Share this

Thursday, October 10, 2019

Tangible Factors[***sa universe ng isang reviewee]


Universe of a Reviewee

Tangible Factors

Ito muna sana: Welcome to the universe of a reviewee


Tangible Factors

Represented by number two at kulay green sa universe. Mga elements na may physical form. Nahahawakan. Madaling gawan ng visualization.

Utak

Hindi nahahawakan ang utak, pero may physical form. Nasa upper part ng katawan kung nakatayo ka ng normal. [***kasi kapag naka-hand stand ka, ibang usapan yon hehe😂] Oddly enough, kahit hindi ka pwedeng mabuhay ng separated sa utak, pwede kang mag-exist as if hindi mo kasama ang utak mo. Getz? Halimbawa: Naka-upo ka sa lecture room. Nakabukas ang notebook sa harap at may hawak kang lapis. Nag-tuturo si Sir tungkol sa Steam turbine. Nakatingin ka sa board at nagsusulat occasionaly kapag may interesting thoughts na kasulat-sulat. Tapos bigla mong naalala ang pizza sa dorm na hindi mo nakain dahil napasarap ang tulog mo. Paggising mo alaskuatro na. May ilang minuto ka lang na pwede i-spare para ihanda ang sarili. Kung pareho tayo mananalo ang idea ng pizza kumpara sa steam turbine. Physically nasa lecture room ako pero ang utak ko ay naglalaro sa idea ng pizza. [***ayos ba? cute na analogy ko] Which links us back to focus. 

Ililipat natin ang utak sa intersection ng subcategory. Sa Tangible/Intangible zone ang utak. Sa mismong araw ng board exam, siguraduhin mong nakain mo ang pizza na 'yon para walang ibang pupuntahan ang utak mo. Focus lang sa exam.

Puso

Katulad ng utak, hindi nahahawakan ang puso. May physical form din. Pero iyong iba, pinapamigay ang puso. Depende sa pag-aabutan, kung iingatan o hindi. "❤️" Ito ang emoji na puso. Kung paano naging ganyan ang symbol ng puso ay isang topic na nasa list na subjected for research. 

Puso


Importante ang puso. Kung naipamigay mo, ng buong-buo ang puso mo, I advise na bawiin mo ang certain percentage nito. Lalong-lalo na sa exam days. Dumarating ang pagkakataon na sinubok mo na ang lahat; calculator techniques, reverse engineering, nahalungkat mo na din ang looksfam data bank at kung ano pang tricks na alam mo pero wala ka pa ding sagot. Gagamitin mo na ang puso. 

Tulad ng sabi ng kaibigan ko nung tinanong ko siya kung paano ang chamba technique niya, ganito daw:

Basahin mo ang tanong at choices. Tapos papakiramdaman mo. Halimbawa pagkabasa mo ng choices, sa letter "D" tumibok ang puso mo, tentative answer na 'yon.

Iyong tentative answer na sa huling isang oras ng exam ay sha-shadan mo na din, bilang final answer. Pusuan mo lang. Ilalagay din natin ang puso sa Tangible/Intangible zone.

Tangible/Intangible Zone


Friends

Karamihan sa regular reviewee ay nag-eenrol kasama ang mga kaibigan. Normaly, kasama talaga ang friends sa universe.

New friends

Depende sa personality ng reviewee. Meron mga super friendly at meron ding lakompake. Inaamin ko na nabibilang ako sa "lakompake". Highly introverted para maganda pakinggan pero kahit ganoon: Makaka-attract ka pa din ng mga kapwa reviewee na ka-wave length mo. Somehow magkakasundo kayo. Posibility din na ang new friends mo ay galing sa dorm. Which, in my case I happened to be blessed with excellent dorm-mates. MMGers [***I miss you friends]

Family

Kahit ano pa ang depinisyon mo ng pamilya palagi silang kasama sa thoughts mo. Si Nanay, Tatay, Ate, Kuya ...etc. Dapat naman, hindi sila kinakalimutan. 

School

Dala mo ang pangalan ng eskwela. Suportado ka ng school dahil ang output mo ay output din nila. May pagkakataon na bibisita sa dorm ang mga prof para kumustahin ang future engineers. Masaya 'yon. Sobrang appreciated ang maliliit na pagpapakita ng pagmamahal at pag-alaala.

