Share this

Just Rants...


Diary ng Sales Lady Entry no. 13

Hi!

A different escape



Nawalan ng kuryente dito kanina. Naging instant sauna ang room 101. Nagdecide ako na matulog. Nakatulog naman ako kahit mainit dahil talent ko ang matulog. Nang magising ako wala pa din kuryente. Mainit kaya naisipan kong pumunta sa SM Central. Kumain ako ng halo-halo sa Chowking. Nagsulat sa journal at nagbasa ng libro. Weird no! Ako lang ang gumagawa ng ganon sa fast food. Iyong mga kasabay ko: kundi may kausap ay nagseselpon.


Lagot



Ngayong linggo, natutunan ko na maaring nasira ko ang pangarap ng mga future statistician sa tatlong section na tinuturuan ko. Wala sa curriculum ang itinuturo ko. Kung may penalty ang DepEd sa mga guro na hindi sumusunod sa kanila, malamang magbabayad ako.


A burning desire to learn



First week ng February ako nagsimulang magturo. Eighty hours ang design ng module na pang-K-12. Meron akong slight guilt feeling, dahil pakiramdam ko ay mali ang ginagawa ko nitong nakaraan mga araw. Pero, inisip ko na lang na kung gusto nilang matutunan ang statistics; internet connection, device (smart phone, tablet, pc/mac) a burning desire to learn and discipline ang kailangan at kaya nila akong ma-surpass. Ang ginagawa ko lang naman ay nag-aaral gabi-gabi bago pumasok at nagrereport sa mga klase. Kahit sinong interesadong high school ay may kakayanan na gawin kung ano ang ginagawa ko. Nakarating ako sa tanong na..

Ano ang desired outcome ko bilang teacher ng statistics?



Ilang araw na lang bago magbakasyon. Anong impression ang gusto kong iwan sa mga estudyante? Bukod sa goal ko na matutunan nila ang itinuturo ko at gusto kong makapasa ang lahat. Proper vision ba ang gusto kong mangyari? May karapatan ba ako na mag set ng goal para sa kanila. O dapat akong mag set ng standard para sa sarili ko?


Tanongs


Noong tinanggap ko ang job offer bilang Technical Sales Engineer; Tinanong ko din ang sarili ko tungkol sa maraming tanong.



Hinanapan ko ng reasons. Ginawan ko ng kwento. Syempre para mapapaniwala ko ang sarili ko na may magandang dahilan kung bakit ako gumigising araw-araw. Narating ko ang conclusion na ang “Best Sales Person” ay ang mga taong nag-invest sa sarili. Pina-unlad nila personality at may mahusay na communication skill. Bonus din na ang produkto at serbisyo na ibinibigay ay naka-align sa lahat ng pinag-aralan ko noong college.


Awkward 



Nagagawa kong makipag-usap sa isang tao. Makakasagot, makakapagtanong at makakapag-kwento ako. Sa dalawang kausap ay public speaking ang nangyayari at nanginginig ang utot ko. Pinapawisan ng matindi ang kamay ko at nandoon na din ang tendency na mag-stutter. Pang one on one o heart to heart talk ako. Depende pa din iyon sa kausap at sa topic na pinag-uusapan. This past week, sablay ang A-mech at Comteq balance ng career ko. I must apologize.



Pero... Congratulations din kay Jess, dahil nandiyan ka pa din despite the odds.

Epic trip 



Last week, lumuwas ako para sa isang meeting. Ang problema late ako ng isang oras. Naransan ko gamitin ang Angkas App. Entertaining ang naging experience at thoughtful ang driver. Nagkukwento siya at palagi niya ako kinukumusta kung okay lang ako. Habang nasa “Lugawan ni Tonyo” ako at naghihintay sa aking angkas ride. Nagpark sa harap ko iyong dream car ko. [***hahahaha] May dream car ba ang lahat ng tao? [***ewan ko, siguro isa ‘yon sa mga abnormal features ni Jess] Gusto ko ng Suzuki Jimny Sierra. So ayun nga, nagpark siya sa harap ko, kako next time ako na ang nakaupo sa driver seat at ang may hawak ng steering wheel. Dumating ako sa location sa BGC pero nagsisimula na ang meeting. Hinyaan ko na sila manager. Kumain na lang ako sa KFC. Natawa na lang ako. Lumuwas ako para mag-almusal sa KFC sa BGC. Whooooo! Frustrated ako ng araw na ‘yon. Ayos lang sa akin ang malayong byahe basta for a reason. Naiinis ako kapag para lang sa wala ang pagbyahe.



I am basically ranting in this post.

Thank you for hearing me out.

Nitong weekend, sumali ako sa chess tournament. I am back on board. Na-miss ko iyon. Enjoy sobra. Feeling ko rewind back in time.

I love this game!




Ang suma ng mga pangyayari... is that I am still blessed with amazing life and amazing people around me.



Love,

J. G. Villanueva

No comments:

Post a Comment