Ang sundalo daw mas tumatapang kapag nasusugatan
Pangatlo ko na. Natatakot ako, oo. Kinakabahan habang naghihintay pero lalaban.
Noong una
Hindi ako kinakabahan. Nasa kalagitnaan ng pagrereview ng mabuo ko ang tanong na:
Bakit kailangan ng board exam?
- Legit ang magiging paggamit mo sa title na "Engineer".
- Priority ng mga kumpanya sa Pilipinas ang mga nakapasa.
- Mas mabilis daw ang promotion kapag may lisensya.
- Bilang pagsubok sa lima o apat o kahit ilan pa iyan na taon tayong pumasok bilang kolehiyo.
Iniisip ko noon, iyong kabaliktaran.
Bakit hindi kailangan ng board exam?
- Pagpasok natin sa trabaho. Mas mainam ang mastery sa isang area kumpara sa pag-alam sa tigkakaunting sa mga bagay-bagay.
- May angulo ang sistema na hindi pang masa.
- Napakalaking gastos.
- At the end of the day, hindi naman tayo susukatin sa board exam rating, passed or fail. Depende sa personal na standard mo ng success, doon malalaman kung tagumpay ba o hindi.
- Kung ang pagkuha ng board exam ay hindi aligned sa goal, maghanap ng ibang daan patungo sa gustong marating.
Na-imagine mo ba? Kalagitnaan ng review. Bandang second week of June 2018, iyan ang naiisip ko. Hindi ako kinakabahan. Wala nga akong paki-alam kung papasa ba ako o hindi. Dahil nandoon na ako sa gitna ng daan alanganin ng hindi tumawid. Tumawid nga ako, pero hindi ako tinanggap. Binabalik ako sa simula.
Simula mula mulala
Nagsimula naman ako ulit. Simula sa simula. Sa simula nanaman ng simula. Hindi kaya mulala?
Salamat!
J. G. Villanuevađź’•