Share this

Sunday, June 2, 2019

DIY Laundry




Hello!! hello!!

Kumusta?

Hahaha

Nandito ako ngayon sa Laundry shop


May option dito na full service at self service. Pinipili ko ang self service. Pinapanuod kong umikot-ikot sa washing machine ang damit ko. Libreng tambay na din. Para lang maiba ang environment ko. Palagi na lang kasi akong nasa kwarto.

Mahirap magpanggap na nag rereview dito


Dala ko iyong "yellow book". Math terms ito. Habang palabas sa TV ang "Magandang Buhay" at maingay ang mga sasakyan. Distracted ako. Binaba ko na ang libro at ngayon ay sinusubukan kong gumawa ng matinong blog entry.

Kwentuhan na lang kita tungkol sa weekly exam


Weekly exam three last Monday. Mahirap. Umuwi ako sa Bataan. Namiyesta. Nakipagtawanan at kwentuhan sa mga pinsan noong weekend. Hindi ako nag-aral sa bahay. Kaya sasabihin ko sayo na mahirap ang weekly exam. Analytic Geometry, Differential Calculus, Integral Calculus, Differential Equations at Advance Math. Ang husay ng mga nagtuturo sa amin. Lalo na iyong mga calculator techniques. 

Its like magic.

Ang schedule ko ay four to seven pm. Bago mag-alaskuatro naghapunan na ako. Alam ko kasing mapapalaban ako. Fighting spirit lang ang baon ko. Tiwala sa review ko noong nakaraang linggo at tiwala na kahit hindi ko alam ang lahat; lalabas sa exam kung ano lang ang alam ko. HAHAHAHA

Alam mo ba?!


Hindi ako nag-uuwi ng maduming damit sa Bataan. Dahil ako din ang maglalaba doon. Isa pa, ayoko naman paglabahin pa ang nanay ko. Pangalawa, ayokong lumuluwas ng madaming dala. Gusto ko magaan ang bag. Naglalakad kasi ako mula D. Jose hanggang R. Papa. 

Ahhmmm,

Thank you so much sa laundry shop na ito!
Thank you sa iyo na bumabasa!
Thank you sa mga room mates ko!
Thank you sa MMG Dorm!
Thank you sa Prime Review Center!
Thank you sa mga Tita at Tito!
Thank you sa mga pinsan ko!
Thank you sa kapatid ko!
Thank you sa mga magulang ko!
Thank you kay G, sa Universe, sa Nature, sa Higher Power!
Thank you sa Creator of heaven and earth, the Omnipotent, Omnicient, Omnibus, One! 

[***sorry na kasi di ko alam kung ano pangalan NIYA, pero thank you talaga!!! 😍]


Hanggang sa susunod na kwento!
J. G. Villanueva