Share this

Wednesday, March 25, 2020

Gunman in Joseon


Diary ng Sales Lady Entry no. 15

Gun Man in Joseon


K-drama summary and review by Jess



  • Yungang
  • Suin
  • Yeonah
  • Choi Wonsin
  • Hyewon
  • Mr. Yamamoto


Gunman in Joseon


22 episodes. Sila ang mga character na tumatak sa akin. Joseon era, may King, Queen, Court lady. Power Struggle ang tema. Revenge type din.

Sinusulong ng mga scholar ang reporma. Pinapatay ang mga lider ng reformista. Nag-paimbistiga ang hari. Pinapatay sa isang gunman ang tatay ni Park Yungang. Ang sikretong gunman ay si Choi Wonsin. Naakusahan bilang traitor kaya naging slave si Yeonah (nakababatang kapatid ni Yungang). Pinapapatay din si Yungang. Habang patakas si Yungang, binaril siya ni Choi Wonsin. Akala nila patay na si Yungang pero may nakapagligtas sa kanya. Nakarating siya sa Japan. Naging business man at nag-aral humawak ng baril.

Makalipas ang tatlong taon bumalik siya sa Joseon upang linisin ang kanyang pangalan. Hasegawa Hanjo ang ginamit niyang pangalan at bumalik siya bilang isang Japanese Merchant. Si Choi Wonsin ay leader ng mga Peddler. “Hunting Dog” at dating slave. Isa din siyang business man. Nagkaroon sila ng transaction ni Hanjo-san para sa minahan ng ginto.

Nagkita si Lady Suin at Hanjo. Nakikila ni Suin si Hanjo bilang si Park Yungang pero itinangi ito ni Hanjo. Samantala hinahanap din ni Hanjo si Yeonha. Naunahan ni Choi si Yungang sa paghahanap kay Yeonah. Binili niya ito bilang alipin.

Nagpangap bilang explosive expert si Suin upang tulungan si Hyewon sa negosyo. [***ang hirap pala ikwento ng buod ng K-drama hahahaha]

Sa proseso ng pagliligtas ni Yungang kay Yeonah ay nakapatay siya ng dalawang ministro. Nakasagupa din niya si Choi Wonsin. Nalaman din niya kung paano na-frame-up ang tatay niya. Sa paghaharap ng dalawa, nasukol ni Yungang si Wonsin. Dinala si Wonsin sa capital para imbistigahan. Hindi siya umamin dahil mayroon sa loob ng pamahalan na malakas na makakapagligtas sa kanya. Ang Hari mismo ang gumawa ng paglilitis. Naging witness si Hyewon ngunit hindi niya inamin ang kasalanan ng Ama. Naging desisyon ng Hari na convicted si Yungang. Kamatayan ang hatol sa kanya. Sa daan patungo sa lugar kung saan papatayin si Yungang ay inatake sila ng mga swords man. Pasugo ito ng Hari. Niligtas niya si Yungang dahil alam ng Hari na tapat na naglingkod sa kanya ang Ama ni Yungang. Nais din ng hari na malinis ang pangalan ng kanyang lingkod. Nanghingi ng tulong ang hari kay Yungang ngunit siya ay natangihan.

Kinausap ng Hari si Wonsin at Yungang upang tigilan ang bangayan. Pinagbawalan sila na saktan ang isa’t-isa.

Dumating si Mr. Yamamoto sa Joseon. Nagtagisan naman ngayon si Yungang at Wonsin sa larangan ng negosyo. Naging mapangsiil ang negosyo ni Wonsin at Mr. Yamamoto. Naghirap at nagutom ang mga mamayan Joseon dahil sa monopolyo ng bigas. Gumanap si Yungang na parang Robin hood. Ginamit niya ang kanyang baril at kakayanan upang tumulong sa mamamayan ng Joseon. Nasira niya ang negosyo ni Mr. Yamamoto at Wonsin. Pinapatay siya ni Mr. Yamamoto. Sa engkwentro, napatay ni Yungang ang mga hapon na inutusan ni Mr. Yamamoto. Nagalit ang konsulado ng Japan. Once again, fugitive nanaman si Yungang dahil sa nakapatay siya ng hapon. Tumakas sila ni Suin. Habang nasa bundok at nagtatago nasugatan sa paa si Suin. Mga Sundalo at mga peddler sa pamumuno ni Wonsin ang humahabol sa kanila. Naghiwalay si Suin at Yungang sa bundok. Naging pain si Yungang habagng tumatakas si Suin patungo sa Templo kung nasaan si Yeonha. Malapit nang mahuli si Yungang nang dumating ang mga sundalo na pinamumunuan ng isang reformista. Nagplano sila ng coup para ma-overthrone ang hari. Upang napatupad ang reporma na inaasam nila. Naging courtlady si Suin upang maging espiya ng reformista. Habang si Yungang ay naging tagapagturo ng mga sundalo nang paggamit ng baril. Sinagawa nila ang plano. Naipatupad ang reporma na inaasam ngunit dumating ang mga hapon na inaasahang tutulong.

