Share this

Monday, April 22, 2019

Chair






Madalas kapag sinisimulan ko nang magsulat ay iniiwan ako ng magagandang idea



Nakaupo ako ngayon sa aking thinking chair

Thinking Chair



Kasi kako, magsusulat ako. Kaya lang, nawawala ako. Iniiwan ako ng mga bright ideas. Nagsusulat na lang ba ako "to impress?" Ang gusto ko ay magsulat "to express".


Ecstasis nga ba o procrastination lang pala



Namarathon ako ng Game of Thrones. Season five na ang pinapanuod ko. Episode five ng huminto ako kanina. Libreng advertising ito. Ang ganda. Kaya kong manuod maghapon. Sino bang hindi? Napakadaling umupo sa harap ng laptop at manuod. Ang tamad ko nitong mga nakakaraang araw.


Last year



Ganitong panahon noong nag-iikot ang pwet ko para sa thesis. Panahon ng pag-aani ng munggo. Bumuo kami ng thresher prototype. Leader ako ng grupo. Sampu kami. Walong lalaki at dalawang babae. Ako ang pinakamaliit sa amin. Pangalawa sa pinakabata. Tatlo sa members ang tropa ko. Anim ang mga bagong kakilala. "Mundo" ng Four of spades ang kantang madalas kong madinig.



Sa upuan, sa bahay ni bestfriend



Natutulog muna ako sa upuan sa sala. Exactly an hour bago ako humarap sa laptop at makipagbakbakan. Napadalas ang overnight ko. Alam ko kasing masaya gumawa ng thesis ng may kasama. [***nakakamiss din pala ang thesis days] Dahil diyan may makukwento na ako. Nararamdaman ko na ang flow.



  • Paano nabuo ang grupo
  • Topic: Monggo thresher
  • Paano ako naging leader?
  • Intelectual Property Rights
  • Conflictsssssss
  • Defense
  • Ginamit ko yata ang puso ko noon



Paano nabuo ang thesis group



Ako, tatlong tropa at anim na hindi ko kilala. Alam ko ang pangalan nila. Sapat ba ang pangalan para makilala ang tao? Paano nga ba kami nagsama-sama. Noong pinagbuo kami ng grupo; kami ang mga naiwan. Walang kasama, apat lang kaming malapit na magkakaibigan. At kapag sinabi kong malapit ay iyong sanggang dikit. Kasabay kumain ng lunch. Kasabay umuwi. Isang kalabit lang, sagot agad kapag may assignment.




Pre, patingin ng assignment mo



Sige pare ito oh, basta ibahin mo lang ng kaunit para hindi halata


Nasa ibang section ang iba naming super close friends. Umasa kami na makakasama pa din namin sila kahit sa thesis group. Lima sila sa kabilang section. Ipinakiusap namin sa thesis adviser. Kahit na magkaibang section ay umasa kami na magsasama sa isang grupo.


thesis group sa plano ko [***tropa, I miss you friends]


Pinag-aralan kong mabuti ang project. Akala ko mapapayag ko si Sir. Inaral ko talaga iyong thesis. Ready na ako para maging leader. Akala ko kasi mga tropa ko ang makakasama ko. Pero hindi kami pinayagan. Sabi ni Sir:


Hindi sa lahat ng pagkakataon makakapili ka ng makakasama. Pagpasok sa trabaho, hindi mo mapipili ang office mates. Kailangan ninyong matutong makisama.



Nasupalpal ako ng salita na iyon. Wala akong maikatuwiran. Pakiramdam ko nasayang ang ilang gabing kong pagpupuyat at pagpaplano para sa topic. At isang patunay ito na hindi lahat ng plano ay natutupad. Wala sa pinlano ko ang nangyari. Ngunit, nagpapasalamat ako dahil sa naging experience ko sa thesis.


