So ayun nga
Naka-upo ako ngayon sa loob ng lecture room. May kakaibang feeling sa tyan ko. Iyong feeling na hindi mo maintindihan kung natatae ka ba o nagugutom o nilalamig dahil sa aircon o kinakabahan. Kapag nagbabasa ako ng novel na romance ang genre minsan kapag kinikilg ang character ganito ang description "like there were butterflies on my tummy". Wala naman si crush sa line of vision ko at the moment.
Sa pagkakatanda ko dapat ikukwento ko sayo ang past review experience ko. Iyong first take ko. At natutunan ko na mahirap palang gawin iyon. [***HAHAHAH, kaya ngayon magsusulat ako ng kung ano-ano]
Medyo mahirap kasing isiksik sa schedule ko ng review ang pagsusulat ng blog [***kala mo naman may solid na schedule]
Naisipan kong gamitin ang oras na ito para magsulat. Teka paano ko ba ikukwento. Sa kasalukuyan, dismayado ako. Nakapost na kasi ang result ng diagnostic exam. Ang baba ng rating ko, tsyong. Mukhang bobo nga yata ako. Noong unang tatlong araw kasi puro exam lang. Diagnostic exam daw, para sukatin kung ano na ang alam namin. Ayon, nalaman kong wala pa rin akong alam. Sad. :(
Fifth day is special
May apat na araw na kaming binibigyan ng lecture. Math ang topic. Apat na teacher na din ang nagturo sa amin. Fifth day is special. May special prayer session. Inspirational at encouraging na words. Words are truly powerful.
Techniques
Sabi ng room mate ko na si Janela, effective daw ang pag-aaral for 25 or 30 mins tapos 5 mins break. Gusto kong subukan iyon. Challenging ang buhay ngayon. Ang sarap ng feeling ng tumitingin sa ranking doon sa wall. Gusto kong makita ang pangalan ko sa list. Kapag average ang score, number lang ang makikita. Mga wizard ang may pangalan sa listahan. Top schools at top students.
Wizard vs. Lizard
May dalawang klase daw ng reviewee. Ang mga wizard at lizard. Wizard ang mga may latin honors, quizer at dean's lister. Lizard ang majority.
Ako iyong "at" nasa gitna. Either wizard or lizard. Tao kasi ako.
Salamat!
J. G. Villanueva