Share this

Sunday, April 14, 2019

Ilagan







Trip to Ilagan



Hindi pa ako natitigil ng bentekuatro oras sa bahay namin nang bumiyahe ako papuntang Ilagan Isabela.
City of Ilagan Sports Complex


Babawi ako. Lalaban ako ulit. Iyon lang ang bagay na sigurado. Hindi ako tatanggap ng pagkatalo. Malusog ako. Nakakalakad at nakakatakbo ako sa kung saan ko gustuhin. Kakayanin ko ulit.  Bago ako bumiyahe, nagdesisyon ako na wala akong susukuan na pagsubok.


Ilagan o Baguio? 



May gaganapin na tournament sa Baguio at inimbitahan akong sumali. May mga bata na nanganga-ilangan ng tune-up game sa Ilagan, imbitado din ako. Nag-abot ang petsya ng dalawang event. Kung ikaw saan ka pupunta?

Baguio (March 7 to 9)


  •  tournament participant (lalaro ng chess) 
  • gagastos para sa: 
  • pagkain 
  • pamasahe 
  • registration fee 
  • accomodation 


Ilagan (March 4 to 9)


  •  practice game with CaVRAA players (lalaro ng chess) 
  • FREE: 
  • pagkain 
  • pamasahe 
  • accomodation 
  • may allowance 
 Sa Ilagan ako nagpunta.


Magpapa-alam 

Ayoko pa sanang umalis agad papunta sa Ilagan. Kauuwi ko lang galing sa Paranaque at broken hearted pa ako sa result ng exam. Naupo ako sa ilalim ng puno ng kaimito sa tabi ng nanay ko. Nag-paalam ako habang pinapanuod namin ang isang bulaklak. Hapon na at masarap ang simoy ng hangin.



Me: Ina, aalis po ako bukas. Pupunta po ako sa Isabela. Naghahanap po sila ng ka-tune up para sa mga player doon.

Ina: Ikaw lang?

Me: Hindi po. Isinasama po ako ni Sir Noel. (Sir M)

Ina: Sabay kayong bibiyahe

Me: Hindi po. Paalis na po siya ngayon, ako po bukas pa.

Ina: Bakit hindi pa kayo nagsabay?

Me: Ayoko pa po umalis, hindi pa ako natitigil dito sa bahay

Ina: Sumabay ka na kaya? Mag-paalam ka kay Ama

 Me:


Nagpa-alam ako kay Ama. Hindi pa naka-empake ang gamit ko. Sinabi ko na hindi ako gagastos. Lalaro ako ng chess doon bilang tulong sa training ng mga bata. Agad silang pumayag. Natuwa ako. Inaasahan ko na pipigilan nila ako. Mabuti na lamang at sumang-ayon sila sa akin. Panglimang araw na gamit ang dala ko. Nang hapon din na iyon ako umalis sa bahay. Dumating kami sa Ilagan ng umaga.

 Mga tauhan:


  •  SiAko 
  • Sir M - trainer 
  • Kuya Jun - driver 
  • Engr. Garcia sponsor from LGU 
  • Sir Cliff Coach, elementary boys 
  • Jaycol 
  • Willy 
  • Jericho 
  •  Sir Arman Coach, elementary girls 
  • Donna 
  • Alyza 
  •  Sir Dom Coach, secondary boys 
  • Chester 
  • Ramil 
  • Mark 
  •  Sir Victor Coach, secondary girls 
  • Steph 
  • Ann 


Tuesday morning nang sunduin kami sa harap ng Bonifacio Park sa Ilagan. Sina Engr. Garcia at si Kuya Jun ang sumundo sa amin ni Sir M. Hinatid kami sa Rizal Street. Tumuloy kami sa Juan Stop Hotel. Binaba ang mga gamit pagkatapos ay dumirecho sa Ilagan National High School. Agad lumaro ng blitz si Sir M. Inaantok ako habang nanunuod. Hindi ako sa nakatulog ng maayos sa bus.

Talo


Lumapit si Chester sa akin, nag-aaya maglaro. Dalawang blitz at isang standard game ang nangyari. Natalo ako sa talong laro na ‘yon. [***hina ko, kainis] Ganon ang nangyayari kapag humihinto ako sa paglalaro. Nabubulok ang laro ko. Nakakainis ang ganoon. Pakiramdam ko ay nasayang ang ilang taong kong training. Natalo ako ng mas bata sa akin. Napapailing na lang ako. [***Malamang kapag nabasa ito nila Tita ay magagalit sila sa akin. Sorry po Tita, pinapahalagan ko po ang mga sinasabi ninyo, kung ako ang nasa mismong kalagayan ninyo ay baka magalit ako sa pamangkin na katulad ko. Gusto kong pagyamanin ang skill na ito. Hindi ko ibig sayangin ang ilang taon kong experience. Pasensya na po talaga sapagkat hindi ko pipiliin ihinto ang chess. Pasensya na po.]


Nang mga sununod na araw



Makalaban ko ang ibang mga bata ng Standard game. Nanalo naman ako. Kumakain kami sa D’ Plaza Kitchenette. Masarap palagi ang pagkain na ihinahain sa amin doon. Maayos ang naging pagtanggap sa amin sa Ilagan. Madami akong natutunan. Madami akong nakilalang bagong kaibigan. Simple ang buhay doon. Nagsasalita ng Ilokano at Ilagan dialect ang mga tao. Maagang nagpapahinga ang mga tao doon. Alasyete ng gabi pa lamang ay tahimik na ang daan. Sarado na ang mga tindahan. Wala ng mga taong nagkalat sa labasan. Bakit alam ko? Dahil lumalabas ako sa hotel para maghanap ng signal. Walang signal ang telepono ko sa loob ng kwarto. Naghanap ako ng convenience store na bukas 24hrs pero wala din akong nakita doon sa malapit sa lugar namin.


