Madaming nangyari noong thesis days na hindi ko malilimutan
Taniman ng monggo |
Nag-iinit ang ulo ko sa mga kagrupo minsan
- Mock Defense
- Prototype testing part two
- Paano gagawin ang test kung nagpunta si leader sa seminar?
- Paano gagawin ang test kung nasa Mariveles pa ang prototype?
- Paano gagawin ang test kung wala ang mga group mates?
Mock Defense
Practice Defense iyon. Ginawa namin ang presentation para sa aming thesis adviser. Mahusay ang thesis adviser namin. May baon siyang words of encouragement para sa lahat ng grupo. May nakita siyang area for improvement para sa project. Gusto niya na gumawa kami ng ibang test. Para may data as evidence. Claim namin na mas mabilis at madali ang paglilinis ng monggo kung gagamitin ang prototype namin. Kumpara ito sa mano-manong trabaho na kasalukuyang ginagawa ng magsasaka. May mga gumagamit na din ng machine sa ibang lugar. Ayon sa ginawang research wala pa sa probinsya namin. Ang problema, aligaga na kaming lahat. May pre-board exam kami na dapat paghandaan. Final exams na din. Malapit na ang graduation pero hindi pa sigurado kung kasama kami sa magtatapos. Ang dagdag na trabaho ang pinaka-iiwasan ng lahat. Ginawa namin kasi dapat. Tama si Sir. Sa pananaw ko, sinusunod ang advice kapag isang mahusay na tao ang nagbigay. Naniniwala ako kay Sir. Naniniwala ako sa value na maaring idagdag ng tamang testing procedure.
Prototype testing part two
Prototype testing part one muna. Sa part one sinubukan namin ang machine sa paglilinis ng monggo. Ginawa ang ibat-ibang experiment. At nabuo namin ang conclusion na mainam ang makinang ginawa namin kumpara sa tradisyunal na proseso. Interview sa magsasaka ang ginamit naming basehan. Sa prototype testing part two kailangan namin ng actual data para tradisyunal na proseso. May dalawang paraan para makuha ang gusto naming data.
- Maghanap ng magsasaka na tutulong. Siya ang gagawa ng tradisyunal na paglilinis.
- Kami na mismo ang gagawa. Kahit hindi sanay. Kahit first time lang na maglinis ng monggo.
Subok na subok ang decision making ko noong thesis days. Ikaw? Alin sa dalawa na iyan ang pipiliin mo? Second option ang pinili namin.
Paano gagawin ang test kung nagpunta si leader sa seminar?
Nagkataon na natapat ang schedule ng seminar, sa prototype testing part two. Bawal na ang delay. Kailangan nang gawin ang test na iyon. Gumawa ako ng instruction sa papel. Naniniwala ako na kaya nilang sumunod ng step by step procedure. Alam kong kaya nilang magawa iyon kahit wala ako. Simple lang.
Its simple. The thing is simple isn't easy
Paano gagawin ang testing kung nasa Mariveles ang prototype?
Sa Mariveles namin binuo ang prototype. Tinutulungan kami ng tatay ng isang group mate. [***naalala ko iyong isaw na tinda nila. Ang sarap non] Nagdesisyon ako na ipadala ang prototype sa school. Maswerte at may kagrupo kami na may sasakyan. Nadala sa school ang prototype. Nakakuha din sila ng monggo sa bukid.
Paano gagawin ang test kung wala ang groupmates?
Breaktime sa seminar. Sa library ng main campus ginanap. Nasa campus na din ang prototype. Ang problema dalawa lang ang member na dumating. Pangatlo sana ako kung wala akong seminar na pupuntahan.
"I got really frustrated then."
Naiinis talaga ako. Hindi ko pa natutunan iyong technique ni naruto iyong may bunshin. Nawala sa loob ko na magpaturo sa groupmate kong ninja. Kung kaya ko lang iyon, iiwan ko bunshin ko sa seminar para matutunan niya ang tungkol sa intellectual property rights. Makakapunta ako sa prototype testing part two kung kaya kong hatiin ang katawan ko. [***nagsusulat lang ako ngayon pero nararamdaman ko iyong inis ko that time] Alam mo kung bakit ako nainis? Kasi akala ko iiwan na nila iyong project. Gusto ko silang pagsasampalin. [***hahaha, brutal naman friend] Nasacrifice ang tulog ko para sa thesis. Wala akong review para sa pre-board exam. Tapos walang mangyayari. Mawawala ang pinaghirapan ko dahil hindi sila dadating. Aigoo. Swerte ako. Nandoon kasi iyong mga kaibigan ko. Tumaya na ako. Kako ililibre ko sila (tropa) magawa lang ang test. Kung ayaw na ng groupmates ko nagpapasalamat ako kasi tutulong ang mga kaibigan ko. Dumating sila (groupmates). Umalis ako pagkatapos magbigay ng intruction. Naiinis talaga ako. Baka kung ano pa ang masabi ko kung nagtagal ako doon. Bumalik ako sa seminar.
Alternate solution
May isa pa kaming pwedeng gawin. Madali lang. Papasa kami sigurado. Kahit hindi na gumawa ng actual na test. Data lang naman pala ang kailangan. Bakit hindi na lang gumawa ng data. Mag-imbento ng numbers at ilagay sa table. Mag-imbento ng result at ipasa. Bakit nga ba hindi namin ginawa 'yon? Iyon ang pinaka madali at praktikal na paraan. Siguro naisip nila iyon kaya tinanghali ng dating ang groupmates ko sa testing. Hindi lang nila masabi sa akin. Napilitan silang sundin ang desisyon ko. Kasama sa instruction ang video at picture. Isa akong leader na diktador. Siguro...how would I know?
Ang mabuti sa experience na iyon
Astig iyong experience na iyon. Kahit pinagkaitan ako ng height. Sumusunod sila sa akin, kahit maliit ako. Ako iyong tipo ng leader na nagbibigay ng task sa member. Ako iyong leader na kaunti lang ang ginagawa. Nakaupo ako sa pinakamataas na upuan. Inobserbahan ko silang lahat. Natutuwa ako na nagbigay ng magandang result ang mga kasama ko. Nagtiwala ako sa gawa nila. Alam kong mahuhusay silang lahat. Naayos ang mga binibigay kong assignment. May output. Magkakaiba ang level namin. Magkakaiba ng point of view. Pareho kaming lahat na naghahangad makapasa. Ako, bukod sa makapasa gusto kong ituloy ang project. Hindi bilang thesis kundi bilang upgrade sa existing na sistema. Ang Windows XP noon Windows 10 na ngayon. Kung ang computer may upgrade siguro tayong mga tao pwede din mag level up.
Salamat.
Keep reading,
J. G. Villanueva