Other School

Sa review center makikita mo ang mga estudyate mula sa ibang mga school. Ako personaly hindi ko binigyan ng gaanong atensyon ang ibang school. Napapansin ko iyon tuwing tumitingin ako sa List ng weekly exam Top performers. [***ahhh, meron nga naman palang ibang school]

School mates

Usually nasa same sched kayo ng school mates mo kaya parang college lang ulit. Same faces. 

Review group

May iba-ibang paraan kung paano nabubuo ang review group. Pwede ding review partner or solo review lang. Halimbawa kabilang ka sa isang review group. Isa sa mga probability ay binubuo ang grupo ng friends at new friends mula sa school mates at other schools.

Factions

Sub-group within a group. Hmmm.. Hindi ko pa kumpirmado kung legit ba ito. Observation ko lang. [***baka mamaya scam ako, ikaw na bahala mag-judge] 

1. Regular
Nagsasama-sama ang mga regular reviewee by default. Regular as in no failed subjects, graduated on a regular basis at first take.

2. Irregular
Faction ng mga irregular students: iyong nakatapos later than what society dictates to be ideal. 

3. Retakers
[***hindi na siguro kailangan ipaliwanag 'to]

4. Weekends
Sila ang mga reviewee na employed kaya weekend lang pwede pumasok

Ang mga irregular at retakers ay nagsasama-sama minsan. Maliit na percentage sila kumpara sa regular. Merong gap between them. Na parang ang mga regular takers ay high and mighty. Matatalino 'yan. At parang nasa lower level ang mga irregular at retaker. Bihira naman na may magsasabi sa'yo na, "Retake ako". Common theme na itago ang katotohanan na ito. Parang dark secret na itatago sa lahat. Ewan ko kung ako lang o iyong iba naramdaman din nila 'yon.

Malaking kalokohan. Pinipili kong maniwala na ang value ko ay depende sa kung anong value ang binibigay ko sa sarili ko. Pwedeng magbigay ng opinyon ang ibang tao. Irerespeto ko iyon pero may kalayaan akong pumili. My value is not measured by intellect alone. Madaming dimensyon ang pagsukat sa sarili. At sa ibang araw natin pag-usapan 'to, dahil nalalayo na tayo sa topic.

Exam

Board exam

PRC - Professional Regulation Commission


Registration

Ang process na sisimulan mo online at dapat inaasikaso agad para iwas hassle. Sa dulo ng proseso ay makakatanggap ka ng bondpaper na hinati crosswise kung saan nakaprint ang mukha mo in black and white ink, sa upper right corner. NOA kung tawagin. 

NOA - Notice of Admission

Importanteng piraso ng papel. Note: Bawal itong mawala.

Calculator

Casio 570 sa batch ko. Sa mga susunod kaya?

Lapis at eraser

Sandata sa exam

White polo shirt

Uniform sa exam. Tuck-in.

Dorm

Kung nasa dorm ka na college pa lang, then congrats! Naligtas ka sa adaptation phase. Ako kasi buong student life ko ay sa Bataan. From kinder to college. Kaya sa review may transition stage pa ako.

Food

The best syempre ang luto ni Nanay sa bahay. Ngayong nagsusulat ako, bigla ko na-alala iyong sumisigaw sa Khoopalogs. [***creative name para sa isang karinderya] Kain na! Kain na! Kain na! Kain na! Parang barker ng jeep na nag-aaya ng pasahero. Effective 'yon, madami kumain sa kanila. 

Water

Dahil malakas akong uminom, thankful ako doon sa kuya na nagdedeliver ng tubig sa MMG. Ayon sa research mahalaga sa atin ang tubig. Lalo't higit sa mga taong utak ang puhunan. Water is a must.

Laundry

Kapag nasa Manila, namimiss ko din iyong batya sa labahan namin. Pati iyong mga sampayan, ipit at hangger. [***hahahah weird nuh] DIY Laundry, kwento sa labahan.

Load: Data/Wifi: Electricity

Bills na hindi ko iniintindi kapag nasa sariling bahay. 

Conclusion

Ang tangible factors ay bahagi pa lamang.
Segment lang ito ng universe ng isang reviewee. Maliit na segement. Maliit, pero significant.

Love,
J. G. Villanueva💕