Dahil...
Dahil gusto kong magsulat. Bilang tulay ng mga salita sa utak ko na nagpupumiglas sa gapos ng limitadong pag-iisip. Nais lumaya ng mga konseptong ito sa paraan ng pagsasatitik. Magsisilbi itong pagsubok na kailangan kong harapin. Para mas maging mapagmasid at maibigay ang buong atensyon sa pangyayari sa kasalukuyan.
Know thyself
Upang mas makilala ko ang aking sarili. Gusto kong harapin ang bawat araw ng walang takot. Sigurado sa kung anong papel ang gagampanan kasama ng kahit na sino, sa lugar kung saan man, kahit anong oras, ano man ang dapat gawin, kung bakit at paano. Malaki ang paggalang ko sa panukala at opinyon ng lahat ng tao ngunit nalalaman ko din, na ako ang magpapasya kung makaka-apekto ito sa akin.[***Nosebleed na ko bes, ang hirap pala ng malalim na tagalog. Hmmn, kaya ko to!]
Dalawang dekada na akong nabuhay sa loob ng mataas na pader at malamig na klima. Bago matapos ang isang taon pa, ipagpapatuloy ko ang pagbasag sa pader na ito. Sasalubungin ko ng yakap ang haring araw. May napanuod akong talk sa A-fest ng Mind Valley ni Mr. Vishen Lakhiani. Si Ms. Lisa Nichols ang speaker. At ang sabi niya
Don't ask permission to the world, rather give it a notice
So here is my notice:
Me: Hey, universe. Nandito lang ako. At nagsisimula ng magkwento
Universe: Bakit?
Me: *******