Share this

Saturday, June 29, 2019

Umuulan ng swerte! Thank you!! 😚




May mga oras na nawawalan kami ng tubig ngayon dito sa dorm


Nakaka-stress ng kaunti. Ako, chill lang alam ko kasing madaming tubig sa mundo, hindi tayo mauubusan. Sa palagay ko improper allocation lang. 

So, bakit umuulan ng swerte?


Napag-isip-isip ko lang....
Abot langit ang pasasalamat ko sa pamilya ko. Sobrang swerte ko dahil sa kanila. Who am I, if I am without them. Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na ma-experience ang kagandagan ng mundo. Nagpapasalamat ako sa extended family(e.g. Tito, Tita, mga pinsan), dahil sila ang pumupuno sa mga pangangailangan ko. Salamat sa kapatid ko sa moral at financial support. Thank you so much sa aking familia!!!

Noong mga panahon na gusto ko nang sumuko at bumitaw sa iba kong pangarap; tinulungan nila akong kumapit


Binigyan nila ako ng pagkakataon na magsimula muli. May suporta akong pinansyal at emosyonal. Nakakakain ako ng sapat sa araw-araw. Nakakatulog ako ng sapat at maayos gabi-gabi. Nakakapasok ako sa review centre. Nakakapag-take ako ng weekly exam tuwing lunes. Tuwing iniisip ko ang mga bagay, pakiramdam ko umuulan ng swerte. To the point na solid ang paniniwala ko na kaya kong makuha ano man ang gustuhin ng puso ko.

Nagpapasalamat din ako kay "G". Sobrang swerte ko po, hindi ko alam kung anong nagawa kong mabuti at inuulan ako ng biyaya. I love you G!

Malapit na ang pre-board exam


Sa July 13 at 14 na. Isang linggo na lang din ang regular review. Kanina nagsimula na kami sa Machine Design. Pitong araw lang daw tatapusin ang Machine Design. Nagpalista na din ako para sa pre-board. Tonight, I am truly feeling lucky. I can't explain why. Back log ako sa pagsosolve ng sample problems at take home problems. Bitin pa din sa pagbabasa ng terms. Nalilito pa sa mga formula at conversion of units. Pero relax lang, everything is good.

Love,

J. G. Villanueva