Sagot
Ano?
- Blog
Blog -kapag may isang nasa mataas na lugar tapos bumagsak (see: Blag)
Blog blog -kapag tumalbog mula sa pagkakabagsak or kapag bumagsak na tapos na bumagsak pa ulit. (see: Blag Blag)
Alam kong di ako magaling mag-joke, kaya sasabihin ko sayo na, joke 'yan ah. Korni nga lang. Kung di mo na get. Tanong mo sa katabi mo baka sakaling makuha niya. Kung wala kang katabi, pasensya ka. Assuming tinanong mo na pero hindi niya din nakuha ang joke ko. Haaayyss, pag-uuntugin ko kayo. Ganon ba ka walang kwenta iyong humor ko? [***yaw quoh nah]
Anyway, sabi ni Mr. Webster, "Blog is a website on which someone writes about personal opinions, activities and experiences". Perfect! Nasa tama pa naman pala ako. Puro opinion at mga sabi-sabi ko ang content nito.
Paano?
- Ganito
Step 1: Ilabas ang android phone. [***sira laptop ko huhuhu]
Step 2: Set countdown timer for 25 minutes. Mag-isip at magtype hanggang mag-alarm ang timer.
Step 3: Set countdown timer for 5 minutes at mag-relax until alarm.
Step 4: Set countdown timer for 25 minutes. Basahin ang nai-type at mag-edit until alarm. Publish if ok. If not repeat Step 3 and 4 until satisfied.
Ganyan ang ginawa ko nitong mga nakaraang araw. Iyan ba ang the best na process ng kung paano magsulat ng blog? Syempre, hindi. Kanya-kanyang diskarte 'yan depende sa tao kung anong trip nila. Nasa trial and error stage ako para sa improvement. Itutuloy ko ang process na ito kung maganda ang magiging self assesment ko after a week.
Saan?
- Kahit saan. Ang importante masaya at inspired ka. "Flow", kailangan ng flow.
Kailan?
- Kung kailan mo trip at hindi ka inaantok.
Sino?
- SiAko.
Isa pang tanong:
Typograpical error ba ang title o bobo lang ang nagsulat?
Maikling sagot:
Oo, tama pareho.Mahabang sagot:
Ang goal ko ay sagutin ang 5W and H question. (Why, what, where, when, who and how) Dalawang entry ang ginamit ko para subukan ipaliwanag kung bakit. Nang sasagutin ko na ang limang tanong na natitira, nakita ko na maikli ang mga sagot. Magpapaligoy pa ba kung pwede namang sagutin ng diretsya? Sa universal language (english) kapag naglagay ka ng "s" sa dulo, ibigsabihin pang maramihan. "Mga tanong" ang dapat na ginamit ko pero gusto ko ng isang salita bilang pamagat kaya pinagpilitan ko kahit mali. Ano? Kokontra ka pa? Pagbigyan mo na ako, opinyon ko naman 'to.
Salamat po!
P. S. Naway patawarin ang manunulat sa kung ano-anong sinusulat niya.
Joke explanation para sa mga slow na katulad ko at hindi agad na-get ang hidden meaning. Isang uri ng self note ang joke na iyon.
Dahil gusto kong tandaan na kapag nilalagay ko ang sarili ko sa mataas na lugar, ibaba ako ng kalikasan sa kung saan ako nararapat. Pinaniniwalaan ko dati na iba ako sa karamihan. Mahusay, matalino at nakaka-angat kumpara sa iba. Tinitingala ko ang mga tao na sa opinyon ko ay nakaka-angat sa akin ngunit mababa ang tingin ko sa iba na inaakala kong mahina kumpara sa akin.
Susubukan ko sa abot ng aking makakaya na tumingin ng direcho. Bagamat walang pangamba ang mga tropa ko na may panganib sa aking pagyuko. [***alam mo 'yon? Kapag medyo mahaba ang baba may risk na masugat ang dibdib. No offense intended, may naaalala lang akong dawalang special na kaibigan sa ganitong kwentuhan. Tama na! Seryosong usapan 'to kanina. ]
Hindi na muli, ako yuyuko habang iniisip na may mga tao sa ilalim ko o titingala dahil may mga tao na hindi ko kayang maabot. Pantay-pantay tayong lahat, wala akong ilalagay sa taas o sa ibaba man. Kung ako ang nasa saktong kalagayan mo ngayon. Maiisip ko din ang iniisip mo. At kung ano man ang naiisip mo, tama ka diyan. Tumaas ang respeto ko sa sangkatauhan dahil sa joke na iyon. Ayan lang po.
Salamat!
Hanggang sa muli,
J. G. Villanueva