Share this

Saturday, June 15, 2019

With a hit???




Nag-asikaso ako ng NBI clearance


Pangalawang beses ko nang kumuha ng NBI clearance. Una sa probinsya tapos kanina sa Ermita. Background music si Jennie na kumakanta ng "Solo".🎢🎢🎢[***kasi nag-asikaso ako and I'm solo]

Step 1. Online
Step 2. Pay

Nagpanic ako ng about two seconds. Magbabayad ako sa 7 eleven pero sa kasamaang palad may conflict na hindi ko maipaliwanag. Hindi pwede sa seven eleven. Mabuti na lang may BDO online "we find ways" ika nga nila. [***nope, ang post na ito hindi sponsored ng 7/11 o BDO o NBI, trip ko lang magkwento] Naasikaso ko naman ang online payment. Galing ako sa 7 eleven sa R. Papa tapos naglakad ako papunta sa LRT 2 sa Recto. Pagdating ko doon lakad pa ulit ako papunta sa LRT 1 sa D. Jose.  

Alam mo kung ano ang challenge sa akin sa LRT


Inertia, pinahirapan ako ng inertia. Maliit ako, mahirap magpanggap na abot ko ang mga hawakan.  Kumapit ako sa poste, nga lang pasmado ang kamay ko walang grip. Dumudulas dulas lang. Tumayo ako ng nakatikas pahinga. [***iyong tayo na medyo naka bukaka para malaki ang base ko] Tapos sinasanabayan ko ng timing ang galaw ng tren para kontrolado ko. Hahaha Pero meron pang isa. Secret lang natin to ha! Nakasuot ako ng loose na t-shirt kanina. Ibigsabihin kapag tinaas ko ang braso ko makikita iyong kili-kili. So ano naman kung makita nila. [***HEHEHE hindi ako nagtanggal ng buhok sa kili-kili πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚] Nakarating naman ako ng maluwalhati sa UN ave. Tatlong guard ang kinausap ko bago ako makarating sa NBI. Pagdating ko doon mabilis ang proseso. 

Step 3:
Biometrics - picture at finger print. Hindi ko nakita ang picture, palagay ko mukha nanaman akong natatae sa picture. Pumirma sa maliit na screen gamit ang stylus. Nabasa ko sa monitor: With a Hit. Hala! Ano ibigsabihin non? O baka na malik mata lang ako. Tinatakan ang papel ko na may sulat ng reference number bumalik daw ako after a week.

Ngayon nasa dorm na ulit ako. Papasok ako mamaya sa lecture room para sa simula ng PIPE.

From R. Papa to Ermita and back

P. S. Nakapag side trip pa ako niyan sa Issetan at sa National Bookstore. 

[***hahaha naka-activate ang dora mode]



J. G. Villanueva