Sa Arellano University
Sabado, July 13, 2019
Preboard day one: Power and Industrial Plant Engineering
Fresh na fresh pa sa aking utak ang mga scene mula sa 2006 movie na, "Facing the Giants". Ang sabi ni teacher, one day bago mag-exam dapat mo nang i-relax ang utak. Manood daw ng movie. Kaya pinanuod namin iyon, kasama ko si Janela at Christal. [***my beloved room mates]
Maaga ako nagising. Three thirty ng umaga buhay na buhay na ang diwa ko. Umiinom na ako ng kape sa hallway. [***excited ako ihh hahahaha] May isang kuya na accountancy doon, mabilis siyang sa nagpipindot sa kanyang calcu. Pre-board din nila.
Walang tubig mula sa gripo. Ang goodnews, may tubig sa mga drum. Solved ang tubig crisis. Ako ang unang naligo. Hanggat tulog ang majority ng mga babae, nauna na ako. Ayaw kong makipagsabayan sa kanila. Pagkaligo, sinuot ko iyong highwaisted pants at plain white polo shirt. Tucked-in dapat. Pinatuyo ko ang buhok at pinusod. Nagsuot ng sapatos at lumarga.[*** teka, hindi, naglipstick muna pala ako, hahahaha]
Sumakay kami ni Jonie ng jeep na biyaheng Pasig. [***si Jonie ay new friend ko, schoolmate from BPSU] Bumababa sa Arellano University. Nag-log-in sa listahan ni Kuya Guard at humanap ng matatambayan habang naghihintay ng oras.
Sa Plaridel Building, Rm. 307 ang room assignment ko. One sit apart. Malamig sa loob ng kwarto. At nag-eevaporate ang kaba ng mga future licensed Mechanical Engineer.
Hindi na kita kukwentuhan ng exam particulars. Lumabas ako ng room na ang pakiramdam ay nagugutom. Wala akong baon na kahit anong snack o tubig. Ang huling kain ko ay alaskuatro ng umaga pa. Isang kanin at dalawang pirasong shanghai lang ang baon ng sikmura ko.
Pabalik, sumakay kami ng biyaheng Quiapo. Easy road trip. Maling jeep ang nasakyan namin ni Jonie. Umikot pa sa Pasig ang jeep. Sa Recto kami bumaba. Ang tamang jeep na dapat sakyan pabalik ay byaheng Divisoria.
Linggo, July 14, 2019
Pre-board day two: Math and Machine Design
Repeat lang ng kahapon ang morning routine ko. Add mo lang sa experience si Kuya na ka-dorm ko. ME din siya. Kayalang ang malupit doon, lumabas siya ng kwarto na topless. [***my jaw droped hahahaha ganda ng upper body niya] After sometime, nag-t-shirt din siya. Siguro napansin niya ang presence ko. Narealize niya na kahit maaga pa meron ng gising.
Tapos naglakad kami ni Jonie papuntang Arellano. Malapit na kami sa AU ng makakita kami ng aso na binaboy. Bumaliktad ang sikmura ko doon. Wakwak iyong tyan ng aso. Madugo. Labas ang intestines at nakaka-awa.
Pagdating sa exam room, iba na ang proctor. Nagsimula kami ng seven thirty. Pumasok sa room si Sir Adrian. Nagdrawing siya ng wall tapos may ladder. Problem no. 58 sa Set A, hindi kasi provided sa question sheet. Naglunch ng twelve thirty then resume na one thirty para sa Machine Design. Alaskwatro y media ako nagpasa ng papel. Kumukulog na at wala akong payong. Iniiwasan ko na abutan ng malakas na ulan. Pabalik, nasakay na kami sa tamang jeep.
Iyan ang two-day pre board experience ko.
Love,
J. G. Villanuevađź’•