Nakapagpalusot ng mensahe ang reyna. Natawag niya ang Qing army. Natalo ng reyna ang mga reformista.

Samantalang sa isang paghaharap nina Yungang at Wonsin, aksidenteng napatay ni Wonsin ang anak na si Hyewon. Pinagtatalunan nila ang seal ng hari.

Sa pagkatalo ng mga reformista, figutive muli sina Yungang at Suin. Tumakas sila. Sa bundok, hinabol sila ni Wonsin. Sa huling pagkakataon, nagharap sila. Pabilisan at pakisigan. Nanalo si Yungang ngunit hindi niya pinatay si Wonsin. Binaril niya ito sa binti at sa braso. Nagbaril ng sarili si Wonsin sapakat wala na din naman dahilan upang mabuhay siya sapagkawala ng kanyang anak na si Hyewon. 

Nakatakas sina Yungang at Suin. Namuhay sila sa bundok kasama ng ilang mga tagasunod at kaibigan. Si Yungang ay tumutulong pa din sa Joseon sa pamamagitan ng pagligtas sa mga inaapi at pagsugpo sa mga nangaapi. 

...end of summary...

[***hahahaha ngayon pwede na akong mag-react]

Pinanuod ko siya kasi nakita ko na pinapanuod ng ate ko sa youtube. Nakipanood ako. Sa simula parang typical drama na revenge ang tema. Ipinaghihiganti ng anak ang ama. Totoo naman na ganon nga ang mga pangyayari. The amazing thing is that may business side at political theme din. Syempre hindi mawawala ang love story. Panalo ang mga cliffhanger sa dulo sa dulo ng bawat episode. Talagang aabangan mo ang next episode. Kung sa youtube ka nanonood at ang next episode ay available mahirap iwasan ang urge na mag-stream ng tuloy-tuloy. May mga pagkakataon na nag-skip ako. Iyong tipo na babasahin ko na lang ang subtitle tapos double tap sa right side ng screen para ma-fast forward ng ten seconds. Hahahaha kako bakit pinanuod ko pa kung babasahin ko lang pala ang subtitles, sana pala nagbasa na lang ako ng libro. 

Noli at El Fili


Iyong gunman in Joseon ay parallel kay Simon at Ibarra ni Dr. Jose Rizal sa Noli at El Fili. Patriortism. Reform. Lalo sa episode na nabaril si Yungang habang tumatakas sakay ng bangka. Sa part na nagpanggap si Yungang bilang Mr. Yamamoto, kalokalike niya doon si Dr. Rizal talaga.  Instant travel to the past ako after kong ma-relate iyong k-drama sa book. Iyon iyong dalawang nobela na inaral namin noong highschool. Kasabay ng memories ko ng pag-aaral ng mga literature na iyon ay ang mga kalokohan ko noong highschool. Nakakatuwang isipin na sa pamamagitan ng isang K-drama ay pwede kang magkaroon ng memory trigger going to the past. 

Maganda ang dulo ng Gunman. Satisfying para sa akin dahil sa dulo natututong magpatawad ang protagonist at nakasama niya ang mahal niyang si Suin. 

