Share this

Friday, April 12, 2019

Seminar





Road to  CA, NA, FA, IA

Only arbiters will know.

Tatlong araw akong nasa Mabalacat, Pampanga. Isang bonggang experience. Enjoy at thrilling. Madami akong natutunan at nakilala.


Mabalacat, Pampanga


Kung sa boksing may referee at sa husgado ay may attorney, sa chess ay may arbiter. Related ba silang tatlo? Sa point of view ko, oo. Dahil may FIDE laws na ginagamit bilang gabay ng mga arbiter sa pag-awat sa dalawang utak na nagsusuntukan dahil sa kakaibang senaryong kailangan desisyunan. Napakahalaga ng gawain na ginagampanan ng mga chess arbiters. Mula sa punto de vista ng spectator mukhang madali ang trabaho ng arbiter. Tatayo at manunuod lang sa mga naglalaro. Pero... Hindi.

Naransan ko nang tumanggap ng desisyon ng arbiter kung saan nadehado ako. Umabot pa sa punto na nagpetisyon sina coach. Isa ang experience na iyon sa bumuhay sa naglalagablab na apoy ng curiosity sa utak ko tungkol sa chess. Kaya noong nalaman ko kay Kuya Noel at Kuya Eric na may chess arbitration seminar, sumama ako. Kumatok ako sa pinto ng mga arbiter. Naging mainit ang pagtanggap na nadama ko. 

Sa katunayan hindi ko alam kung anong uunahin kong ikwento. Madami, masaya, makulay ang overall experience. Nagamit ko ang ibang konsepto na natutunan ko mula sa librong "How to win friends and influence people". Nakipag-usap ako sa mga kapwa participant. Sa default mode ko, mananahimik ako sa isang sulok. Magsasaksak ng earphones sa tenga at makikinig sa music habang walang paki-alam sa mundo. Nitong nakaraang araw, iba. Hindi ko pa nabibigyan ng pangalan ang mode na 'yon. Tawagin ko kayang friendly mode? o arbiter mode? [***suggest ka naman ng mode]

  • Seminar
    • Learning Experience
    • Debate
    • Application
    • Credentials
  • Participants 
  • Venue
  • Food
  • Accomodation

Seminar


Learning Experience


Sinabihan ako na mag-advance reading bago pumunta doon kaya nakasabay ako. Alam na alam ni Boss Pat [IA Patrick Lee] ang content ng FIDE laws. Aktibo ang mga tagapakinig at madaming mga tanong kaya naging masigla ang diskusyon. Sa aking very honest na obserbasyon at biased na opinyon may mga improvement pa na maaring gawin sa kanilang presentation.

Debate


Naaliw ako sa batuhan ng tanong at pagpapaliwanag sa pagitan namin (Participants) at ng mga speaker. (Sina IA Patrick Lee, FA Lito Abril at NA Alexander Dinoy) Nadidinig ang panig ng bawat isa. Nakakapaghayag ng saloobin ang lahat. Nabibigyan ng sagot ang mga tanong na nabubuo. Gumamit ng Demo Board para ipakita ang mga halimbaw. Nagbigay ng mga sitwasyon na maaring mangyari at pinakita ang mga posibilidad.

Application


Nagkaroon kami ng maikling evaluation. Nabigyan kami ng pagkakataon na magampanan ang tungkulin bilang arbiter sa isang tournament. Nasubukan namin ang sistema ng pairing. Agad nagamit ang pinag-aralan kaya hindi malilimutan.

Credentials


Nabigyan kami ng Certificate. Samantalang ang ID ay pinoproseso pa lamang. Sa ibang araw ibibigay ang ID.


Awarding of Certificate by IA Patrick Lee


Participants


Sa simula ng event ay nagpakilala ang lahat. DepEd, coach o trainor; alin sa tatlo na iyan ang designation ng mga pumunta doon. Ako ang huling nagpakila. Nanginginig ang kamay ko na humawak sa mike. Hindi ako mula sa DepEd, hindi coach at hindi din trainer. Isa akong mechanical engineering graduate na nagsusulat ng blog. Isa akong spectator na interesadong pumasok sa mundo ng mga legit na arbiter. Mula sa Tuguegarao, Isabela, Tarlac, Laguna, Quezon City, Caloocan, Zambales, Pampanga ang mga bago kong kaibigan. Lima ang babae sa may tatlumpung kalahok. Nakipaglaro ako ng blitz. Natalo, nakachamba at nanalo. Nakipagkwentuhan, nakipagtawanan at natuto sa mga kwento. Napagkamalan pa akong nag-i-interview ni Ms. Flowery. Na-activate ang question generation machine ng utak ko noong magka-usap kami. Pinili ko ang pagkakataon na iyon para magtanong kumpara sa tumulala habang naghihintay matapos ang pa-kasal ni Mayor. Posible na bukod sa kanya ay may iba pa akong na-interogate. Natuwa ako sa mga natutunan ko sa pakikinig sa mga kwento nila.