Malungkot na masaya



Sa tuwing nakikita ko ang mga bata na nag-aasaran naaalala ko ang team namin sa BPSU. Nalulungkot na natutuwa ako. Nalulungkot dahil graduate na kami. Nalulungkot dahil madalang na kaming magkikita. Nalulungkot dahil nami-miss ko sila. Natutuwa kasi nakikita ko sa mga bata kung paano kami noon. Natutuwa dahil nakikita ko kung gaano sila kasaya sa mga maliliit na bagay. Magandang experience ang nakuha ko sa Ilagan. Limang araw lang sana ang stay ko doon pero inabot ng sampung araw. Marami ng nagagalit sa akin pag-uwi ko sa bahay.

Tinapos ko ang CaVRAA Meet bago bumalik ng Bataan. Cagayan Valley Regional Athletic Association Meet.


Si Willy 


Ang alam ko tutulong ako sa training ng chess team ng Ilagan. Hindi kasama sa plano ang mang-asar. Siguro sasabihin ng siyam na bata na may favoritism ako. Gagawan ko ng sariling paragraph si Willy. Noong araw na tinalo ako ni Chester ipinakilala silang lahat bukod sa isa. Si Willy, elementary boys representative, grade six. Pumunta siya sa binyag kasama ang pamilya. Kinabukasan siya pinakilala at naglaro kami ng standard game. Nabanggit sa akin ni Sir M, na ugali ni Willy ang tumitig sa kalaban. Totoo naman. Napansin ko na tinititigan niya ako. Intimidating ang tingin niya. Naisipan kong mang-asar. Karaniwan akong nakasuot ng cap sa official games o tournament. Ayokong tinitingnan ang kalaban ko. Sinubukan kong salubungin ang tingin ni Willy sa pagkakataon na iyon. Kaya lang natawa ako. Pero hindi ako humalakhak. Pinigilan ko ang tawa ko sa abot ng makakaya. Nakangiti akong tumingin sa kanya. Naunang nag-iwas ng tingin si Willy. Nanalo ako. Sa dalawang laro namin ay nanalo din ako. Noong third day, naglagay siya ng wax sa buhok. [***iyong tipo ng ayos na pang binata] Inaasar siya ng mga team mate niya. Napaamin daw nila si Willy. Crush daw ako ni Willy. [***hahahaha]


 Crush...crash 



Ayaw nilang tigilan si Willy. Malakas mang-asar ang team mates niya. Napansin kong naiilang na siya. Sinabi ko na “okey lang”. Ano ba naman ang crush. Nagkaroon din naman ako ng crush dati. Napadalas ang pagtingin niya sa akin. Alam mo yon, parang may magic spell. Naka glue ang mata niya sa akin. Oo, hyperbole yan. Para makita ang emphasis. Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko. Feeling ko lang naman. Nang minsang itanong ko kay Willy kung bakit siya palagi nakatingin sa akin; sabi niya,
Kasi, crush... nag-crash yung eroplano
Napagkatuwaan na kung makakakuha ng gold si Willy ay pwede niya akong i-kiss sa cheeks. Nanalo sila ng dalawang gold as team. Natutunan kong malakas na motivation pala ang kiss. Sa dahilan na hindi ko pa maipaliwanag. Hindi naka kiss si Willy.


CaVRAA 



Dalawang araw iyon na ginanap sa Schools District Office. Nandoon si NM Prince Aquino. Nainip ako. Ganoon pala kapag alternate player. Kasama ko si Mark at Jericho sa labas. Ginawa kong goal na huwag maging alternate noong varsity player pa ako. Naranasan ko sa Ilagan kung paano maghintay at mainip. Ang hirap pala. Mas masarap talaga kung naglalaro. Napagkamalan pa akong nanay ni Willy. Lagi kasi siya sa akin lumalapit para tingnan ang game niya sa Droidfish. Whew. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak kapag naaalala ko iyon. Mukha ba akong nanay?


Tagumpay



Magiging Palarong Pambansa Representative si Ann. Nakapag-uwi ng apat na gold ang Ilagan City Chess team. Isa kay Ann individual. Team secondary girls blitz game. Team elementary boys blitz and standard.


Sanctuary 



City of Ilagan Sanctuary


Nagpunta kami ni Sir M sa Ilagan Sanctuary bago ako umuwi ng Bataan. Maganda ang sanctuary. May animal kingdom. May trails din for hiking. Umuulan noong pumunta kami kaya hindi namin napuntahan ang lahat ng lugar. May prayer hill doon kung saan nagdasal ako. Inisip ko ang mga gusto kong mangyari at nagpasalamat sa magandang karanasan. Nauna akong umuwi. Kasunod ng Batang Pinoy ang CaVRAA. Arbiter doon si Sir M. Samantalang ako ay may mga kailangan ng asikasuhin sa bahay. Salamat kay Engr. Garcia sa pagiging sponsor ng chess. Malaki ang suporta na binibigay nila sa chess. Naka-plano na magtatag ng chess club doon. Umaasa ako na maging matagumpay ang chess club.

Maraming salamat,

 J.G. Villanueva