For quite some time, iniwasan ko na ang panunuod ng k-drama dahil meron akong guilt after kong manuod ng ilang episode. Nandoon iyong idea na sinasayang ko ang oras ko sa harap ng screen habang nasa roller coaster of emotions. Nandoon iyong tatawa, kikiligin, matatakot, maiiyak, malulungkot lalo kung talagang nilalagay mo iyong sarili mo sa sitwasyon ng characters. Nandoon din iyong idea na tinataas nito iyong expectations ko. Iyong tipo na maikukumpara ko ang sariling storya sa kwento nila. Whereas di ako maka-pagsettle sa partner na masyadong ordinaryo kasi boring. Pero hindi din sa tao na sobrang adventurous o risk taker kasi nakakatakot naman iyon tsyong. Iyong tipo na kailangan niyo pa malagay sa life or death situation, mala Mission Imposible bago ka magdecide na “Zing” kayo. [***hahahah kay Dracula sa Hotel Transylvania

That is my personal opinion. Pinaaalalahanan ko ang sarili na sa pelikula na si Jess ang bida, si Jess din ang camera man, director, script writer, editor at financer. That is an extraordinary feat, kumpara sa pelikula na napapanood natin kung saan madalas natin makita ang mga actor. Saludo ako sa mga tao sa likod ng camera. 
Kung paano na sa pagharap ko isang maliit na box habang nakakasaksak sa tenga ko ang earphones… paano nila nagawa na buhayin/ma-trigger ang mga emotions? 

Thankyou!

Love,

J.G Villanueva

Saturday, March 21, 2020

COVID19 quarantine vs Jess' regular routine

Diary ng Sales Lady entry no. 14


COVID19 quarantine vs Jess' regular routine


DISCLAIMER: Ang susunod na kwento ay mula sa biased at subjective na point of view ng manunulat. Read at your own risk. Pwede kang matuwa o mainis o kung ano pa mang emosyon ang pwedeng maramdaman depende sa state of mind habang nagbabasa. If you wish to continue to read. Thank you!


COVID19 quarantine



  • Home Office
  • Do Research
  • Read Books
  • Write Blogs
  • Play Chess
  • Watch Movies
  • Study Statistics
  • Study Marketing
  • Study A-mech products
Binge watch!

Natapos panuorin ang Netflix series na Kingdom Season Two sa isang upuan. Direcho yon tsyong, anim na episode, tumatayo lang para mag-cr o uminom ng tubig.

Movie list:

  1. Love Rosie
  2. Salt
  3. Ocean's eight
K-drama
  1. Gunman in Joseon [***22 episodes, malapit ko nang matapos]
Book
  1. The Art of Reading Minds
  2. The Code of the Extraordinary Minds
  3. Dream recall Guide
  4. The Business of the 21st Century
  5. Cashflow Quadrant
Study
  1. Internet Marketing
  2. USANA
  3. Power Point
  4. Excel

Jess' regular routine


Bilang teacher ng senior highschool nagkaraoon ng transition ang routine. Bilang pagrespeto  sa social distancing wala pa akong appointments or meetings. Iyong mga activities na nakalista sa itaas ay dati ko nang ginagawa.

Ilang buwan na pala akong naka-quarantine. Bago pa magkaroon ng virus, active ako sa social distancing at sa mga passive activities.

Ahmm… ano ba ang opinion/feelings ko tungkol sa mga pangyayari ngayon?

Malungkot


Para sa mga nagging biktima


Natatakot


Dahil sa walang kasiguruhan kung ano ang mga susunod na mangyayari sa hinaharap

Masaya


Dahil kasama ang pamilya

Nagpapasalamat


Para sa patuloy na buhay sa kabila ng mga pagsubok

COVID19 quarantine is Jess' regular routine


Love,

J.G. Villanueva

Thursday, March 12, 2020

Just Rants...


Diary ng Sales Lady Entry no. 13

Hi!

A different escape



Nawalan ng kuryente dito kanina. Naging instant sauna ang room 101. Nagdecide ako na matulog. Nakatulog naman ako kahit mainit dahil talent ko ang matulog. Nang magising ako wala pa din kuryente. Mainit kaya naisipan kong pumunta sa SM Central. Kumain ako ng halo-halo sa Chowking. Nagsulat sa journal at nagbasa ng libro. Weird no! Ako lang ang gumagawa ng ganon sa fast food. Iyong mga kasabay ko: kundi may kausap ay nagseselpon.


Lagot



Ngayong linggo, natutunan ko na maaring nasira ko ang pangarap ng mga future statistician sa tatlong section na tinuturuan ko. Wala sa curriculum ang itinuturo ko. Kung may penalty ang DepEd sa mga guro na hindi sumusunod sa kanila, malamang magbabayad ako.


