Makapagsimula lang
Matagal ko ng iniisip ang pagsulat ng blog. Ngayon ginagawa ko na. Kanina, nagsearch ako: "how to create a blog?" Sabi sa nabasa ko, kailangan ng topic na interesado ka.
Interesado ako sa sarili ko.
Pasensya na pero iyon ang totoo. Kaya, dito, isusulat ko ang lahat ng tungkol sa akin. Ang aking mga opinyon, kwento, tanong at iba pa.
SiAko
Minsan, pinangarap kong manalo ng Palanca Award. Kaya tinaype ko ang content ng journal ko. Nabasa ko kasi ang Diary ni Anne Frank, kaya ginaya ko. May notebook ako na sinusulatan ko noon bilang second year college student. Pinasa ko iyon sa event. Sa ilalim ng kategoryang nobela. Umaasa ako na may papansin ng kwento ko at magbibigay ng feedback. Siguro kapag naabot ko ang limit ng existense ko sa mundo ay sisikat ang libro na iyon. [*polite term para sabihin na "kapag namatay ako sisikat ang diary ko", ooopppss, knock on wood please]
Si ako sa Kulang 500 pages na Record Book
iyan ang title na pinili ko noon. Nagpapasalamat ako dahil nalaman ko ang tungkol sa Palanca. Hindi man napili ang aking obra ay natuto naman akong mangarap.
Nagsususlat ako ngayon habang nag-iimagine na ang universe ang audience ko. Na mababasa sa buong mundo ang kwento na ito. Kahit pa kaunti ang karanasan ko. Handa akong magkamali ngunit sa pagkakamali ay sisiguraduhin kong may matututunan ako.
Sino SiAko?
Mahirap ipaliwanag gamit ang isang salita, isang pangungusap, isang talata, isang sanaysay o kahit isang libro. Dahil SiAko, ay makikilala depende sa kung sino, ano, kailan, saan, bakit at paano. Gustong kong kilalanin kung sino nga ba SiAko. Sa tulong ng pagsusulat na ito, sa opinyon, kwento, tanong at iba pa na magmumula sa babasa at magiging interesado.
In fifteen minutes
Ngayon, nagset ako ng countdown timer. Sa loob ng labinlimang minuto, susubukan kong ibahagi ang alam ko tungkol kay SiAko.
Babae. Anak. Kapatid. Pamangkin. Pinsan. Kaibigan. Chess player. Estudyante. Trainer. Trainee. Blogger. Blog reader. Podcast listener. Book lover. Nanunuod ako ng mga anime, k-drama, asian movies, at kung ano-anong series. Mahilig akong mag-jogging. Gusto kong matuto ng pagiging minimalist at maging ecofriendly. NBSB. Sometimes kind, more often rude. Unemployed. Failed board exam twice. Music lover. Mahilig ako sa art, kahit ano pang-uri ng art. Stupid. Bright. Skin complextion: Dark. Heigh: 157. Weight: 47. Short wavy hair. Balbon. Thick eyebrows. Round brown eyes. Size 5 shoes. Gusto kong magtravel around the universe. Noong highschool ako, tinanong kami ng teacher kung anong pangarap namin. Sabi ko
I want to unfold the mysteries of the world
Nakapagtapos ng College sa Kursong Mechanical Engineering. Naging Presidente ng Chess Club. Natutuwa akong isipin na anonymous ako. Na kaunti lang ang taong nakakakilala sa akin. Stop
Times up. Naka fifteen minutes na ako. Hindi ko na muna i-edit ang format. As it is na lang. Mag-aaral pa akong mag-edit. Ang mahalaga, ngayong araw ay nagsimula na ako.
Salamat!
J. G. Villanueva
Salamat!
J. G. Villanueva