Nakasama namin ang anim na bagong kaibigan. Isang "Kuya", dahil sa siya ang pinaka-matanda. Tatlong scholar ng DOST, isang scholar ng SMC at isang ninja. [***bawal ang loloko-loko, mag-ingat sa katana]


Topic: Monggo Thresher



Maghanap daw ng problema sa community at subukan bigyan ng solusyon. Sa point of view ko. Bilang anak ng magsasaka. Taon-taon kaming nag-aani at naglilinis ng monggo. At iyon ang pinaka ayaw kong trabaho. Naghahanap ako ng ibang paraan ng paglilinis ng monggo. Nakagawa kami. Nakapasa kami. Hindi ko babanggitin ang detalye ng proyekto dito. Mabuti ang naging resulta. Umaasa akong mapapaganda ko pa ang prototype na iyon. Mailabas ito sa madla at pakinabangan. Pinagpilitan ko sa kanila ang idea. Nanghihinayang ako sa mga inisip kong dapat gawin. Gusto ko talagang pag-aralan ang problema na iyon. Gusto kong bigyan ng solusyon.


Paano ako naging leader?



Nagpunta kami sa McDo. Umakyat sa second level at umupo sa mahabang lamesa. Umorder ng dalawang BFF fries tapos nagsalita ako. Sinabi ko ang mga linya na sanlibong ulit kong pinagsanayan ng gabi bago mag meeting. Tensionado ang atmosphere. Hindi kami sanay sa isat-isa. Ginawa ko ang speech na iyon dahil naniniwala ako sa idea, sa project at sa possibilities. Tatanggapin ko ang rejection mula sa kanila kung sakali. Pero naghanda  ako para mapasang-ayon sila. Sinuwerte ako. Pumayag sila.


Ito ang meeting kung saan sinabi ko ang aking proposed idea. *insert two members na wala sa picture



Intellectual Property Rights



Pumunta ako sa tatlong araw na seminar sa Intellectual Property Rights. Na-miss ko ang chance doon na maging presentor. Sayang. Kinabahan ba ako noon? Nagpunta ako sa CR bago ako tawagin para magpresent. Kayalang pagbalik ko, tapos na. Uwian na. Blockbuster kasi ang CR. Nalungkot ako noon. Proud ako sa gawa namin na monggo thresher. Totoo, kabado ako noon. Mababa ang self-esteem ko. [***kaya nga ako nagsusulat ngayon. Para harapin ang mga kinatatakutan ko at para makilala ang sarili]


Conflictsssssss




  • Anim ang hindi ko kilala
  • Umabot sa punto na nilagnat at minalat ako [***to the point na wala talaga akong boses at gumawa pa ako ng power point presentation para may subtitle kunyari]
  • Nahirapan kaming maghanap ng materyales
  • Nagkakagulo sa dami ng requirements
  • Banggaan ng ideas
  • Nagbibilangan ng nagawa



Defense




Madaming beses na akong nagreport. Nagagawa ko iyon ng maayos. Itong defense, pinaghandaan ko lahat ng komplikadong tanong na naisip ko. Nagkamali ako dahil sa pinagwalang bahala ko ang mga simpleng tanong.


TheSeenThesis



Ginamit ko yata ang puso ko noon



Hindi ako sigurado kung anong klaseng leader ba ako. Nakapasa kami. Mababa ang skill set ko pagdating sa pakikipagkapwa. Kaya nasabi ko na ginamit ko yata ang puso ko noon. Wala akong natanggap na feedback sa leadership ko noon. Pero sana naging mabuting pinuno ako.

Maraming Salamat,

J. G. Villanueva

P. S. Lumindol kanina habang sinusulat ko ang entry na ito. Nakaupo ako. Malakas ang lindol. Sabi sa earth quake drill dati "duck, cover and hold". Nagkataon lang na hindi ako kasya sa ilalim ng upuan. "Keep calm", sinubukan ko ding sundin iyon. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Parang dumaan si crush. Tumayo ako at sumilip sa bintana. Matagal tagal ding yumayanig ang lupa. Nadidinig ko sa utak ko ang opening song ng Game of thrones kanina. Hmmmmn hmmnn hmnnnn🎶🎵