A burning desire to learn



First week ng February ako nagsimulang magturo. Eighty hours ang design ng module na pang-K-12. Meron akong slight guilt feeling, dahil pakiramdam ko ay mali ang ginagawa ko nitong nakaraan mga araw. Pero, inisip ko na lang na kung gusto nilang matutunan ang statistics; internet connection, device (smart phone, tablet, pc/mac) a burning desire to learn and discipline ang kailangan at kaya nila akong ma-surpass. Ang ginagawa ko lang naman ay nag-aaral gabi-gabi bago pumasok at nagrereport sa mga klase. Kahit sinong interesadong high school ay may kakayanan na gawin kung ano ang ginagawa ko. Nakarating ako sa tanong na..

Ano ang desired outcome ko bilang teacher ng statistics?



Ilang araw na lang bago magbakasyon. Anong impression ang gusto kong iwan sa mga estudyante? Bukod sa goal ko na matutunan nila ang itinuturo ko at gusto kong makapasa ang lahat. Proper vision ba ang gusto kong mangyari? May karapatan ba ako na mag set ng goal para sa kanila. O dapat akong mag set ng standard para sa sarili ko?


Tanongs


Noong tinanggap ko ang job offer bilang Technical Sales Engineer; Tinanong ko din ang sarili ko tungkol sa maraming tanong.



Hinanapan ko ng reasons. Ginawan ko ng kwento. Syempre para mapapaniwala ko ang sarili ko na may magandang dahilan kung bakit ako gumigising araw-araw. Narating ko ang conclusion na ang “Best Sales Person” ay ang mga taong nag-invest sa sarili. Pina-unlad nila personality at may mahusay na communication skill. Bonus din na ang produkto at serbisyo na ibinibigay ay naka-align sa lahat ng pinag-aralan ko noong college.


Awkward 



Nagagawa kong makipag-usap sa isang tao. Makakasagot, makakapagtanong at makakapag-kwento ako. Sa dalawang kausap ay public speaking ang nangyayari at nanginginig ang utot ko. Pinapawisan ng matindi ang kamay ko at nandoon na din ang tendency na mag-stutter. Pang one on one o heart to heart talk ako. Depende pa din iyon sa kausap at sa topic na pinag-uusapan. This past week, sablay ang A-mech at Comteq balance ng career ko. I must apologize.



Pero... Congratulations din kay Jess, dahil nandiyan ka pa din despite the odds.

Epic trip 



Last week, lumuwas ako para sa isang meeting. Ang problema late ako ng isang oras. Naransan ko gamitin ang Angkas App. Entertaining ang naging experience at thoughtful ang driver. Nagkukwento siya at palagi niya ako kinukumusta kung okay lang ako. Habang nasa “Lugawan ni Tonyo” ako at naghihintay sa aking angkas ride. Nagpark sa harap ko iyong dream car ko. [***hahahaha] May dream car ba ang lahat ng tao? [***ewan ko, siguro isa ‘yon sa mga abnormal features ni Jess] Gusto ko ng Suzuki Jimny Sierra. So ayun nga, nagpark siya sa harap ko, kako next time ako na ang nakaupo sa driver seat at ang may hawak ng steering wheel. Dumating ako sa location sa BGC pero nagsisimula na ang meeting. Hinyaan ko na sila manager. Kumain na lang ako sa KFC. Natawa na lang ako. Lumuwas ako para mag-almusal sa KFC sa BGC. Whooooo! Frustrated ako ng araw na ‘yon. Ayos lang sa akin ang malayong byahe basta for a reason. Naiinis ako kapag para lang sa wala ang pagbyahe.



I am basically ranting in this post.

Thank you for hearing me out.

Nitong weekend, sumali ako sa chess tournament. I am back on board. Na-miss ko iyon. Enjoy sobra. Feeling ko rewind back in time.

I love this game!




Ang suma ng mga pangyayari... is that I am still blessed with amazing life and amazing people around me.



Love,

J. G. Villanueva

Thursday, March 5, 2020

Straw Hat

Diary ng Sales Lady Entry no. 12


Straw Hat


Kung nabasa mo ang post ko tungkol sa speech, nabanggit ko doon na isa akong semi-tahimik na tao.

[***seriously? hindi mo pa nabasa 'yong post ko na nag-claim na isa akong introvert dati?.. hmph, tampo na ako.. basahin mo un ahh..]


