Share this

Sunday, May 12, 2019

Techniques for memorizing




May ganon?


Sabi nila, may mga taong binayayaan ng walang kupas na talino. Iyong natatandaan lahat ang binabasa. Nakataas ang buhok mala Jimmy Neutron. May mga tao din daw na sadyang mahusay sa analysis. Magaling sa Math. Magaling sa solving. Oo, totoo at somepoint but I beg to disagree.

Ayon sa teacher namin, 60% ng top notcher ay nanggagaling sa mga lizard


[***So stuck ako sa mabagal na traffic at the moment. Best time para magsulat]


Hindi ako sigurado kung matutuwa ako sa paliwanag si sir. Bell curve daw ang presentation ng intelligence distribution ng mga estudyante nila. [***kapag sinipag ako mamaya pagdating ko sa bahay baka mag-drawing ako] Majority ang lizard kaunti lang ang wizard. May kaunti din na nalilito pa sa 2 + 2. Nakakatuwa kaso definitely hindi ako wizard. Therefore may chance ako para magtopnotch. Last time I check tao ako. Hindi rin ako lizard, cancel ba ang chance ko para sa pangarap kong maging top notcher? Hmmm. Gawan natin ng ibang kwento


Kung hindi ako wizard o lizard at claim ko na tao ako;


Ano ngayon? Muggle born ako. Oi, oi, oi. Remember Hermione? Mahusay na bata. Kung curious ka kung sino siya. Search mo na lang. Clue: character siya sa Harry Poter series. Siguro kapag nastuck ka sa traffic na mas mabilis ng kaunti sa pagong maiisip mo din ang mga naiisip ko. 


Whooo! Namiss ko ang bahay namin


Namiss ko ang kwarto namin ni ate.
Namiss ko maligo sa banyo namin.
Namiss ko tumae ng di nag-aala kung may makakadinih ba sa pasabog ko o wala.
Namiss ko ang pagkain sa bahay.
Namiss mo iyong kapatid ko.
Namiss ko ang mga magulang ko.
Namiss ko lumanghap ng fresh air.

Konting tiis na lang, makakauwi din.

Salamat!

Magbasa ka ulit sa susunod,

J. G. Villanueva

[***at na-realize ko, walang konek ang title sa content]