Iyong kanin, kapag napadami ang lagay ng tubig kaya sobrang lambot - Malathaion (malata 'yon)
Ang baho kasi
[***sabi ko gusto ko maging blogger, hindi joker] Masisisi mo ba ako? Kanina ko pa kasi naaamoy iyong mabahong gamot na nilagay doon sa mga pesteng anay. Naglipat-lipat kasi kami ng mga kalat ngayon. Nadiscover namin ang trails ng anay sa mga sulok na madalang mabisita ng walis. Anyway.
Ano bang ikukwento ko ngayon?
Hmmmnn
Wala akong maisip na mabuti
Ganito na lang. Nalala mo 'yung mga sabi-sabi ko sa overview? Kung hindi, basahin mo na lang. [***HAHAHAHA]
Iyon ang gagamitin nating basehan. Para guide iyon. Hindi tayo maliligaw. Parang mapa, tapos pipili ako ng specific na time frame kung saan tayo mag-zoom-in. Halimbawa: ngayon ay nasa present ako. Talaga kasing nanununtok ng ilong ang malathaion. Puro kasi ang nilagay. Walang dilute ng tubig. Puro din ang tama. Nagsearch na ako kanina kung may side effect ang pagsinghot sa gamot na ito. Positive, meron nga daw magiging epekto sa katawan. Ang epekto, search mo na lang din. May google naman.
Bakit? Ahhmm, palagay ko eto na 'yon. Whoo, umakyat na sa utak ko iyong gamot.
Bakit?? Ewan ko din. Naloloka na ko sa amoy ng gamot na to'. Whew.
Balik nga tayo sa mabuting usap. Halimbawa ulit: rewind tayo ng dalawang araw. Sa mga lugar kung saan ako nakapunta. Kinuwento ko sa iyo ang mga bahay na napuntahan ko. Nakwento ko na, wala ng ulitan. Check mo na lang ang link.
Objective
May objective nga pala ako. Iyon ay ang mag-aral gumamit ng links. Ang husay kasi ng ibang mga blog na binabasa ko. Makisig silang gumamit ng links. Nagbabasa ka ng ibang topic pero dahil sa ibang kulay na salita na napindot mo mapupunta ka sa una o sa huling entry. Ang galing ano?
Objective 2.0
Natutuwa ako kapag nakikita ko na may bumabasa ng mga sinusulat ko. As in tuwang tuwa. Kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng bumabasa. Kapag ba nilagyan ko ng links ang mga blog may posibility na ma-click ang link na iyon? Gaano kataas kaya ang probability na kapag may nakita ibang kulay na salita ay pipindutin natin? Maituturing kong dilemma ang sitwasyon na ito. Pipindutin ko ba o hindi? [***pindutin mo naaaa]
Gratitude
Salamat po ng bongga!
Salamat sa bumabasa, I love you!
Salamat sa naging interesado.
Salamat sa nag-open ng link kahit hindi sinasadya.
Salamat sa patuloy na nagbabasa pa din kahit nakakainis na.
Salamat sa chance na mag-share ng saloobin.
Salamat dahil nakapagtanongs ako.
Salamat sa naka-relate at nag-comment.
Salamat sa naka-appreciate.
Salamat sa nag-share.
Salamat sa nag-like.
Salamat sa nag-heart[***pareho lang 'yon ah, like at heart]
Salamat sa lahat!!
Sa uulitin,
J.G. Villanueva
P.S. Kung may comment o violent reaction, sabihin nyo lang po. Gagawin ko ang best ko para i-process at mag-reply. Thanky!