Share this

Straw Hat

Diary ng Sales Lady Entry no. 12


Straw Hat


Kung nabasa mo ang post ko tungkol sa speech, nabanggit ko doon na isa akong semi-tahimik na tao.

[***seriously? hindi mo pa nabasa 'yong post ko na nag-claim na isa akong introvert dati?.. hmph, tampo na ako.. basahin mo un ahh..]


Jess' vocabulary:

  • semi-tahimik
    • dating tahimik at on the process of looking for the right words to say
  • semi-speaker
    • nangagarap maging professional speaker

Jess wearing a straw hat

Merong kwento kung bakit ako tahimik


Noong pumasok ako sa school, kinder, five years old; isa ako sa pinakatahimik na bata. To the point na ilang taon pa school at ako na ang taga lista ng maiingay na kaklase. 

Kaya napunta ako sa ganitong conclusion. Umupo ako sa thinking chair, exept I did the Dr, Strange pose, habang suot ko ang straw hat kaya feeling ko meron akong aura ni luffy. [***naimagine mo ba?]


imagine mo si jess na nakasuot ng straw hat at naka-indian seat sa thinking chair tulad ng sa blue's clues



[***hahahaha]

Tinanong ko si Jess mula sa past kung paano nag-evolve ang tahimik niyang character, Naniniwala ako na kung maiintindihan ang nakaraan ay magkakaroon ako ng magandang vision for the future at pwede akong mabuhay ng maligaya sa present.

Ganito ang mga ganap sa nakaraan…


Ayon sa saking self-diagnosis, positive ako sa "ASPERGER SYNDROME"

Asperger syndrome (AS), also known as Asperger's, is a developmental disorder characterised by significant difficulties in social interaction and nonverbal communication, along with restricted and repetitive patterns of behavior and interests.


Natagpuan ko ang sarili ko na walang interes sa ibang mga bata. Bukod sa meron din akong frame of thinking na bilang anak ng isang magsasaka, bihira ang magbibigay sa akin ng malaking importansya. "Taga-bukid kami" dahil may perspective na nahahati ang society sa classes. Nilagay ko ang pamilya namin sa lower class.




Hindi ako nakihalubilo sa mga taong inaakala kong nasa level na mas mataas kumpara sa akin. Its a trap! Nalunod ako sa distorted point of view na nabuo sa utak ko noong five years old pa lang ako. Meron term si Mr. Vishen para dito. BRULE. Bullshit rule. Societal rules/paradigm/perspective na humahadlang sa ikakaunlad natin bilang indibidwal at nararapat palitan/itapon. Upang bigyang daan ang mahusay na model of reality. [***kay Mr. Vishen ko din natutunan ang Asperger Syndrome]


Sa ibang angulo ng camera at tama ng liwanag



with the most beautiful mother: Ina

Ipinagmalaki ko ang aking mga magulang at ang ikinabubuhay nila. Kung bakit kami nakasuot ng sombrero kahit nasa loob kami ng bahay ay ewan. [***hahaha] Isang umaga nakaupo ako sa ilalim ng kaimito sa tabi ng bahay namin sa bukid. Malamig ang simoy ng hangin na perfect contrast sa mainit na kape. Nagkaroon ako ng "eureka" moment. Naisip ko na ang mga tao ay naglalakad na power plant. Tayo ang ultimate source of magnificence and power. At araw-araw kumakayod ang mga magulang ko para sa fuel natin. Ano ba ang fuel ng tao? Pagkain syempre. Bilang Pilipino na mahilig sa kanin. Gusto kong magpasalamat sa ambag ng mga magulang ko sa industriya ng palay, bigas at kanin.

Sa araw-araw nating routine. Ang basic na pinagmumulan ng energy ay ang bawat indibidwal. The energy of our thoughts. The energy of our motions. Emotions can be our curse or our magic.

Noong natutunan natin magtayo ng power plant, nagkaroon tayo ng kakayanan na palaguin ang energy in an exponential level. Converting it from one from into another. (Thermodynamics)

with the best "Ama" ever
   The very proof of our magic is that you are reading this. Nagsulat ako sa ibang oras, sa ibang lugar at sa ibang medium pero nababasa mo ito under a different circumstance. Habang nagbabasa ka ngayon, may several posibilites: nagbabasa ka gamit ang device...

1. smart phone
2. tablet
3. desktop
4. mac/iPhone/ipad

Alam mo ba kung paano nangyari yon?



Noong nakaraang buwan, may magsasaka na nagtamin ng palay. Tapos, naka-ani sila. Iyong palay, naging bigas nang dalhin sa ricemill. Syempre sinaing iyong bigas. Ngayon kumain si Engineer bago siya pumasok sa planta. Doon sa planta, nagsusunog sila ng uling. Ginagamit ang init ng uling para magpakulo ng tubig. Nagkakaroon ng steam kapag kumulo ang tubig. Sa tamang kondisyon, makakapag-paikot ng turbina ang steam. Habang ang turbina ay nakakabit sa generator. Makakagawa ng kuryente ang mga coils at magnetic field sa generator. Dadaan sa mga transformer sa grid ang energy para sa regulasyon. Mapa-Penelco o Meralco o kahit saan pa man kayo nagpakabit ng kuntador. Iyong device mo ngayon na in-charge mo kanina o kagabi o kahapon ay gumagana dahil sa madaming factors at isa dito ang cycle na kinuwento ko.


Noon at Ngayon


Noong bata pa ako, tinatago ko na isa akong tagabukid.  Iniiwasan kong makipag-usap sa mga kapwa bata sa takot na matanong kung saan ako nakatira. Tinuring ko itong dark secret. Parang kili-kili. Madalas itago sa t-shirt kasi may sleeve. Bihira itaas ang braso para safe. Sa katunayan, nakasanayan itong ipangalandakan kung maputi at flawless. Samantalang kung susundin ang natural order, literal na may dark secret ka. Kapag ilang buwan ka nang hindi nag-ahit o nagbunot na buhok sa kili-kili. [***hahahahah wala na bang mas magandang analogy para dito] On a serious note, dapat tayong pumili ng model of reality na empowering. 

Ngayon, sa daily ng grind ng mga magulang ko sa process ng pagbubukid. Hinahanda nila ang raw material ng pagkain natin. Isa sila sa primary source ng fuel ng mga tao Nagpapasalamat ako sa kanila at sa iba pang magsasaka. Dahil sa kanila all other things are possible. Makakapag-code ng busog ang isang I.T. Makakapag-CAD ng mahusay ang isang designer dahil hindi niya pinproblema kung may bigas pa ba. Makakapag-repair ng maayos ang isang mekaniko dahil alam niyang may makakain siya pagkatapos. Ain't that beautiful! 


Forget the classes and division of society described in a linear manner. Let us dive into the unknown cycle of the magical universe.

Love,

J. G. Villanueva

No comments:

Post a Comment