Jess' vocabulary:

  • semi-tahimik
    • dating tahimik at on the process of looking for the right words to say
  • semi-speaker
    • nangagarap maging professional speaker

Jess wearing a straw hat

Merong kwento kung bakit ako tahimik


Noong pumasok ako sa school, kinder, five years old; isa ako sa pinakatahimik na bata. To the point na ilang taon pa school at ako na ang taga lista ng maiingay na kaklase. 

Kaya napunta ako sa ganitong conclusion. Umupo ako sa thinking chair, exept I did the Dr, Strange pose, habang suot ko ang straw hat kaya feeling ko meron akong aura ni luffy. [***naimagine mo ba?]


imagine mo si jess na nakasuot ng straw hat at naka-indian seat sa thinking chair tulad ng sa blue's clues



[***hahahaha]

Tinanong ko si Jess mula sa past kung paano nag-evolve ang tahimik niyang character, Naniniwala ako na kung maiintindihan ang nakaraan ay magkakaroon ako ng magandang vision for the future at pwede akong mabuhay ng maligaya sa present.

Ganito ang mga ganap sa nakaraan…


Ayon sa saking self-diagnosis, positive ako sa "ASPERGER SYNDROME"

Asperger syndrome (AS), also known as Asperger's, is a developmental disorder characterised by significant difficulties in social interaction and nonverbal communication, along with restricted and repetitive patterns of behavior and interests.


Natagpuan ko ang sarili ko na walang interes sa ibang mga bata. Bukod sa meron din akong frame of thinking na bilang anak ng isang magsasaka, bihira ang magbibigay sa akin ng malaking importansya. "Taga-bukid kami" dahil may perspective na nahahati ang society sa classes. Nilagay ko ang pamilya namin sa lower class.




Hindi ako nakihalubilo sa mga taong inaakala kong nasa level na mas mataas kumpara sa akin. Its a trap! Nalunod ako sa distorted point of view na nabuo sa utak ko noong five years old pa lang ako. Meron term si Mr. Vishen para dito. BRULE. Bullshit rule. Societal rules/paradigm/perspective na humahadlang sa ikakaunlad natin bilang indibidwal at nararapat palitan/itapon. Upang bigyang daan ang mahusay na model of reality. [***kay Mr. Vishen ko din natutunan ang Asperger Syndrome]


Sa ibang angulo ng camera at tama ng liwanag



with the most beautiful mother: Ina

Ipinagmalaki ko ang aking mga magulang at ang ikinabubuhay nila. Kung bakit kami nakasuot ng sombrero kahit nasa loob kami ng bahay ay ewan. [***hahaha] Isang umaga nakaupo ako sa ilalim ng kaimito sa tabi ng bahay namin sa bukid. Malamig ang simoy ng hangin na perfect contrast sa mainit na kape. Nagkaroon ako ng "eureka" moment. Naisip ko na ang mga tao ay naglalakad na power plant. Tayo ang ultimate source of magnificence and power. At araw-araw kumakayod ang mga magulang ko para sa fuel natin. Ano ba ang fuel ng tao? Pagkain syempre. Bilang Pilipino na mahilig sa kanin. Gusto kong magpasalamat sa ambag ng mga magulang ko sa industriya ng palay, bigas at kanin.

Sa araw-araw nating routine. Ang basic na pinagmumulan ng energy ay ang bawat indibidwal. The energy of our thoughts. The energy of our motions. Emotions can be our curse or our magic.

Noong natutunan natin magtayo ng power plant, nagkaroon tayo ng kakayanan na palaguin ang energy in an exponential level. Converting it from one from into another. (Thermodynamics)

with the best "Ama" ever
   The very proof of our magic is that you are reading this. Nagsulat ako sa ibang oras, sa ibang lugar at sa ibang medium pero nababasa mo ito under a different circumstance. Habang nagbabasa ka ngayon, may several posibilites: nagbabasa ka gamit ang device...

1. smart phone
2. tablet
3. desktop
4. mac/iPhone/ipad

Alam mo ba kung paano nangyari yon?



