Share this

Wednesday, March 25, 2020

Gunman in Joseon


Diary ng Sales Lady Entry no. 15

Gun Man in Joseon


K-drama summary and review by Jess



  • Yungang
  • Suin
  • Yeonah
  • Choi Wonsin
  • Hyewon
  • Mr. Yamamoto


Gunman in Joseon


22 episodes. Sila ang mga character na tumatak sa akin. Joseon era, may King, Queen, Court lady. Power Struggle ang tema. Revenge type din.

Sinusulong ng mga scholar ang reporma. Pinapatay ang mga lider ng reformista. Nag-paimbistiga ang hari. Pinapatay sa isang gunman ang tatay ni Park Yungang. Ang sikretong gunman ay si Choi Wonsin. Naakusahan bilang traitor kaya naging slave si Yeonah (nakababatang kapatid ni Yungang). Pinapapatay din si Yungang. Habang patakas si Yungang, binaril siya ni Choi Wonsin. Akala nila patay na si Yungang pero may nakapagligtas sa kanya. Nakarating siya sa Japan. Naging business man at nag-aral humawak ng baril.

Makalipas ang tatlong taon bumalik siya sa Joseon upang linisin ang kanyang pangalan. Hasegawa Hanjo ang ginamit niyang pangalan at bumalik siya bilang isang Japanese Merchant. Si Choi Wonsin ay leader ng mga Peddler. “Hunting Dog” at dating slave. Isa din siyang business man. Nagkaroon sila ng transaction ni Hanjo-san para sa minahan ng ginto.

Nagkita si Lady Suin at Hanjo. Nakikila ni Suin si Hanjo bilang si Park Yungang pero itinangi ito ni Hanjo. Samantala hinahanap din ni Hanjo si Yeonha. Naunahan ni Choi si Yungang sa paghahanap kay Yeonah. Binili niya ito bilang alipin.

Nagpangap bilang explosive expert si Suin upang tulungan si Hyewon sa negosyo. [***ang hirap pala ikwento ng buod ng K-drama hahahaha]

Sa proseso ng pagliligtas ni Yungang kay Yeonah ay nakapatay siya ng dalawang ministro. Nakasagupa din niya si Choi Wonsin. Nalaman din niya kung paano na-frame-up ang tatay niya. Sa paghaharap ng dalawa, nasukol ni Yungang si Wonsin. Dinala si Wonsin sa capital para imbistigahan. Hindi siya umamin dahil mayroon sa loob ng pamahalan na malakas na makakapagligtas sa kanya. Ang Hari mismo ang gumawa ng paglilitis. Naging witness si Hyewon ngunit hindi niya inamin ang kasalanan ng Ama. Naging desisyon ng Hari na convicted si Yungang. Kamatayan ang hatol sa kanya. Sa daan patungo sa lugar kung saan papatayin si Yungang ay inatake sila ng mga swords man. Pasugo ito ng Hari. Niligtas niya si Yungang dahil alam ng Hari na tapat na naglingkod sa kanya ang Ama ni Yungang. Nais din ng hari na malinis ang pangalan ng kanyang lingkod. Nanghingi ng tulong ang hari kay Yungang ngunit siya ay natangihan.

Kinausap ng Hari si Wonsin at Yungang upang tigilan ang bangayan. Pinagbawalan sila na saktan ang isa’t-isa.

Dumating si Mr. Yamamoto sa Joseon. Nagtagisan naman ngayon si Yungang at Wonsin sa larangan ng negosyo. Naging mapangsiil ang negosyo ni Wonsin at Mr. Yamamoto. Naghirap at nagutom ang mga mamayan Joseon dahil sa monopolyo ng bigas. Gumanap si Yungang na parang Robin hood. Ginamit niya ang kanyang baril at kakayanan upang tumulong sa mamamayan ng Joseon. Nasira niya ang negosyo ni Mr. Yamamoto at Wonsin. Pinapatay siya ni Mr. Yamamoto. Sa engkwentro, napatay ni Yungang ang mga hapon na inutusan ni Mr. Yamamoto. Nagalit ang konsulado ng Japan. Once again, fugitive nanaman si Yungang dahil sa nakapatay siya ng hapon. Tumakas sila ni Suin. Habang nasa bundok at nagtatago nasugatan sa paa si Suin. Mga Sundalo at mga peddler sa pamumuno ni Wonsin ang humahabol sa kanila. Naghiwalay si Suin at Yungang sa bundok. Naging pain si Yungang habagng tumatakas si Suin patungo sa Templo kung nasaan si Yeonha. Malapit nang mahuli si Yungang nang dumating ang mga sundalo na pinamumunuan ng isang reformista. Nagplano sila ng coup para ma-overthrone ang hari. Upang napatupad ang reporma na inaasam nila. Naging courtlady si Suin upang maging espiya ng reformista. Habang si Yungang ay naging tagapagturo ng mga sundalo nang paggamit ng baril. Sinagawa nila ang plano. Naipatupad ang reporma na inaasam ngunit dumating ang mga hapon na inaasahang tutulong.

