagan yaaaan hahahaha]

Expectations

Habang nagsusunog ka ng kilay tuwing madaling araw paminsan-minsang dumadalaw ang expectations. Iyong Tito mo na nag-offer ng trabaho, kaya its a must na makapasa. Iyong bumbay na inutangan ni Nanay mo para makapagreview ka. Iyong mga kamag-anak mo na nag-aabang at naghihintay. May lay-out na nga ang tarpauline mo. Naghihintay na lang result kahit hindi ka pa nag-e-exam. Baka mamaya wala ka pang-NOA. Masusubok dito ang strength mo as an individual. Kung gaano ka-flexible ang imagination. Sana ang mga expectation na ito ay magsilbing inspirasyon.

Faith

Nasa big equation si God syempre. Hindi ko muna hihimayin dito ang faith. Kailangan ko pang pag-aralan 'to ng mabuti.

Future

Maiisip mo na din kung ano ang significance ng mga pinag-gagawa mo para sa future. Anong trabaho kaya ang papasukan? Magkano kaya ang sweldo? Gaano kabilis bago mabawi ang investment ng parents mo para sa iyo? Paano kung ayaw mo magtrabaho? Paano kung gusto mo maging Entreprenuer?

Focus

Focus! Hayaan mo muna ang future. Dadating at dadating naman 'yan. Mabuting pinag-iisipan ang future. Pero wag kang tatambay sa futute. Be aware of where you focus your attention.

You always get more of what you focus on in life. -Paul McKenna

Now 

Ito ang best time. Time: NOW
Make the most out of every "now" beacuse if it becomes then: "then" is an end of a "now" when we can do nothing, except to learn. "Now" is the time where we can make a difference.
[***omg, pa deep! Saan ko nahugot yan? Hahahaha]

Spirit

Hmmm.. Nakalimutan ko kung bakit ko sinulat 'yan.. [***hahaha]

Positive spirit siguro. Iyong energy. Tungkol sa mga iniisip natin. Kung saan babalik tayo sa habits na connected din sa faith. Iyong essense nang pagiging magkakarugtong na parang threads. Interconected tayong lahat. Ano man ang gawin mong mabuti para sa sarili, ay magre-reverberate. Madadama iyon ng kapwa. Iyong simpleng encouragement. Iyong pagiging connected in a deeper way. [***ano daw?! Anong kinalaman ng spirit diyan? Hahaha di ko din alam.]

Belief

Sa dami ng nabasa kong psychology books medyo solid na ang concepto ko ng belief. Unawain muna kung ano ang inner beliefs. Unique tayo. Similar but different. Sa board exam perspective: Believe you will pass. But belief/faith alone is empty. You need to act. 

Doubt

Kapartner ito ng paniniwala. Iyong pagdududa. Opinyon ko lang 'to. Sa simula magdududa ka muna. Kapag na-overcome mo na ang pagdududa saka mo pa lang ibibigay iyong tiwala. May mga pagkakataon sa review na magdududa ka kung nasa tama ka pa ba. Iyong effort na binibigay mo ay dapat lang ba? Lalabas kaya sa exam iyong mga inaaral? Tama ba iyong strategy mo sa pag-aaral? O kung nasa pursuit ka ba na aligned sa desire ng puso mo? Ang mabuti dito ay may reminder tayo. To be in line. To be back on track.

Pressure

Kapag iyong doubt ay lamang sa belief sinisilang ang pressure. Para alisin ang pressure dapat balance ang buhay. Iyong standard pressure lang [***@1barg /101.325Kpa] Madadala ito ng isang emotionaly intelligent person and you are one of them.

Support

Sa journey na ito ay may makakasama ka. Mula sa suporta na ibinibigay nila, kakayanin. Lalaban. Makakatapos. Suportado ka ng pamilya, ng mga kaibigan, ng school at ng review center.

Love

Mahal ka ng lahat ng sumusuporta at naniniwala sa iyo. Mahalin mo din ang sarili mo. Mahal kita, kasi nabasa mo 'to. Umabot ka dito sa dulo. I'm so proud of you. [***baka habang nagbabasa ka gusto mo na akong batukan sa mga kung ano-anong pinagsasabi ko, pero nandito ka na dulo ng essay] Thank you!!

Excitement

Magandang state of mind ang pagiging excited habang lumalapit ang exam day. Para ka kasing tatalon sa cliff, kapag board exam. Madaming uncertainties, pero naghanda ka. May faith ka, kaya tatalon ka to get to the other side. Pagkatapos nito, taas noo mong pwedeng i-claim ang apat na letrang madadag sa pangalan mo. "ENGR". Mangyari man na sa pagsubok ay hindi mo agad makuha: Laban lang ulit. Huwag kang susuko. Kaya yan!

Persistence is a virtue

Love,
J. G. Villanueva 💕