Noong nakaraang buwan, may magsasaka na nagtamin ng palay. Tapos, naka-ani sila. Iyong palay, naging bigas nang dalhin sa ricemill. Syempre sinaing iyong bigas. Ngayon kumain si Engineer bago siya pumasok sa planta. Doon sa planta, nagsusunog sila ng uling. Ginagamit ang init ng uling para magpakulo ng tubig. Nagkakaroon ng steam kapag kumulo ang tubig. Sa tamang kondisyon, makakapag-paikot ng turbina ang steam. Habang ang turbina ay nakakabit sa generator. Makakagawa ng kuryente ang mga coils at magnetic field sa generator. Dadaan sa mga transformer sa grid ang energy para sa regulasyon. Mapa-Penelco o Meralco o kahit saan pa man kayo nagpakabit ng kuntador. Iyong device mo ngayon na in-charge mo kanina o kagabi o kahapon ay gumagana dahil sa madaming factors at isa dito ang cycle na kinuwento ko.


Noon at Ngayon


Noong bata pa ako, tinatago ko na isa akong tagabukid.  Iniiwasan kong makipag-usap sa mga kapwa bata sa takot na matanong kung saan ako nakatira. Tinuring ko itong dark secret. Parang kili-kili. Madalas itago sa t-shirt kasi may sleeve. Bihira itaas ang braso para safe. Sa katunayan, nakasanayan itong ipangalandakan kung maputi at flawless. Samantalang kung susundin ang natural order, literal na may dark secret ka. Kapag ilang buwan ka nang hindi nag-ahit o nagbunot na buhok sa kili-kili. [***hahahahah wala na bang mas magandang analogy para dito] On a serious note, dapat tayong pumili ng model of reality na empowering. 

Ngayon, sa daily ng grind ng mga magulang ko sa process ng pagbubukid. Hinahanda nila ang raw material ng pagkain natin. Isa sila sa primary source ng fuel ng mga tao Nagpapasalamat ako sa kanila at sa iba pang magsasaka. Dahil sa kanila all other things are possible. Makakapag-code ng busog ang isang I.T. Makakapag-CAD ng mahusay ang isang designer dahil hindi niya pinproblema kung may bigas pa ba. Makakapag-repair ng maayos ang isang mekaniko dahil alam niyang may makakain siya pagkatapos. Ain't that beautiful! 


Forget the classes and division of society described in a linear manner. Let us dive into the unknown cycle of the magical universe.

Love,

J. G. Villanueva

Wednesday, February 26, 2020

Do you ever feel like home is too comfortable?

"Comfort is the enemy of growth"



Wala pa akong isang buwan sa pagtuturo, pero iniisip ko na kung magtuturo ako sa next school year o hindi na.  

Ano sa tingin mo?


Hmmm...

Kanina habang nasa UV pauwi ng Bataan galing Harbor Point, nagkukwentuhan ng malakas ang dalawa sa kasakay ko. Ang ingay nila! Kaya naglabas ako ng earphones at nag-set ng spotify. Typically, normal na music ang papakinggan ko. Nagkataon lang na medyo badtrip ako kanina. Pinili kong makinig sa podcast. Si Mr. Eric Edmeads ang speaker at ang topic ay about speaking.

Alam mo ba!?




Isa akong slightly tahimik na tao. [***slighlty lang kasi kako from introvert gusto kong maging ambivert] Kahit tahimik ako, isa sa pangarap ko ang maging professional speaker. Iyong tipo na magsasalita ka lang tapos parang hypnotized na makikinig sa'yo ang mga tao. Ang unang speech na ginawa ko ay noong third year highschool. Requirement namin sa subject. Tapos simula ng araw na iyon, ginusto ko, na maging valedictorian kasi bet ko mag-deliver ng speech. Kaya lang di kinaya ng powers ko. Nasa Jose Rizal Institute ako noon, sa top section. Sinuwerteng napasama ako unang section. Nasa dulo ako ng listahan madalas. Naka-arrange ang list based sa general average. Hanggang tenth honorable mention lang ang kinaya ng powers ko. Isa pa, hindi rin nga pala ako nagpunta sa graduation ceremony kaya hindi natupad ang pangarap kong mag-deliver ng valedictory speech. 

Visit this link for an interesting talk.

Semi-speaker din ang teacher at sales person


Bilang teacher... Nakita ko na opportunity iyon para mahasa ang aking speaking ability. Pasmado ako. Naglalabak [***oo, naglalabak talaga kasi hindi lang basa... kundi basang-basa hahaha] at nangingig ang kamay ko kapag humaharap sa mga tao. Kapag nakikipag-usap sa mga Engineer o sa mga Manager, nandoon iyong inferioty complex siguro. Possible din na kulang sa praktis. 

