Share this

Sunday, June 30, 2019

The paradox of a common "cr" at iba pang kwentong "cr"





Sa dorm kung saan common cr tapos frosted glass ang dividers


[***natutunan ko ngayon lang na frosted glass ang tawag sa malabong salamin doon sa cr]

Alam mo kung anong malupit sa common cr?



BABALA: [***teka, baka kumakain ka, or kakain ka pa lang o maselan ka sa mga kadiring usapan; pakiusap tumigil ka na sa pagbabasa dahil ang topic na ito ay "gross". Pero kapag kausap mo ang tunay na kaibigan mo, normal na usapan lang yon. Kasi lahat naman tayo tumat**]


So ayun, tapusin na ang pagpapanggap.

Dalawa sa mga pinaka cool feelings na-available para sa lahat
  1. After ligo feeling
  2. After tae feeling

[HAHAHAHA]

Ang pinag kaiba ng cr sa bahay at sa cr dito sa dorm


Sa bahay:
  • Sa amin kasi, hiwalay ang paliguan sa palikuran. Dalawang pinto 'yon.
  • Tapos kapag umaga, dalawa lang kami ng kapatid ko na gumagamit. 
  • So mahina ang competition

Sa dorm:
  • Hiwalay din naman, kaya lang nasa loob ng isang malaking enclosure. 
  • Madaming user
  • Malakas ang competion
  • Madalas habang may naliligo, may tumatae, may umiihi, may nagto-toothbrush o may naghihilamos [***o diba ang galing sabay-sabay]

Pero meron akong tanong: Bakit frosted glass ang divider ng showers?

Nandoon kasi 'yong feeling na kapag naligo ka ay pwedeng kang mapanuod ng madla. Nakaka taas ng level ng conciousness sa sarili. Kahit pa sabihin na babae din ang naliligo sa kabila ng salamin. Nasa isang sulok ng isip din ang curiousity na gaano kalinaw ang silhoutte na nakikita mula sa likod ng salamin. May ibang naliligo na naglalagay ng pansamantalang harang sa salamin. Meron ding banyo diva. Kumakanta habang naliligo. May nagdadala ng speaker at nagpapatugtog ng  sound track ng the greatest showman. 

Ibat-ibang technique ng paggamit ng banyo

  1. Bukas gripo technique - maaksaya sa tubig
  2. Buhos agad para di mangamoy 
  3. Loud speaker to conceal the drop sound - the most recommended
  4. Wala akong pake - pasabog lang kung pasabog

Bilang isang former varsity player madami akong experience sa ibat-ibang cr.

Hanggang sa susunod na kwentong CR. Salamat!

Love,





J. G. Villanueva