Venue


Maganda ang Venue ng seminar. Sinundo kami mula sa Dau terminal noong unang araw. Maayos ang ventilation dahil airconditoned ang space. Sapat ang bilang ng mga upuan. May mga lamesa. May sound system[***kaso nagfail ang mike noong awarding, sa mismong moment na pangalan ko na ang tatawagin, smh] Maayos ang CR. My flush at videt. Bawal daw maligo doon. Sa kadahilanang ayokong ipaliwanag. Si Ms. Estella, Ms. Jen at ako ay doon pa din naligo kahit bawal. [HAHAHA]

Food


Sa isang nilalang na katulad kong hindi pihikan sa pagkain. Panalo kahit anong pagkain. Nagpapasalamat ako at nabusog ako ng hindi gumagastos. Masarap ang mga naging pananghalian, may pameryenda at pa-kape din.

Accomodation


Noong unang gabi


Sa venue kami natulog. Dinalhan kami ng mga kutson at nagkanya-kanyang latag. Madaling araw na ako nakatulog dahil nakipaglaro pa ako ng blitz at nakipagkwentuhan. Maaga kaming nagising kinabukasan.

"2nd night is a ride on a roller coaster"


Madaming nainis noong gabi na iyon bukod sa akin. I had this evil grin. Because I would have something to write on my blog. Sinundo kami ng dalawang jeep sa Xevera hall. Pupunta daw kami sa sleeping quarters. Sa isang jeep isinakay ang mga kutson at sa isa pa ay kaming mga participants. Team Ilagan + Tugegaro, TeamBa (Bataan), Team QC, Team lady (ako, Ms. Jen, at Ms. Estella) atbp. Sa madaling sabi ang mga participants na malayo ang bahay at hindi pwedeng mag-uwian. Hinatid kami sa isang malayong barangay na hindi ko naitanong ang pangalan. Dumating kami sa apartment. Malayo ito sa karinderya. Malaki ang bahay. Aircon? Oo. May butas sa wall kung saan dapat ilagay ang aircon, pero wala pangnakalagay. May dalawang kwarto. Malawak na recieving area. Tatlo ang CR at may isang electricfan na pinahiram ng mabuting kapitbahay. Masikip para sa jeep ang dinaanan. Nahirapan ang driver sa pagpunta sa lugar na iyon. Hindi niya inaasahan na ganoon kalayo ang lugar. Nagrequest siya ng dagdag na bayad. Nag-ambagan para madagdagan ang upa kay Kuya Lito (jeepney driver). Hindi nagustuhan ng karamihan ang estado ng sleeping quarters. Nagpasya na maghanap ng hotel. Sa quest na "Finding a hotel even if you haven't eaten dinner yet" sinilang ang isa pang conflict. Nasira ang isa sa dalawang jeep. Nagtulak pa ng jeep ang ilan sa mga lalaki. Sa DAU, nakapaghapunan at nakapagpahinga din kami. 


Third day


Papunta sa tournament sinundo kami sa City Mall.  Sardinas lang kapag nagsisiksikan. Paano kapag puyat at mainit pa habang nagsisiksikan? Century tuna ang analogy na ginamit. Durog na daw kasi. Sakay ng L300 van [***hindi ako sure kung L300 nga] Labing apat kami, Team Sago (mga-di-pwede-umuwi-kasi-malayo). May dalang bagahe kaya napakasikip. Naka-upo sa mga bag si Ms. Jen. Muntik pang tumirik sa gitna ng daan ang sasakyan. Nadaan din sa masikip na traffic kaya lalong naramdaman ang init. Nakarating kami sa venue ng kiddie tournament. Nag-observe bilang arbiter at nag-aral ng swiss manager. Nagpicture-picture at umuwi. Ang dami kong baon na kwento. 

Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga participants. Nagpapasalamat ako sa mga speaker. Nagpapasalamat ako sa event organizer. Nagpapasalamat ako sa sponsor. Nagpapasalamat ako sa experience. Nagpapasalamat ako sa nagbabasa.

P.S. Nandoon din nga pla si *I.A.James Reed


Sa uulitin,


J.G. Villanueva



*Iba Arbiter