"To provoke"
Nagsearch ako kung anong ibig sabihin ng enganyo. Sa lahat ng nabasa ko may isa akong tinandaan; "to provoke"
Well, sabi ko diba kwentong review tayo ngayon. Nasa review ako nang masabihan ako na mukhang lalaki, kaya na provoke. [***Hahahaha]
Sinong babae ba ang hindi ma-trigger kapag natawag na "kuya" or mapagkamalan na lalaki. Sino? Sino?? Sino dali??? Ipakilala mo naman sa akin please. And I salute to that woman.
Kahit pa joke lang 'yon
The damage has been done. Rather, the inspiration was already set on fire. Alam mo noong una, nainis talaga ako. Masamang biro. Huwag. Huwag na huwag niyong bibiruin ang isang tunay na babae at sasabihan na mukha siyang lalaki.
Dahil diyan, nabuo sa utak ko ang tanong:
Paano maging babae?
Actually, wala sa article na ito ang matinong sagot.
[***Wala akong maisulat kaya pati rants ko nasa blog na]
To introduce myself and my womanly routine:
- Natuto akong gumamit ng liptint dahil napagkamalan akong "kuya" sa jeep.
- Tapos tuwing nasa bahay ako hindi ko ugali ang magsuklay at mag-ayos.
- Nasa same building ang lecture room at ang dorm namin; kaya feeling ko nasa bahay lang ako.
- So minsan pumasok ako ng di nagsusuklay at nagaayos ng mukha.
- Ayun nasabihan ako na mukhang lalaki :(
[***Teka bakit may number pa yan. Parang mali]
Ang gusto kong puntuhin ay nagpapasalamat ako, dahil na-enganyo ako para mag-ayos ng sarili. Hulog siya ng langit dahil nagkaroon ako ng motivation para magpakababae. [***iyong magandang babae HAHAHAHAHA]
About review:
Naka twenty lectures na kami sa Math at apat na weekly exam. Natapos ko na ding buklat buklatin ang yellow book(math terms). Nakatanggap ng one hundred items na assignment after every lecture. Nagpatripan ng teacher. [***hahaha kasama talaga 'yon] Power and Industrial Plant Engineering is next. One down, two more to go. Fighting!!
Salamat!
J. G. Villanueva