Share this

Sunday, July 7, 2019

Sa isang normal na araw, ganito ang routine ko





May dalawamput apat na oras sa isang araw

[***alam naman ng lahat yon diba?]

Walong oras akong natutulog. Tatlong oras na pumapasok sa review center. Average na tatlong oras para sa self care routine, pagkain, pagligo, pagtae etc... Iyong ibang oras ay para sa pagsosolve ng take home at sample problems; pagbabasa ng terms at pagsusulat ng formula.


Ang boring pala ng normal kong routine?! 

Tuesday to Friday ang ganyan kong gawain. Tuwing Lunes, weekly exam 'yon. Kayalang madalas nasa byahe ako pabalik dito sa dorm. Mula sa kung saan mang lupalop ng Pilipinas ako naggala ng weekend. Variable ang Sabado ko. May mga pagkakataon na pumapasok ako ng Sit-in sa umaga. Lalo na kung uuwi ako sa Bataan. Sit-in sa tanghali kung sa Sucat ako pupunta. Minsan sa regular schedule ko na 4 to 7 pa din. Kapag wala ako sa dorm malamang na hindi ako magrebyu. Basa ng terms na kaunti pero majority ng Sunday ko ay distracted sa kung ano-ano. Lunes ako bumibyahe pabalik sa dorm. Everyweekend bongga ang break ko. Proud ako sa isang bagay. Present ako sa review everyday. 

To sleep is my favorite

Paborito kong part ng normal na araw ay ang pagtulog. Dahil sa mga adventures ng panaginip. Alam mo ba? Lahat tayo ay nananaginip. Wala lang tayong training sa pag-alala sa kung ano ang napanaginipan. Ayon sa pag-aaral, pwedeng matutunan kung paano alalahanin ang mga panaginip.

Sa tatlong oras kong pag-upo sa loob ng lecture room, kaunti lang ang isinusulat ko. Nakikinig lang ako ng mabuti sa teacher. Binibigay ko sa kanya ang buong atensyon ko. Iniiwasan kong mag multi-tasking. Sa dorm na ako nagsusulat, kung saan magsusulat lang ako, focus sa pagsusulat. Saludo ako sa mga katabi ko na mahuhusay magtake down notes. Astig sila kasi efficient sila sa multi-tasking. Dahil ako, pinipili kong makinig ng mabuti sa lecture at saka na magsulat.

Ayan na lang muna,
Salamat!

Love,

J. G. Villanueva