Tama ba to?
Iniisip ko kasing ikwento sa'yo yung mga teacher namin dito sa review centre.
Itago natin sila sa mga variable.
- Sir A
- Sir B
- Sir C
- Sir D
- Sir E
- Sir F
Dahil magkukwento ako dito ng walang paalam mula sa aking mga Sir, nasasa-iyo na bilang mambabasa kung maniniwala ka sa akin o hindi. [***ito po ay pawang opinion ko lamang]
- Nagdecide ako na favorite teacher ko ang current teacher
- Mahusay silang lahat
- Comment ko? Amazing!!!
Susubukan kong ipakilala sila isa-isa
Sir A
Sa first lecture, hindi nagpakilala si Sir. Introduction ng Algebra at ang ganda ng power point. Nagsulat siya ng three digit number sa upper right corner ng white board (bilang ng araw bago mag-board exam) at bible verse sa left corner.
Sir B
Second Lecture. Sinulat ni Sir ang full name niya sa board. Aba, at eto naman si ako na hindi mahilig mag take down notes ay napakopya. Sinulat ko sa notebook ang full name ni Sir. Kako, mamaya i-add kita sa facebook. Sa bandang gitna pa ako naka-upo. Ang first impression ko ay malabo. Mga batok at bumbunan ang nakikita ko. But his rating is still excellent.
Sir C
Amazing ito dahil hindi siya gumagamit ng power point. Hinuhugot niya sa dulo ng white board marker ang mga formula at constant. Amazing! Pinaka remarkable sa akin ang way niya ng pagbigkas ng number "4" f'our'. May emphasis sa "f" at "r". Pero astig dahil sa maganda ang flow ng pagpapaliwanag niya. Lalo noong ituro niya ang spherical trigonometry.
Sir D
Sa mahigit isang buwan kong pagpasok sa review, isang beses ko pa lang siyag naging teacher. Ayon sa aking obserbasyon, kabado si Sir noong araw na iyon. Ewan ko kung true ba or feelingera lang ako. Inregral Calculus ang topic na tinuro niya.
Sir E
Pangalawang kita ko na sa kanya nang ituro niya ang application ng Differential Calculus. Related rates atbp. Ang galing, naintindihan kong mabuti. Noong sumunod na pagtuturo niya sa amin ay Economics. For some odd reason ginamit niya ako sa example. Nagtitinda daw ako ng dvd, siguro mukha akong bumbay. [***hahaha inicxzs]
Sir F
Unang beses kong pumasok bilang sit in ng maging teacher ko siya. Sa likod ako naka-upo. Advance Math ang topic. Si Sir ay maykamukha na Running Man Member. Si Jae Suk.
Overall rating
✴️✴️✴️✴️✴️
5 star silang lahat sa akin. At naniniwala ako na ang pagkatuto ay malaking porsyentong responsibilidad ng nag-aaral. Sabi nga nang kaibigan ko "Nasa umiintindi 'yan, kahit sino pa ang magturo"
Salamat!
Love,
J. G. Villanueva