Nakapagpalusot ng mensahe ang reyna. Natawag niya ang Qing army. Natalo ng reyna ang mga reformista.

Samantalang sa isang paghaharap nina Yungang at Wonsin, aksidenteng napatay ni Wonsin ang anak na si Hyewon. Pinagtatalunan nila ang seal ng hari.

Sa pagkatalo ng mga reformista, figutive muli sina Yungang at Suin. Tumakas sila. Sa bundok, hinabol sila ni Wonsin. Sa huling pagkakataon, nagharap sila. Pabilisan at pakisigan. Nanalo si Yungang ngunit hindi niya pinatay si Wonsin. Binaril niya ito sa binti at sa braso. Nagbaril ng sarili si Wonsin sapakat wala na din naman dahilan upang mabuhay siya sapagkawala ng kanyang anak na si Hyewon. 

Nakatakas sina Yungang at Suin. Namuhay sila sa bundok kasama ng ilang mga tagasunod at kaibigan. Si Yungang ay tumutulong pa din sa Joseon sa pamamagitan ng pagligtas sa mga inaapi at pagsugpo sa mga nangaapi. 

...end of summary...

[***hahahaha ngayon pwede na akong mag-react]

Pinanuod ko siya kasi nakita ko na pinapanuod ng ate ko sa youtube. Nakipanood ako. Sa simula parang typical drama na revenge ang tema. Ipinaghihiganti ng anak ang ama. Totoo naman na ganon nga ang mga pangyayari. The amazing thing is that may business side at political theme din. Syempre hindi mawawala ang love story. Panalo ang mga cliffhanger sa dulo sa dulo ng bawat episode. Talagang aabangan mo ang next episode. Kung sa youtube ka nanonood at ang next episode ay available mahirap iwasan ang urge na mag-stream ng tuloy-tuloy. May mga pagkakataon na nag-skip ako. Iyong tipo na babasahin ko na lang ang subtitle tapos double tap sa right side ng screen para ma-fast forward ng ten seconds. Hahahaha kako bakit pinanuod ko pa kung babasahin ko lang pala ang subtitles, sana pala nagbasa na lang ako ng libro. 

Noli at El Fili


Iyong gunman in Joseon ay parallel kay Simon at Ibarra ni Dr. Jose Rizal sa Noli at El Fili. Patriortism. Reform. Lalo sa episode na nabaril si Yungang habang tumatakas sakay ng bangka. Sa part na nagpanggap si Yungang bilang Mr. Yamamoto, kalokalike niya doon si Dr. Rizal talaga.  Instant travel to the past ako after kong ma-relate iyong k-drama sa book. Iyon iyong dalawang nobela na inaral namin noong highschool. Kasabay ng memories ko ng pag-aaral ng mga literature na iyon ay ang mga kalokohan ko noong highschool. Nakakatuwang isipin na sa pamamagitan ng isang K-drama ay pwede kang magkaroon ng memory trigger going to the past. 

Maganda ang dulo ng Gunman. Satisfying para sa akin dahil sa dulo natututong magpatawad ang protagonist at nakasama niya ang mahal niyang si Suin. 

For quite some time, iniwasan ko na ang panunuod ng k-drama dahil meron akong guilt after kong manuod ng ilang episode. Nandoon iyong idea na sinasayang ko ang oras ko sa harap ng screen habang nasa roller coaster of emotions. Nandoon iyong tatawa, kikiligin, matatakot, maiiyak, malulungkot lalo kung talagang nilalagay mo iyong sarili mo sa sitwasyon ng characters. Nandoon din iyong idea na tinataas nito iyong expectations ko. Iyong tipo na maikukumpara ko ang sariling storya sa kwento nila. Whereas di ako maka-pagsettle sa partner na masyadong ordinaryo kasi boring. Pero hindi din sa tao na sobrang adventurous o risk taker kasi nakakatakot naman iyon tsyong. Iyong tipo na kailangan niyo pa malagay sa life or death situation, mala Mission Imposible bago ka magdecide na “Zing” kayo. [***hahahah kay Dracula sa Hotel Transylvania

That is my personal opinion. Pinaaalalahanan ko ang sarili na sa pelikula na si Jess ang bida, si Jess din ang camera man, director, script writer, editor at financer. That is an extraordinary feat, kumpara sa pelikula na napapanood natin kung saan madalas natin makita ang mga actor. Saludo ako sa mga tao sa likod ng camera. 
Kung paano na sa pagharap ko isang maliit na box habang nakakasaksak sa tenga ko ang earphones… paano nila nagawa na buhayin/ma-trigger ang mga emotions? 

Thankyou!

Love,

J.G Villanueva