Share this

Wednesday, April 3, 2019

Bakit??






Bakit? vs Bakit??

Inulit?
Siguro, pero dalawa yung question mark dito. Bakit? vs. Bakit??
Magkaiba naman diba. Iba na 'to kumpara sa sinulat ko kahapon.

Bakit nga ba?


  1. Gusto ko lang.
  2. Bumagsag ako sa board exam. [***second take beh. Ang sakit.]
  3. Hindi ako busy ngayon.
  4. Bilang self-expression.
  5. Napupuno na ang notebook/journal ko,
  6. tapos ako lang mag-isa ang bumabasa.
  7. Natutuwa ako tuwing binabasa ko ang journal ko.
  8. Baka maabot nito ang mga taong may level ng sense of humor na katulad ng sa akin,
  9. may chance na matuwa din sila at maka-relate.
  10. Magrereview pa ako ulit,
  11. huwag daw muna magtrabaho habang nagrereview.
  12. Pwede siguro magblog habang nagrereview?
  13. Mahilig akong magbasa ng blog.
  14. Masaya ako kapag nagsusulat.
  15. Gusto kong magkwento.

Ayan, fifteen na. Pinilit ko talagang maging kinse yan para cute. Ibahin ko kaya yung title?
Fifteen reason why I write a blog
Pwede no? Kaya lang mahaba masyado. Kalimutan mo na lang na nabasa mo ang alternate title. Dahil, hindi ko gagamitin pero hindi ko buburahin. [****insert: evil grin]

Maiba ako. Pasensya na ha, may mga pagkakataong nasa mood ako para mang-asar. Ganito talaga ako magsulat. Minsan magulo, madalas magulo pero magulo nga kasi.

Ahmmmnn, aayusin ko. Try kong ayusin.

Bakit nga ba?


  1. Gusto ko lang. Ayan na iyon. Ipapaliwanag ko pa sana, pero gusto lang, ok na yan. Okay? Ok.
  2. Bumagsak ako sa board exam. Whooo!!! So proud pa ako ganon ba? [***pwede bang magmura sa blog? P*******a] Syempre hindi ako proud. Hinaharap ko lang ang katotohanan. Kasi tapos na. Hindi ko na kayang baguhin iyon. Kailangan ko lang tanggapin ng buong buo. Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan at baguhin ang mga pangyayari. Oh, ano kaya ang gagawin ko? Malamang hindi ako susulat ng blog kung nakapasa na ako. Posible na empleyado na ako. May sweldo kada buwan. Nag-aabot ng pera kay nanay, tatay, bunso....atbp. Maraming posibilidad ang hindi natin alam. Ngunit naniniwala ako na nandito ako stage ng buhay kung saan nakakabuo tayo ng mga pilosopiya. Nabuo nga ba natin o natagpuan lang natin sa kalawakan ng kaalaman na mula pa sa simula. [***padeep] Balik tayo sa pilosopiyang inembento ko mula sa mga libro, anime, movie, k-drama, podcast at pakikipagkentuhan sa mga taong malawak ang karanasan kumpara sa akin. "May dalawang uri ng daan sa harap ko. Una ay ang daan na binuo ko sa imahinasyon ko. Pangalawa ay ang daan kung saan ako lumalakad at ito ang pinakamabuting daan para sa akin".
  3. to 15. Gawa-gawa ko lang, para dumami. Sorry na.

Pilosopiya

Nakuha mo ba yung pilosopiya ko? Huwag mong kunin imbento ko 'yan. Intindihin mo na lang. Iyon pwede.

May dalawang uri ng daan sa harap ko. Una ay ang daan na binuo ko sa imahinasyon ko. Pangalawa ay ang daan kung saan ako lumalakad at ito ang pinakamabuting daan para sa akin.

Ang unang daan ay ang mga plano ko. Kung paano ko inisip ang gusto kong mangyari. May mga pagkakataon na sakto sa kung paano ko ginusto ang mga nagaganap sa kasalukuyan. Ngunit sa mga panahon na iba sa naisip ko ang nangyayari alam ko na naririto ako sa pinakamabuting daan para sa akin.

Bale ang gusto ko lang sabihin ay nagpapasalamat ako sa lahat ng pangyayari sa kasalukuyan. Sabi nga ni Dr. Watson kay Sherlock noong namatay si Mary, "It is what it is". Anong konek? Wala lang. HAHAHA

Simple lang ang storya ko. Malakas at malusog ako. Mabuti ang pamilya ko. Madami akong hindi alam tungkol sa kalawakan ng mundo. Pero sa pagkakataon na ito, hindi man ako sigurado, may tyansa na ako lang ang nagsusulat at nag-iisip ng tulad ng ginagawa ko. 





Salamat po!