Share this

Wednesday, July 24, 2019

Tandaan: Kung gustong makahanap ng magandang upuan, pumasok ng maaga!




Noong minsang may sumingit sa pila


Regular review. Nakapila ako sa labas ng Room 404. Alastres pa lang. Ang simula ng klase ay alaskuatro. Bandang alastres y media. May sumingit sa pila. Sa harap ko pa talaga.

Naghalo ang balat sa tinalupan


Ako: 👿

Singit: 😮

Ako: Excuse me. Miss anong oras ka dumating?

Singit: 3:30

Ako: May mga dumating ng mas maaga kesainyo. Mahiya naman kayo sa mga kanina pa nandito. Iyon ay kung marunong kayo 'non. If yes, good punta kayo sa likod. If no, maawa na lang ako sa sarili ko dahil nagsayang ako ng laway sa inyo

Singit: ***punta sa likod

Oh well


Na-imagine ko ang ganyang eksena. Hindi ko nasabi. Ideal na scenario yan sa utak ko. Mabuti at nakapagtimpi ako. Alam naman natin kung paano ang deviation ng ideal sa actual. Nagpapasalamat ako ng bongga kay Ate gurl na sumingit sa pila. Dahil sa ginawa niya. Nagkaroon ako ng isusulat ngayon. 

Love,

J. G. Villanueva💕