Hanggang saan at kailan?? Hangang sa dulo ng walang hanggan
If jess is a function of x, and limits are to be set, then her limits are from zero to infinity. Zero is the point of beginning while knowing where her potential ends, is to infinity.
Jess = dyes =10 Mnemonic for numbers j = 6 s = 0 |
Ang mga insekto at ang magikera
May kuwento tungkol sa mga insekto na mataas tumalon. Ikinulong sila ng magikera sa isang bote. Tinakpan ng ubod ng higpit ang bote. Tumatalon ng tumatalon ang insekto. Nauuntog sila. Nasasaktan sila. Wala silang hinto sa pagtalon sa simula. Alam nila na kaya nilang tumalon ng mas mataas pa. Kahit nasasaktan ay talon pa din ng talon. Lumipas ang mga araw. Paminsan-minsan na lamang ang pagtalon ng mga insekto. Nasa ibaba sila ng bote madalas. Paikot-ikot sa ilalim at umaasa sa pagkain na hinuhulog ng magikera. Hanggang sa nakalimutan nila nang may kakayanan siyang tumalon ng mataas. Sa paglipas ng panahon, lalo nang dumalang ang pagsubok nila na makatalon ng mas mataas.
Nalimutan ng magikera na takpan ang bote ng mga insekto
Minsan, matapos magbigay ng sapat na pagkain, nakalimutan ng magikera na takpan ang bote. Umalis ang magikera para gawin ang kanyang salamangka. Sa kanyang pagbalik nakita niya na walang takip ang bote. Namangha siya ng makita ang mga insektong nanatili sa loob nito. Inobserbahan niya ang bote at ang mga insekto. Nakita niyang tumalon ang insekto. Ngunit ang naging pagtalon nito ay kasing taas ng takip. Mataas tumalon ang insektong ito, ngunit nasanay siya na napipigil ng takip. Hindi na binalik ng magikera ang takip. Hindi na rin tumalon ng mas mataas ang mga insekto. [***pasensya sa drawing ko ng bote. Sinadya ko talaga na hindi identical ang bote. Remember: magikera ang may-ari ng bote. May magik kaya walang imposible.]
Anong kinalaman ko sa kwento na iyan? [***wala lang, para cute lang ganon hahaha]
Katulad ng alam mo na, nagsusulat ako para kilalanin ang sarili.
Assess, analyze and assess
Sa chess sabi ng trainor ko, isa yan sa formula sa pagpili ng susunod na tira. Gamitin natin sa real life. Sa buhay ko for example. Tutal buhay ko naman ang topic natin dito. Matagal ko na kasing pinag-iisipan ang limits ng society. Ano ang next move ko sa adulting? Tapos na ang Estudyante at Varsity limits. Kailangan kong maging mahusay sa mga susunod kong gagawin sa buhay.
Bakit namumuhay ang mga tao sa magkakaibang antas?
Sumabit sa utak ko ang idea ng limits. Ano ba ang mga limitasyon natin? Sa pamilya ko. Ano ang limits ni Ama at Ina? Ano ang limits ni Ate? Ano ang limits nila Tita at Tito?
Bilang analogy:
Ang mga insekto = ang mga tao
Bote at takip = limits [***ang mga pumipigil sa atin para ilabas ang isang daang porsyento ng potential]
Pagtalon = potensyal
Ang limits ng pamilya namin ay ibang kwento.
May laman pang isang bote sa loob 'yong bote na kinukwento ko sa iyo kanina. Sa maliit na bote na iyon, doon nakatira ang mga magulang ko. Habang sa loob ng malaking bote naman nakatira ang iba ko pang mga kamag-anak kasama ng karamihan.
Dahil nasa bote sa loob ng bote ang mga magulang ko, alam ko din ang pakiramdam sa loob nito. Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko. Sapagkat nagtulong sila upang ihagis ako palabas ng bote sa loob ng bote. Nagpapasalamat ako sa mga kamag-anak ko. Sapagkat natulong-tulong sila upang ihagis ako palabas ng bote. Kikilalanin ko ang magikera. Dahil sa mga magulang ko at sa mga kamag-anak ko nagkaroon ako ng pagkakataon. Nakilala ko ang mga insekto na malayang tumatalon ng mataas. Nakita ko ang ibang mga lugar.
Bumabalik pa rin ako sa loob ng bote
Naroon ang mga magulang at kamag-anak ko. Binabalikan ko sila. Gusto kong tumalon kami ng sabay-sabay. Ngunit ayoko nang bumalik sa loob ng bote. Natatakot akong makalimutan ko din kung paano tumalon ng mataas. Natatakot akong sa susunod kong pagtalon ay hindi na makasuporta ang magulang at kamag-anak ko para bigyan ako ng kalayaan.
Pero bago ko tapusin ang kwento sa bagabag at pag-aalala, chill lang...
May mali. Hmmmn.
- Hindi ako insekto
- Hindi ako nakatira sa bote
[***pagkatapos kong magpakahirap mag-isip ng analogy ay sasabihin ko sayo na mali]
Half truth lang. Ibig sabihin false. Kung insekto ako, walang paraan para makalabas sa bote. Mabuti na lang ako SiAko. Madaming paraan. Nabuo ko ang kwento na iyan sa pamamagitan ng ibang mga kwentong nabasa ko. Hindi ako mabibiktima ng kulungan sa kung saan pa man. Nasa sitwasyon ako na mas mainam kumpara sa insekto.
I am free to think and this kind of freedom is the one that could not be taken away
Imagination is infinite
Hanggang sa susunod na pag-imagine,
J. G. Villanueva
P. S.
Alam mo ba? Ako din iyong magikera. Iyong version ko na 100%.