Gusto ko sa bahay ng mga magulang ko, walang duda


Kapag nasa bahay lang ako, sobrang kumportable. To the point na pwede akong matulog maghapon at kakain pa din ako ng tatlong beses isang araw. Tuwing kakain ang mga magulang ko, tinatawag nila ako syempre. Nagdesisyon ako na gusto kong lumayo ng konti, para matuto kunwari. [***rhyme yon tsong!] Hindi dahil sa away ko ng ulam kundi dahil parang overstaying na ako at walang progress. Nag-aamoy stagnation. Kaya sinusubukan kong gumawa ng flow.

Mini-challenge 


Konting challenge para matutunan kong maging responsable sa sarili. Para maranasan ko din mag-isip ng kung anong kakainin ko sa araw-araw at kung paano ako mag set-up ng bagong routines at habits.


Pinilit ko ang sarili ko na lumabas sa comfort zone. Mahal na mahal ako ng mga magulang ko. Nagpapasalamat ako sa lahat. Alam kong hindi nila ako pipilitin na magsarili. Ayos lang sa kanila; kahit na dalawang dekada at dalawang taon na ako sa mundo pero pakainin pa din. 

Mahirap, totoo. Bongang adjustments, pero kakayanin!

Fighting!

Love,

J. G. Villanueva๐Ÿ’•




Tuesday, February 25, 2020

The Code of the Extraordinary Mind


Diary ng Sales Lady Entry no. 11



[***Waahh!!! Wala akong post last week]



Ano bang mga kaganapan?



Ahmm…



Nakakuha na ako ng passport. 



Walang klase ang mga senior high this week kaya medyo nagcecelebrate din ako dahil ibig sabihin nito. Wala akong pasok!



Nangangapa ako ng very slight sa Sistema ng Grading. Keri naman makaka-adapt din.



Kwentong mekaniko naman…

Noong isang araw, nakakita ako ng actual pump na binubuksan. Isa sa mga pangarap ko 'yon. Ano ba ang itsura ng loob ng pump?

YQH = P

Y- specific weight [***gamma dapat yan haha]

Q- Volume Flow Rate

H- Head

P- Power



Tinanong ako ng tunay na Engineer tungkol sa parts at function. Nakakahiya dahil sa lahat ng tinanong ang sagot ko ay "hindi ko po alam".. ):



Nanuod ako sa ginagawa nila, pero nahiya ako mag volunteer kahit simpleng assist lang. Iyong tipong taga abot ng torque wrench o kahit taga alalay lang ng kahit ano. Ang weird, kasi sanay ako mag-assist sa tatay ko. Hindi ako sigurado kung pagkakatiwalaan nila ako sa trabaho. Siguro konting tambay at kwento pa, makakatulong din ako. Sa susunod na punta ko sa talyer, hindi ako mag-lilipstick. Medyo out of character yata kapag bright red ang lips ng assistant. Gusto kong matutunan ang mga bagay-bagay.

Binabasa ko pa din ang libro na Code of the Extraordinary Mind by Mr. Vishen Lakhiani.



Ang ganda ng mga insights. May quote doon si Mike Dooley.




True brilliance is not a function of understanding one’s view of the world and finding order, logic and spirituality in it. True brilliance is understanding that your view of order, logic and spirituality is what created your world and therefore being forever capable of changing everything.



Love,

J. G. Villanueva ๐Ÿ’•

Saturday, February 15, 2020

Happy Hearts Day ๐Ÿ’•

Diary ng Sales lady Entry no. 10




Happy Valentines Day  nung Friday.. ๐Ÿ™‚

Dahil sa kalilipas na heart week..

Mag Thank You Post tayo.


Thank you sa aking mga Magulang para sa pagsilang sa akin sa mundong ibabaw

Thank you sa aking kapatid, para sa experiences together

Thank you sa extended family tito, tita at mga pinsan na nagsilbing inspiration, support at motivation

Thank you sa mga opportunity na bumubukas para sa akin

Thank you sa mga bagong kaibigan

Thank you sa mga dating kaibigan

Thank you sa mga estudyante

Thank you sa mga bagong environment

Sorry... Kung sakali na sa mga past actions ko ay nakasakit ako nang feelings

Love,

J. G. Villanueva

Liked this page?
Visit the blog page.